Apong's POV
Pinabayaan"Gracio, nahihibang ka na ba!? Parang wala kayong pinagsamahan ni Presigo" galit kong sabi sa kanya ng makita siyang sinasaktan nito si Cazue.
Kilala ko ang mga taong may kauganayan kay Presigo. Alam ko kung anong klase siyang tao.
"Himala at nagpakita ka ulit, Apong?" aniya nito sa natatawang boses.
Kasalukuyan kaming nasa bahay niya. Alam kong mapagkakatiwalaan siya kahit nagbago ang pakikitungo nito sa halos lahat ng magsasaka.
Kitang-kita kung gaano binago ni Don Emilio ang buhay niya mula sa sahig hanggang sa kasuluk-sulukan ng bahay na ito.
"Hindi naman ako mamatay tao kahit taga sunod ako ng gobernador. Alam ko ang limitasyon ko. Magtiwala ka" sinindihan niya ang sigarilyong hawak.
Hinagis niya sa akin ang kaha na galing sa sarili niyang bulsa.
"Ewan ko ba sayo bakit ka nag rebelde. Kung ako sayo, makipanig ka na lang sa amin"
Nagpakawala siya ng usok. Para bang sobrang gaan ng ginawa niyang desisyon.
"Isa kang walang utak! Kasama sa mga pinatay nila ang magulang mo!"
Kitang-kita iyon ng mga mata ko. Nag pro-protesta kami sa mansyon ng mga Roshan hanggang sa dumami ang tao. Sa sobrang dami ay hindi makaya ng body guards nila kaya naglabas sila ng baril. Ilang beses silang nagpaputok pero walang natitinag.
"BIGAS! ANG GUSTO NAMIN!HINDI BALA"
"NASAAN ANG TINANIM NAMING PALAY!"
"NASAAN ANG AMING LUPA!"
"ANONG MANGYAYARI SA TATLONG PISONG SWELDO KADA ARAW!"
"IPAGLABAN KARAPATAN NG MAGSASAKA!"
"IPAGLABAN! IPAGLABAN!"
"IPAGLABAN! IPAGLABAN!"
Hindi raw sinasadyang matamaan ng bala ang ilang nandoon pero kitang-kita naman kung paano nila tinututok ang baril sa nangunguna ng protesta.
"Matatakluban ba talaga ng pera ang hustisya ng Inay mo?" kumuyom ang kamao ko.i
Nagsalin siya ng alak. Akala niya yata ang madadaan niya ko sa ganito. Kapansin-pansin din ang pangingintab ng singsing sa daliri nito.
"Sa tingin mo may magagawa ang pagiging rebelde mo? Ilang taon ka na nga ulit dyan? Pero nagugutom ka pa rin hindi ba?"
Natatawa nitong sinabi. Para bang iniinis ako nito.
Sinakal ko siya pero hindi gaanong mariin.
"Pagsisihan mo ang desisyon mo"
"Kumalma ka lang, Apong. Wala ka bang alam? Ang anak ni Presigo na si Cade ay malapit ng makamit ang hustisya"
Nilaro niya ang yelo habang iniikot ang baso. Muli siyang nagsalin ng panibagong alak saka iyon ininom.
" Gracio!"
Tawag iyon ng hindi ko kilalang boses.
"Magtago ka!"
Nagpalinga-linga ako hanggang sa banyo ako nakapagtago.
"O, napasyal po kayo Donya Leonora"
Ang babaeng iyon. Gusto ko man pakinggan ang usapan ngunit mahina iyon. Hikbi lang ni Donya Leonora ang naririnig ko. Maalam din palang umiyak ang isang iyon. Akala ko ay bato na ang puso niya.
"Magbabayad ang batang iyon!" singhal nito saka lumagabag ang pinto dahil sa pagkakasara.
Ilang minuto bago ako lumabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/221573315-288-k220122.jpg)
BINABASA MO ANG
Esta Guerra (COMPLETED)
RomansaSi Pilley "Piper" Perouzé Roshan, isang sikat na artista. Kaisa-isang anak ng gobernador ng kanilang bayan na si Don Emilio Roshan at ni Donya Leonora Roshan na dating sikat na aktres. Masasabing mayaman sila dahil bukod sa dating artista ang kanya...