Piper's POV
Tastier
Nagising ako dahil sa kung anong mabalahibo ang nasa harap ng mukha. Pusa lang pala iyon ni Mama. Bahagya ko palang hindi naisarado ang pintuan bago ako matulog kagabi.
Ramdam ko ang sakit ng ulo at katawan ko ng bahagya akong bumangon.
Pumunta ako sa banyo para mag half bath upang mabawasan ang init ng katawan ko. Hindi rin naman ako nagtagal dahil nahihilo ako at gusto kong lumabas ng bahay para mahanginan.
Naka roba akong lumabas ng banyo saka binitbit ang pusa at nilapag sa labas ng kwarto ko. Sinarado ko ang pinto saka sinimulang magbihis. Inaayos ang higaan ng bumukas ng dahan-dahan ang pinto matapos ang ilang beses na mahinang pagkatok.
Nilagay ni Manang Evy ang pagkain sa lamesiya. Kumalam ang sikmura ko ng makita kong sopas iyon.
"Kumain ka na. Mabuti at ambon lang ang naabot niyo kahapon kundi baka mas malala pa ang lagay mo", sabi niya.
Lumapit siya sa akin at nilapat ang likod ng palad niya sa noo ko.
"Parehas kayo ni Letty. May sinat din siya"
"Pag pahingahin niyo muna siya. Saka na lang siya gumawa dito sa bahay pag ayos na ang lagay niya", tumango naman siya sa sinabi ko bago umalis.
Nakatitig ako sa may salaming bintana habang kinakain ang lugaw na luto ni Manang Evy. Kahit mapait ang panlasa ko ay pilit ko pa rin na inubos iyon.
Tumayo ako saka nilibot ang paningin ko sa ibaba ng bahay. Mukhang hindi nadidiligan ang mga halaman sa ibaba. Naninilaw na kasi ang mga dahon nito.
Wala pang ilang minuto ay kinuha ko agad ang hose ng bumaba ako. Tinitigan ko ang mga dahon habang inuusap ito.
My eyes wrinkled when I saw a man standing in front of our gate. Bago ako makalapit ay naunahan ako ng isa sa aming kasambahay. Mabilis na kinuha ni Mama ang bulaklak sa kamay nito.
"Ma! Ayos ka lang ba?"
Nang makalapit ako ay tinago niya iyon sa likod niya. Pinilit kong makita iyon pero iniiwas niya.
She looks nervous. Ang paghinga niya ay malalim dahil sa bahagyang pagtaas at baba ng balikat nito.
"Oo naman, Anak. You should get some rest. May sakit ka pa hindi ba?",sinulyapan ko ulit iyon dahil sa pagkakuryoso. What's with it?
Bakit parang may nakita akong nakasulat?
Sumunod na lang ako sa sinabi niya na bumalik sa kwarto. Nang nainip ako ay pumunta ako sa kwarto ni Letty. She's having a breakfast.
Nakapatong ang maliit na mesa sa kanyang hita. Her eyes looks very pale. Nilapitan ko siya at agad na hinipo ang noo nito.
"I'm sorry. Kung hindi lang ako makulit kahapon ay hindi ka sana nagkasakit"
Humigop siya ng sabaw bago ngumiti.
"Wag mong alalahanin yon. Hindi ba't may lakad kayo ni Arrow ngayong araw?", speaking of the devil ay nag ring ang phone ko.
Gusto niyang mag date kaming dalawa. Pinaalam ko na ito kay Cade last night. He said yes naman para hindi magduda si Arrow na may relasyon kami. Wala naman siyang magagawa don pero I know my limits. Mas gusto ko nga sanang hindi na lang siya pumayag.
Pero salamat at nagkasakit ako dahil hindi matutuloy ang lakad naming dalawa.
"Nasabi sa akin ni Tita na may sakit ka", he's referring to my mom. Mabuti at sinabi agad sa kanya ni Mama.
BINABASA MO ANG
Esta Guerra (COMPLETED)
RomansaSi Pilley "Piper" Perouzé Roshan, isang sikat na artista. Kaisa-isang anak ng gobernador ng kanilang bayan na si Don Emilio Roshan at ni Donya Leonora Roshan na dating sikat na aktres. Masasabing mayaman sila dahil bukod sa dating artista ang kanya...