38

77 13 2
                                        

Mata lang ang walang latay

"Hoy. Ikaw...", hindi ko alam kung sinong tinutukoy ni Mang Gracio kaya't nagkatinginan kami ni Mang Imben.

Kasalukuyan kaming nagsasaka ngayong araw. Araw ng sabado ngayon at walang pasok kaya't ako muna ang humalili kay Inay kasama si Cazue.

"Ano pang ginagawa mo! Bilisan mo!", agad niyang hinawakan ang dulo ng damit ko. Saka hinala ako sa aking kinatatayuan muntik pa kong mawalan ng balanse dahil sa ginawa niya.

Si Cazue naman ay pigil ang inis ng mapatigil siya dahil sa ginawang iyon ni Mang Gracio. Ngumiti naman ako sa kanya para malaman niyang ayos lang ako.

"Mang Imben kayo ng bahala kay Cazue. Babalik din ako", paalam ko sa matanda bago kami lumayo ni Mang Gracio.

May maliit na rest house ang mga Roshan malapit sa palayan. Natanaw ko ang pamilyar na postura. Ang mamahaling saklob na panlalaki ang siyang nangingibaw. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga tauhan.

Tinulak akong palapit ni Mang Gracio sa kanya.

"Maiwan ko na kayo, Senyorito Arrow", nagbigay pugay siya sa lalaki bago tuluyang umalis.

Nag iwan ng kakaibang pag awang ang ngiti niyang kumurba kay Arrow.

Unti-unti naman siyang lumapit sa akin maging ang mga tauhan niyang parang tuta niyang nasa likod.

"Kumusta?", natatawa nitong sambit matapos tapakan ang upos ng sigarilyo.

Hindi ako umimik sa tanong nito. Nakatingin lamang ako sa kanya tinatantya ang gusto niyang sabihin.

"Dati ka pa. Ang taas ng ambisyon mo", seryoso nitong sabi. Ang mga mata niya'y kakaiba kumpara kanina.

Ang kaninang tupa ay parang naging leon sa ilan lamang segundo.

Naalala ko kung paano siyang nagalit noon sa akin dahil sa nalaman niyang may paghanga ako kay Piper. Pero tinigilan niya rin nama ako ng malamang hindi ako gusto ng dalaga.

"Mataas talaga si Piper", pamimilosopo ko. Ngumisi ako at ang isang tauhan niya ay gayak akong susuntukin pero pinigilan niya iyon.

"Hinay ka lang bata. Mamaya ay ipapaubaya ko rin siya sa inyo", sabi nito sa isang iyon.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga tauhan niya. Hindi ko sila makilala siguro ay dayo lang sila sa lugar na ito.

"Ngayon palang binabantaan na kita. Layuan mo si Piper ng wala ng dumanak na dugo"

Nakapamulsang ngumisi ako sa kanya. Mas lalo siyang nainis sa ginawa ko kaya't natuwa ako sa reaksyon niya.

"Hindi ko siya lalayuan. Ikaw ang lumayo bago ako mawalan ng respeto sayo", pagmamatigas ko.

Nagkasubukan kami ng tingin.Tinatantya ang pasensya ng isa't-isa.

"Mayabang ka na ah?"

Walang anu-ano'y sinuntok niya ko. Ang mga tauhan niya ay tinawanan ako. Mayabang ang kanilang postura porket madami sila. Kung nandito sina Abel at Lecio. Yari silang lahat.

Dinura ko ang dugo na dulot ng suntok niya. Tumindig ako ng matayog. Tatanggapin ko ang pisikal niyang pananakit. Yun lang naman ang kaya niyang gawin.

Kahit ilang beses niya kong saktan ay hindi mababago ang nararamdaman ni Piper. Awa ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Lahat kinuha mo. Si Mara! Ngayon si Piper naman! Anong meron sayong lalaki ka!?", sinuntok niya kong muli pero ngayon ay mas malakas na iyon.

Esta Guerra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon