Sakripisyo
"Kuya!", inalalayan ako ni Cazue sa paglalakad. Hingal akong umupo sa aking kama.
Kinuha niya ang first aid kit sa ilalim ng study table ko. Agad niyang ginamot ang aking sugat.
"Nasaan sina Dero at Inay?", tanong ko habang nagpapatayo sa bawat dampi ng bulak na may betadine sa aking mukha.
"Dadalawin lang daw si Tiya Flora", nabanggit ko kay Inay ang tungkol sa kanya na ikinatuwa naman niya.
Simula ng sinabi ko ang tungkol doon ay palaging masaya si Inay. Hindi na rin madalas ang pagiging malungkutin niya sa gabi. Minsan ng dumungaw ako sa kwarto niya ay kausap niya ang larawan ni Itay. Sinabi niyang malapit ng magbigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.
Sa ilang araw kong paghahanap sa kay Karlo, ang kapatid ni Padre Kule, ay hindi ko pa rin siya nahanap. Napag alaman kong isa siyang journalist reporter. Sa kabilang bayan ko nakuha ang impormasyong iyon dahil ang ilan sa mga taga roon ay naging kaibigan nito.
May sabi-sabi rin na patay na ito at meron naman nagsabing kasalukuya itong nagtatago. May kinalaman daw iyon sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga magsasaka.
"Napaano ka Kuya? Gawa ba ito ng mayabang na Arrow?", sabi nito habang patuloy na ginagamot ang sugat ko.
"Magpainit ka na lang ng tubig", tumango siya at ginawa ang sinabi ko.
Tinanggal ko ang damit ko saka hinawakan ang mga sugat at pasa'ng natamo ko.
Lumabas ako ng kwarto pagkakuha ko ng towel sa drawer.
Inalalayan ako ni Cazue papuntang banyo. "Pati ba sapatos mo pinagdiskitahan din ng mayabang na yon?"
Natawa ako sa tono ng boses niya. Mas galit pa siya sa akin samantalang ako ay kalmado na.
"Sa susunod Kuya isama mo ko sa mga lakad mo para naman makabawi ka. Isa pa asa lang naman yon sa mga alalay niya"
Pinili ko na lang manahimik kaysa gatungan ang sinabi niya. Mas uunahin ko pang isipin ang kapakanan ni Piper kaysa bumawi kay Arrow. Alam ko naman ang totoo kaya ganon ang galit niya. Bukod sa ako ang mahal ni Piper. Natatakot siya sa mga hakbang na pwede kong gawin ko.
Nung isang araw ay nahuli ko na mag sumusunod sa aking lalaki habang naglalakad ako. Matagal ng panahon na rin ang nakalipas simula ng may nagmamatiyag ng bawat kilos namin. Napansin kong bumalik ito simula ng nagkaroon ng chismis sa pagitan naming dalawa ni Piper.
Maaga akong gumising dahil maaga palang ay umalis na si Inay upang magsaka. Hindi ko alam kung anong oras silang nakauwi ni Dero kahapon. Hilaw pa kasi ang gabi ng natulog ako.
"Magandang umaga sayo, Pre", si Abel iyon. Ang mga mata niya ay hindi ko maintindihan kung kinagat ba ng insekto o pugto.
May dala siyang sariling tasa saka malugod na umupo sa kusina. Nakade kwatro ang paa niya at panay ang hikab.
Lalagyan ko sana ng mainit na tubig iyon pero napansin kong may laman pala.
"Akala ko naman ay hihingi ka ng kape"
Umupo ako sa tabi niya matapos magsalang ng sinaing. Nalimutan ni Inay magbalot. Siguro bibili siyang lugaw sa kanyang dadaanan. Mahilig siya sa roon lalo na tuwing umaga at may gagawin siyang trabaho.
"Nag away kami ni Lois. Ano bang dapat gawin ko? Gusto niyang magtrabaho ako sa kumpanya nila"
Tumikhim ako saka nag isip-isip.
"Ipaliwanag mo sa kanya ng ayos. Ayaw mo bang makasama siya sa trabaho?"
Kung ako ang tatanungin gusto kong magkatrabaho si Piper kung pareho kami ng gusto. Hindi naman sa mababantayan ko siya sa mga umaaligid sa kanya. Gusto ko siyang makasama araw-araw para alam kong ligtas siya.

BINABASA MO ANG
Esta Guerra (COMPLETED)
RomanceSi Pilley "Piper" Perouzé Roshan, isang sikat na artista. Kaisa-isang anak ng gobernador ng kanilang bayan na si Don Emilio Roshan at ni Donya Leonora Roshan na dating sikat na aktres. Masasabing mayaman sila dahil bukod sa dating artista ang kanya...