Pinag isa tayo
"It's delicious!", aniya Piper habang kumakain ng pares. Ngayon palang siya nakatikim ng ganito. Habang tinitigan ko siya ay natutuwa ako. Kahit nakaw lang ang sandaling magkasama kami ay masaya siya.
Dinala ko siya sa kinainan kanina ni Lolo Hermano. Umasa kong baka nandito siya pero ang sabi ng serbidora ay minsan lang niya makita yon.
Kwento niya pa ay napunta lang ang matanda dito kapag may kasama. Minsan ay binibigyan niyang pagkain kapag nahuhuli niyang nakatanaw lang ang matanda sa labas.
"Bakit ang bagal mong kumain? Ayaw mo ba ng lasa?", tanong ni Piper na pang abot ang subo ng kutsara.
"Hindi naman. Gusto ko kasing pinapanood kang kumain", namula ang magkabilang pisngi niya.
"Mabuti na nga lang at dito mo ko dinala. Minsan lang akong kumain sa lugar na hindi ako kilala", totoong hindi siya kilala. Pagpasok palang namin ay tinanggal niya kaagad ang suot nitong peluka at salamin pero wala manlang nakakilala sa kanya.
Maliban na lang ang may ari ng kainan na ito. Sige pa ang tanong niya kay Piper habang namimili ito ng order. Kwento nito ay gusto niya ng fashion sense ng girlfriend ko. Sayang nga lang daw at hindi pang babae ang katawan niya kaya hindi niya lubos magaya si Piper.
"Madalas kitang mapanood sa TV! Kabog ang mga damit mo doon! Saka tignan mo ngayon! Simple shirt and jeans ay dalang-dala mo", madaldal niyang kwento na para bang hindi tumatalsik ang laway niya sa akin.
Si Piper naman ay ngiting-ngiti sa lalaki.
"Talaga po? Salamat po ha. Sakto may hand lotion ako dito sayo na lang. It's my way of thanking", aniya Piper saka binigay ang produktong inendorsa niya sa TV. Minsan ko ng ginamit iyon pero hindi sanay ang kamay ko kaya tinigil ko.
"Saka pwedeng pa-picture na rin mamaya pagkatapos niyong kumain?", kumikinang ang mga mata niya habang iginaya kami sa aming pwesto.
"Yeah. Sure. Why not?", sagot ni Piper. Labas ang pantay niyang ngipin sa pag ngiti.
Yun nga ang ginawa ng lalaki matapos namin kumain. Ang ilan niyang serbidor ay nagtaka dahil sa inasta nito pero ang iba sa kanila ay nakilala din si Piper. Hindi naman nila pinaglagpas ang pagkakataon kaya kumuha din silang litrato kasama nito.
"Sorry. It's not supposed to be like that"
Naglalakad kami pabalik ng simbahan para magdasal.
"Masasanay din ako saka minsan lang iyon"
Hinuli ko ang kamay niya saka sinalikop iyon sa akin. Nangusap ang aming mga mata ng nagtagpo iyon.
"Siguro dapat na rin akong magsanay kung paano maging photographer"
Tumawa kaming dalawa sa sinabi ko. Nang makabawi sa aming paghinga ay ako naman ang nagsalita.
"Ayos ka na ba ngayon?", pinasadahan kong maigi ang mukha nito. Sariwa pa ang mga sugat kaya kitang-kita na tinakluban niya lang iyon gamit ng make up niya.
Iritado siyang lumayo ang tingin. Pilit na iniiwas ang mukha niya.
"Gusto kong makita yan. Nagpakonsulta ka na ba? Hindi mo dapat tinatakpan yan ng kung ano dahil baka maimpeksyon"
Tahimik lang siya habang dinuduyan ang kamay ko. Para siyang batang pinagalitan ng magulang.
"Liyag", hinigit ko siya palapit sa akin saka hinalikan sa noo. Para siyang bagay na mabilis mabasag kaya niyakap kong siyang maingat.
"Kung anuman ang problema mo nandito lang ako. Kahit hindi ko alam yan nandito lang ako. Sasamahan kita. Magkasama tayong haharapin ito. Kung gusto mong umiyak ay nandito lang ako", unti-unti kong naramdaman ang pag higpit ng yakap niya at ang init ng luha nito sa damit ko.
BINABASA MO ANG
Esta Guerra (COMPLETED)
RomanceSi Pilley "Piper" Perouzé Roshan, isang sikat na artista. Kaisa-isang anak ng gobernador ng kanilang bayan na si Don Emilio Roshan at ni Donya Leonora Roshan na dating sikat na aktres. Masasabing mayaman sila dahil bukod sa dating artista ang kanya...