Someone's POV
Sa wakas...
Simula ng nangyari ang insidente ay hindi na muling makausap si Piper. Parang wala siya sa sarili.
Palaging nakakulong sa kwarto at nagmumukmok. Minsan pang nadatnan ito ni Letty na tumatawa mag isa habang kausap ang larawan ni Cade, o hindi kaya naman larawan ng tunay niyang mga magulang.
Kasalukuyan may dalang tray si Letty upang mananghalian si Piper. Pag bukas niya ng pinto ay hawak nito ang gunting at ginugupit ang sariling buhok.
Ang mahabang buhok ni Piper ay gulo-gulo. Ilang araw na kasing hindi naliligo dahil nagwawala siya sa tuwing inaaya siya na maglinis ng katawan. Ang mga mata niya ay malalim at maitim ang ilalim. Halos wala na siyang pisngi at payat ang mga braso niyang puro sugat. Paano ay kinakalmot minsan ang kanyang sarili kapag nakikita niya si Donya Leonora.
"Piper! Wag mong gawin yan! Pa-panget ang buhok mo!" mabilis na inagaw ni Letty ang gunting pagkababa niya ng tray sa side table nito.
"Gusto ko lang naman na makita akong maganda ni Cade. Saka sabi niya bagay sa akin ang maikling buhok. Tignan mo natatawa siya! Pati rin sina Mama at Papa!" wala namang tao sa tinitignan ni Piper kung hindi ang tatlong manika na nasa tabi niya.
Hindi alam ni Letty kung paanong tulong ang gagawin niya sa kaibigan. Hindi pa siya nasanay sa ilang buwan na pagiging ganito ni Piper. Sunod-sunod ang trahedya sa buhay ni Piper.
Niyakap niya ang kaibigan ng hindi niya napigilan ang sariling luha. Hinalikan niya ng mariin ang noo nito .
Bumitiw siya sa yakap. "Magiging ayos din ang lahat, Piper. Magtiwala ka. Babalik ang lahat sa dati" , tinignan niya ng diretso sa mga mata ang kaibigan nitong tila may maskara ang mukha.
"Ano ka ba, Letty!? Bakit ka umiiyak!? Sandali na lang makakasama ko na sila! Tignan mo nga yan! Nakangiti sila sa akin!" nilaro ni Piper ang mga manika. Sinasayaw niya iyon habang nakanta kumakanta ng mahina.
"Piper, ano ba! Bitiwan mo sila. Hindi ka sasama sa kanila, Piper. Kung nandito si Cade hindi niya hahayaan na malungkot ka at sa tingin mo gusto ng Mama Prescilla pati na rin ng Papa Rafaelo mo na ganyan ka?"
Hinigpitan niya ang hawak sa magkabilang braso nito ng hindi niya napigilan ang emosyon. Nasasaktan siya sa nangyayari. Sa ilang beses na bumalik sila sa doctor sinabi naman na matino ito dahil nakikilala niya ang kanyang sarili. Pero parang ayaw tulungan ni Piper ang sarili niya.
Yumuko ito. Wala pang ilang minuto ay pumatak ang luha niya sa unan. Niyakap siya ni Letty at umiyak din siya habang inaalo ang kaibigan nito.
Sa kabilang kwarto naman ay nandoon si Donya Leonora. Ilang beses siyang tinatawagan ng may kinalaman sa career ng kanyang hilaw na anak.
"Ano kamo!? Hindi baliw ang anak ko! Nagpapagaling lang siya!" singhal niya sa isa sa mga dating kumuha kay Piper bilang modelo ng isang clothing brand.
Mabilis kasing kumalat ang balita sa kung anong nangyari sa anak niya. Ilang beses pang na blind item ito at tila ginawa pang katatawanan ang nangyari.
Paanong hindi iyon malalaman ng lahat dahil kinansela ni Piper ang patapos niyang pelikula at ang iba pa niyang proyekto dahil sa nawalan siya ng sigla sa mga bagay.
"Babalik pa ang anak ko!" aniya saka binaba ang tawag.
"Pasensy ka na, Engr. Vitale. Masyadong akong pressured ngayon. Nasaan na nga ba tayo?"
Kahit namatay si Don Emilio talagang matalino pa rin itong si Donya Leonora. Agad niyang ginamitan ng pera at kapangyarihan ang nangyari sa kanyang asawa. Na frame up niya si Apong kaya habang buhay na sistensya ang pagkukulong dito.
BINABASA MO ANG
Esta Guerra (COMPLETED)
Roman d'amourSi Pilley "Piper" Perouzé Roshan, isang sikat na artista. Kaisa-isang anak ng gobernador ng kanilang bayan na si Don Emilio Roshan at ni Donya Leonora Roshan na dating sikat na aktres. Masasabing mayaman sila dahil bukod sa dating artista ang kanya...
