Don Emilio's POV
Mamaalam"Don Emilio!" nakaupo ako sa swivel chair habang hinihigop ang aking kupita.
Umikot ako para harapin kung sino ang nagsalita. Isa iyon sa mga tauhan ko.
Hawak nito ang dibdib niya habang naghahabol ng hininga.
"Bakit biglaan yata ang pag dalaw mo sa akin Mang Garber?" isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan.
"Nagkakaroon na ng progreso sa binabalak ni Cade. Usap-usapan iyon kanina sa bukid"
Lumisik ang mga mata ko sa sinabi niya. Iniisa isa kong binato ang mga bagay na nasa mesa.
Lumapit ako sa kanya at kinuwelyahan. "Hindi ba't sabi ko bantayan mo ng igi ang batang 'yon!"
Nanginginig ang mga mata niya.
"D...don... E...milio... G...ginawa ko ang lahat ng makakaya ko!"
Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya. Unti-unti siyang lumiyad dahil sa ginawa ko.
"Gusto mo bang magaya sa iba mong kasamahan!? O, baka naman ginagago mo ako!"
Hindi ko napigilan ang intesidad ng boses ko. Sa oras na mapatunayan lahat ng binabato sa akin ay tapos na ang pinaghirapan ko. Ang kapangyarihan at kayamanan. Kung hindi lang ako nagdalawang isip at na konsensya sa aking ginawa na hawakan ko sana ng tama kung paano ko maitatago iyon.
Maraming naniniwala sa akin na isa akong may magandang prinsipyo at magandang hangarin sa bayan na ito kaya hindi ko basta-basta hahayaan na mawala iyon na parang bula.
Malakas ang loob ng batang iyon!
"Hindi po, Don Emilio! Kaya agad akong tumungo dito! Bali-balita na nahanap niya na sina Flora at Karlos!"
Hinawakan kong mariin ang aking sentido.
"Mahal kong asawa!!!" aniya ni Leonora ng pumasok siya sa aking opisina.
May hawak itong panyo habang umiiyak.
"Si Piper! Alam niya na ang nangyari kila Rafaelo at Prescilla! Alam niya na ang nangyari! Ang anak natin! Galit siya sa atin! Si Cade ang may pakana nito! Si Cade ang dapat sisihin! Ang hampaslupang yon!"
Hinawakan ko ang magkabila niyang braso. "Huminahon ka! Kung hindi mo pinabayaan si Piper kina Evy ay hindi ito mangyayari!"
Pumiglas siya sa hawak ko.
"Leonora! Kung hindi mo pinatay si Prescilla ay hindi magiging ganito ang sitwasyon! Wag mo kong sisihin!" nagtagis ang mga mata ko habang siya ay tumahimik. Tila nag iisip.
Pabalik-balik na naglalakad.
Bumaling ako kay Mang Garber na nanginginig sa tabi."Tawagin mo ang ibang tauhan! Sabihin mo Gracio na galugadin ang bahay nga mga Paez! Wala o meron man makita ay sunugin nila iyon!"
"O...opo! D...don E...Emilio!"
Ang batang iyon sumusobra na!
Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Masyado siyang desidido na makamit ang gusto niya. Magkatulad talaga sila ng kanyang Ama. Walang ginawa kung hindi manggulo. Hindi malayong sasapitin din niya ang sinapit ng kanyang Itay.
"Anong balak mo, Emilio!? Sa tingin mo ay madadaan mo sa simpleng plano yan!"
Nag init ang tenga ko.
"Nag iisip ako Leonora! Puro ka dada! Ikaw naman ang mag isip! Puro ka balak!"
Dali-dali siyang lumabas pagkapasok niyang muli ay madala siyang baso ng tubig.

BINABASA MO ANG
Esta Guerra (COMPLETED)
RomanceSi Pilley "Piper" Perouzé Roshan, isang sikat na artista. Kaisa-isang anak ng gobernador ng kanilang bayan na si Don Emilio Roshan at ni Donya Leonora Roshan na dating sikat na aktres. Masasabing mayaman sila dahil bukod sa dating artista ang kanya...