27

58 10 0
                                    

Wedding Speech

"Anong ingay ang meron sa labas?", bumalikwas ng bangon si Letty. Hindi naman siya nahirapan dahil sa kanyan pagdapa. Sanay na siya sa ganong pwesto.

Akala ko naman ako lang ang nakakarinig ng mga tunog ng instrumento. Yun pala ay pati siya. I just missed the sound of my guitar. Mas lalo akong nalungkot ng maalala si Aria. I don't know if she's okay or not. She don't even text me kahit sa messenger ay wala manlang paramdam.

Kasabay ng pagbaba ni Letty sa hawak nitong cellphone ay ganon din ang ginawa ko. Sa pagbwelo ko ng tayo ay nabuksan niya na ang bintana.

Habang tumutunog ang gitara sa 'kin, makinig ka sana
Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana
Sa awit na aking i-sinulat ko kagabi
'Wag sanang magmadali at 'wag kang mag-atubili dahil...

Kinusot ko ang mga mata ko pero hindi ako nagkakamali. It's Cade with Cazue and Abel. Pare-parehas sila ng suot na pangbukid. Ang kanyang mga alipores ay parehas na tumutugtog. He's staring at me that sent shiver to my spine. Hindi ko maiwasan na lihim na ngumiti.

Kahit na wala akong pera
Kahit na butas aking bulsa
Kahit pa maong ko'y kupas na
At kahit na marami d'yang iba

Tinutusok ako ni Letty sa tagiliran.

Kaya siguro hindi siya nag re-reply mula kanina ay dahil dito.

"Sana ako rin", ngumuso si Letty sa sarili niyang sinabi habang pinagmamasdan ang tatlong lalaki sa labas.

Ganito man ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo (ay ang...)

Para bang pinaghandaan nila ng matagal itong ginagawa nila ngayon. Magkakamatch kasi ang aksyon nila sa kanta. Natutuwa ako sa kanila lalo na kay Cade.

Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon

Nasaliw na rin kami ni Letty sa kanta at pati si Manang Evy na kakapasok lang sa kwarto ay nakangiti. Nagkatinginan pa kami sandali at sumenyas siyang anong meron. Nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot.

"Dalaga ka na nga talaga", lumapit siya sa akin saka hinalikan ako sa noo.

"Mabait yan si Cade. Kilala ko ang batang yan noon pa", nakangiti nitong sinabi at tumango-tango naman si Letty.

Hindi mo namang kailangan ang sagutin
Ang aking hinihiling
Nais na maparating
Na 'di na muli pang dadaloy ang luha
Pupunasan nang kusa
'Di kailangang manghula
Kahit pamasahe lang ang palagi kong dala
Upang makasama ka
Kapag nakikita ka
Lagi kang aalalayan kahit ano man ang 'yong
Mga ibinubulong
Malalim pa sa balon
Ito lamang ang...

Halos magpigil ako ng tawa dahil sa pagrap ni Cade. Paano ba naman muntikan pa siyang maubusan ng hininga kundi lang siya sa saluhin ng kapatid niya.

Kay Spider-Man o kay Batman
Kay Superman o Wolverine
Kahit 'di maintindihan
Baka sakaling pansinin

"Ang astig din naman pala ni Cazue", natatawang sinabi ni Letty.

"Si Cazue yung tipo ng kapatid na gusto ko", maikli kong sabi kay Letty kaya't napatigil siya.

"Kapatid?", natatawa niyang tanong.

"Don't get me wrong! Ang ibig kong sabihin yung ano! Okay. Fine! Nevermind", umiiling-iling siya sa sinabi ko.

Esta Guerra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon