65

38 8 0
                                    

Sa Muling Pagkikita

Ang araw ay unti-unti ng tinatakpan ng bulubundukin pero wala akong pakialam kung anong oras ako makakarating doon.

"Cade!" tambad ko sa kanya ng sinagot ang tawag ko.

Ilang segundo bago niya sinagot.

"Nasaan ka?!"

"Hindi ko pwedeng sabihin, Liyag"

"Kailangan mong makipagkita sa akin! Tutulungan kita. Tutulungan ko kayo!"

"Ayokong madamay ka"

"Matagal na kong damay dito!"

Ilang lunok ang laway ang ginawa ko.

"Cade. Tutulungan kita. Pero kailangan natin magkita!"

"Alalahanin mo ang sarili mo, Liyag. Kaya ko na ito"

"Hindi, Cade. Kailangan mo ng tulong ko. Pupuntahan kita dyan. Please?"

Parang nagdalawang-isip pa siya sa sinabi ko.

"Magkita tayo sa sakayan ng bus"

Nagtipa ako ng saktong oras kung kailan ako makakarating. Mabilis pa sa alas kwatro ang naging pagkilos ko. Maingay ang bawat paghakbang ko dahil sa mabilis na pagtagpo.

Abalang nagtatawanan sina Aria at Pixie kaya hindi ako napansin. Si Mang Ben na abalang inaayos ang hose. Si Manang Digna naman ay hawak ang basura na itatapon sa compost pit.

"Senyorita?" si Mang Ben habang pinapagpag ang kamay.

"Mang Ben, samahan niyo ko. Kailangan natin mag madali"

"Teka-", hinigit ko ang kamay niya kaya wala na siyang nagawa. Binigay ko sa kanya ang susi. Mabilis naman siyang nagmaneho palabas ng bahay.

Tanaw ko pa sina Pixie, Aria at Manang Digna. Kunot ang noo ng dalawa habang nag kwe-kwento ang matanda sa nangyari.

"Sa El Preve tayo, Mang Ben. Sa may sakayan ng bus"

Kumamot siya ng ulo dahil hindi maayos ang damit nito. Wala naman sisita sa kanya dahil tinted ang sasakyan.

"Bakit ganitong oras at parang nagmamadali ka?"

"Mahirap ipaliwanag, Mang Ben. I'll pay you double"

Naabutan ako ng init ng ulo dahil sa mabagal na pag usad ng sasakyan. Tiyak na kalhating minuto akong malalate.

Nagtipa ako ng mensahe kay Cade.

Sorry. Traffic. But can you wait a little longer? Sa may puno ng Narra tayo magkita. To be exact.
-Sent

Hindi siya nagreply pero sana ay nabasa niya. Masama ang kutob ko ng naramdaman kong palapit na kami sa pagkikitaan.

"You'll wait here, Mang Ben. Kahit anong mangyari dyan ka lang"

Hindi naman nagtanong ang matanda kung bakit.

"Pwede po bang ibili niyong pasalubong 'yung tatlong naiwan sa bahay?"

Tumango naman siya. "May ibibilin ka pa ba, Senyorita?"

Umiling ako. "Wala na. Just make sure that no one's following me"

Masyadong malaki ang lugar na ito kaya hindi ko siya makita. Sana pala ay nagdala ako ng jacket. Malamig ngayon kumpara ng nakaraan na nagbakasyon ako.

May kakaiba sa hangin. Kung paano ito sumipol sa aking tenga ay hindi ko gusto. Nagtaasan ang balahibo ko dahil sa kaluskos. Ingay lang pala iyon ng dalawang pusang naghahabulan sa ilalim ng ilang upuan. Dinagdagan pa ng plastik na bote ang ingay habang naglalakad ako.

Esta Guerra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon