31

54 10 0
                                    

Manghuhula

"Ayos lang ba sayo na dito kita dinala?"

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng sementeryo. Mukha namang kami lang ang tao ngayon kaya walang makakakita sa akin bukod sa taong nagwawalis ng mga dahon sa paligid.

Tinanggal niya ang iilang tuyong dahon galing sa puno ng Narra. Nauna akong umupo sa kanya.

"Oo naman. Bakit hindi?", nakangiting sagot ko habang nakatingala sa kanya.

Lumuhod siya upang magpantay kami at binigay sa akin ang dala niyang mga pagkain.

"Bibili lang akong kandila at bulaklak. Babalik din ako kaagad", tumango ako.

Habang naghihintay sa kanya ay inabala ko ang aking sarili. Ang iilang dahon na nakatakip sa lapida ay inalis ko sa pamamagitan ng pag hipan.

"Rucio Presigo A. Paez", pagbasa ko sa nakaukit na pangalan. Pamilyar ang pangalang ito.

Ilang beses akong nag isip hanggang sa proseso ng utak ko kung kaninong pangalan ito.

"Liyag", umupo si Cade sa tabi ko. Tinunaw niya ang ibabang bahagi ng kandila at saka tinayo iyon sa lapida. Sinindihan niya ito katabi ng bulaklak niyang binili.

"Hindi ka naman ba nainip?", bumaba ang tingin niya sa hawak ko.

"Bakit hindi mo pa kinain yan? Baka magutom ka", binigay ko iyon sa kanya upang buksan ang pinaglagyan ng pagkain na binili namin.

Inuna kong tikman ang palamig na nakalagay sa parehong lalagyan ng milk tea. Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko ng natikman ko ang lasa ng purong manggo flavor.

"Grabe! Ang sarap!", nag thumbs sa akin si Cade habang nakain ng fish ball. Pinagtusok niya ko saka isinubo sa akin.

"Pati yung sauce masarap", bakas sa mukha niya ang saya dahil sa reaksyon ko. Siguro naman hindi siya magdududa sa sarili niya na kaya niya akong pasiyahan sa ganitong bagay.

"Oo nga pala. Itay, si Piper. Siya yung Perouzé na tinutukoy ko sa inyo dati. Tanda niyo pa ba? Siya yung maarteng mayaman na kinahuhumalingan ko", ang mga mata niya ay puno ng pinaghalong lungkot at saya.

"Magandang Hapon po! Ako nga po iyon. Nako! Pag pasensyahan niyo po ako!", natatawang sinabi ko tila ba iimik ang kausap naming dalawa.

"Is your father's nickname Igo?", ilang beses siyang tumango.

Base sa naalala ko ang tatay niya ang kamukha niya at kaugali. Minsan kong nakausap ang tatay niya noon pero sandali lamang iyon. May pagkamaloko rin ang tatay niya.

Unti-unting hinawakan ni Cade ang magkabila kong kamay. Kahit malagkit iyon dahil sa sauce ay hindi ko inalintana.

"Piper, kahit anong mangyari kapag naging tayo ay wag kang bibitaw"

Tinitigan ko ang mga mata niya. Para bang may tinatago siya sa akin na hindi ko mawari kung ano. Pero sa isang banda ng isip ko ay iniisip kong baka na pra-praning lang ako.

"Itay, bigyan mo po kaming basbas para sa aming relasyon sa hinaharap",  dumapo ang halik niya sa kamay ko. Para siyang isang prinsipe sa mga fairy tales na napanood ko.

Mas lalo kong naramdaman ang sensiradad niya sa panliligaw sa akin. I think I found the one who's fated for me. Pero ayoko itong madaliin. Patagalin ko naman ng kaunti para magmukhang nagpakipot ako kahit papaano.

"Nangangako po akong siya lang ang lalaking mamahalin ko for the rest of my life. It maybe cliche pero iyon po ang totoo. Kaya kong sundin siya magaling sa kabilang buhay at doon ay pipiliin pa rin namin ang mahalin ang isa't-isa", teary-eyed akong ngumiti habang pinagmamasdan ang pangalan ng tatay ni Cade.

Esta Guerra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon