Sino Sila
"Isasama mo talaga ako sa party?" may nginunguya pa siyang pagkain habang nagsasalita.
Naka de kwatro siyang nakaupo sa sofa habang hawak ang bowl ng coco crunch.
"Oo. Alam ko naman na hindi ka tatanggi"
"Yan! Yan! Ganyan! Idakdak mo!" kinuha ko ang remote sa tabi niya saka pinatay ang pinapanood nito.
"Finals na Piper!" nanonood siyang basketball na hindi naman ako interesado.
"Hindi mo kasi pinapansin" ngumuso ako.
Binaba nito ang hawak niya saka inagaw ang remote sa kamay ko.
"Pinansin kita. Ang sabi ko sasama ako" binuksan niyang muli ang TV.
Nagpatuloy siya sa pagkain habang nanonood. Tawa siya ng tawa habang kung anu-anong sinasabi.
Kunot-noo akong pinapanood siya habang inaaliw ang sarili niya sa palabas.
"Kaninong party ba iyon? Bibili akong damit pag nandon si Latrelle!" galak niyang sambit. Tumayo saka sandaling kumuha ng pagkain sa kusina.
Inabutan niya kong cereals at gatas. Hindi ko naman tinanggihan dahil minsan iyon ang aking umagahan pag tinatamad akong kumain ng kanin.
"Debut ng anak ni Direk Della"
Hindi ko naman close ang anak niya pero inimbita pa rin ako kaya nagpasalamat na rin ako. Pero sa pagkakatanda ko ay bumida iyon sa isang teleserye. Baguhan palang pero bumenta agad sa tao. Matagal-tagal na rin na hindi ako nakikihalubilo sa iba pang artista.
"Nako ha! Baka nandon yung mga kaaway mo!" halos tumilos ang nguso nito. Hindi naman maiiwasan na meron nga akong kunong kaaway. Hindi naman iyon ang turing ko sa kanila. They hate me for who I am.
Hindi nila matanggap na ako ang reyna. Ayaw pa nilang sila ang aking prinsesa. Maybe they'll fit to be my servant. Taga punas ng sapatos to be exact.
"I don't really mind" sabi ko.
"Maligo ka na. Mamaya ay nandito na yung mga mag a-apply!" akala mo naman talaga araw-araw naliligo ang isang ito.
Tinignan ko siyang nakangisi saka tumawa.
"Yeah. Half bath lang ang ginawa ko" hindi naman awkward ang ganitong usapan para sa aming dalawa. Dahil sanay na kami sa amoy ng isa't-isa. Kung hindi man siya maligo ay hindi ganon kasakit sa ilong ang amoy nito.
"I'll going to take a bath. Ikaw ng mamili ng damit natin. Tanungin mo din si Pixie kung magpapabili siya sayo o sasamahan ka"
Malaki ang tiwala ko pagdating kay Aria sa damit dahil sa taste of fashion nito. Halos parehas sila ni Lois na talaga namang nakakasabay sa trend at kahit hindi trend ang isang damit ay nagagawa nilang pang agaw iyon ng atensyon.
Naka roba ako ng binuksan ang bintana. May matandang babaeng naka bestida. Hindi ko kita ang mukha nito dahil nakasuot siyang saklob.
Tatawagin ko palang si Mang Ben ng binuksan niya iyon. Mukhang may tinanong pa si Mang Ben bago tuluyang papasukin ang babae.
I usually do interviews sa mga aplikante ko. Ayoko kasing kung sino lang ang pwede kong papasukin dito lalo na at delikado ang panahon ngayon.
Sinisingit ko ito sa schedule ko para lang isa-isa ilang masiyasat.
Nagbihis ako ng simpleng bestida saka nag lotion bago bumaba. May towel pang nakaikot sa basa kong buhok.
Hinanap ng mata ko yung babaeng nakita ko. Nasa may terrace siya. Nakatalikod mula sa pwesto ko at nagpapaypay gamit ang saklob.
![](https://img.wattpad.com/cover/221573315-288-k220122.jpg)
BINABASA MO ANG
Esta Guerra (COMPLETED)
RomanceSi Pilley "Piper" Perouzé Roshan, isang sikat na artista. Kaisa-isang anak ng gobernador ng kanilang bayan na si Don Emilio Roshan at ni Donya Leonora Roshan na dating sikat na aktres. Masasabing mayaman sila dahil bukod sa dating artista ang kanya...