28

95 11 0
                                        

Panlasa sa lalaki

Hinintay ko lang matapos ang selebrasyon ng graduation nila Cazue at Abel. Papaalis na rin ako ngayong araw.

Nasa may puno kami ng mangga ni Cade kung saan kami nagtago noon. Nakaupo kaming pareho habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro.

"Kailan ka babalik dito?", tanong nito.

Nilaro ko naman ang mga paa ko habang kausap ko siya.

"I don't know yet", maikli kong sagor saka kinagat ang ibaba kong labi. Ngayon ko lang pinaalam sa kanya na aalis ako upang i-welcome ang pagdating ni Arrow kasama ang pamilya nito.

Sa daldal ni Abel ay nauna pang malaman ni Cade ang tungkol dito bago ko sabihin. Pero mabuti naman ang kinalabasan kaya malaking salamat sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko sasabihin kay Cade kaya ngayong araw ko mismo sinabi.

"Ihahatid kita sa inyo", napatigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa kanya.

"Bakit parang ayaw mo?", tanong niya. Looking into his black eyes directly makes me melt inside.

Humugot ako ng paghinga.

"Mamaya ay uuwi si Mang Ben para sunduin ako ng Van. Wag kang mag aalala. But if you want to go with me it's okay. I'll talk with Mang Ben", nakangiti kong sinabi.

Hinalikan niya ako sa noo.

"Hindi kaya kapag nakita ako ng mga magulang mo ay magalit sila?", kunot-noo akong nagtaka sa sinabi nito.

"Why? Is there any reason?", umiling naman siya. Hindi naman siguro magagalit sina Mama at Papa after all ipapakilala ko siya bilang kaibigan. Hindi bilang manliligaw. I'm sure hindi sila pabor sa panliligaw sa akin ni Cade.

Katulad ng sinabi nila dapat ay may gintong kutsara ang manliligaw sa akin. Hindi kagaya ng dati ay pabor pa ko sa kagustuhan nila pero ngayon ay nag iba na ang ihip ng hangin. Wala iyon sa estado sa buhay. Posible naman talagang magkagusto ang mayaman sa mahirap.

Hindi ko pa naman mahal si Cade dahil nasa getting-to-know each othee stage palang kami. Halos isang buwan ko palang siyang nakikilala at nakakasama pwera yung pa yung dati na binigyan niya ko ng bouquet ng palay. Kapag naalala ko iyon ay natatawa ako. Kasi it's korni. Saka bata pa kami non. I have proper hygiene na dapat time pero si Cade ay hindi pa yata nausuhan ng ganong bagay.

"Wala naman. May hiling sana ako bago ka umuwi", sandali kaming nagkakatigan bago ako sumagot.

"Anything basta yung kaya kong gawin", tumikhim siya. Sandaling tumingin sa mga bata saka muling binalik ang tingin sa akin.

"Gusto ko sanang makasama kang mamasyal. Susulitin ko yung huling araw na kasama kita", sandali naman akong natawa sa sinabi niya.

Kung hindi siguro ako suplada at maarte noon ay matagal na sigurong kami. Ayaw ko rin naman kasi ng mahirap. I mean...

Basta...

Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa akin at nagustuhan ko siya. Pero mabait siyang tao. Gustong-gusto ko iyon. Idagdag pang masipag siya,  family-oriented at maganda ang prinsipyo niya sa buhay. Hindi ko iyon nakita noon dahil masyado akong silaw sa mga bagay katulad  ng hindi pantay ang pagtingin ko sa mga tao noon.

"Mas okay siguro kung bukas na lang ako ng umaga uuwi", para bang nagdalawang-isip ang tingin nito sa akin.

Gusto kong sulitin ang araw na ito para makasama siya. Bitin kasi kung ilang oras lang kami magkakasama.

"Hindi ba't importante ang lakad mo bukas?", siguro ang tinutukoy niya ay yung sa mga Vitale. Before lunch pa naman ang lakad na iyon at hindi masyadong maaga kaya't makakahabol pa ko. Mabilis naman magdrive si Mang Ben saka malapit lang naman ang mansyon dito.

Esta Guerra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon