58

66 10 0
                                        


Layuan

Madaling araw  ay gumising ako kahit puyat dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko alam kung saan ako pumunta ng matapos mangyari iyon. Masyado akong nagpakalunod sa alak kaya wala akong maalala.

Nauna pa pagbangon kaysa sa tilaok ng manok. Binuksan ko ang bintana upang pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Ramdam ang na kapaskuhan kahit dalawang linggo palang nagsisimula ang ber months.

"Magandang umaga, Senyorita", si Manang Evy na kagigising lang din. Galing siya sa comfort room ng kusina.

Kasalukuyan akong nagtitimpla ng tsa'a habang nakaupo sa may counter.  Grounded ako ng huli kong buwan dito sa El Preve. Hindi ako pwedeng lumabas maliban na lang kung payagan nila ako pero mukhang malabo iyon.

"Magandang umaga din po, Manang Evy", tamlay kong bati.

Bumilis ang oras at inubos ko iyon sa pakikipag usap kay Cade sa video call habang hindi pa nauwi sila Mama.

Tumatawa ako habang nakikipag usap sa kanya. Marami siyang kinuwento tungkol sa maghapon niyang ginawa. Nabanggit niyang dinalaw siya ni Siege. Hindi ko akalain na ang batang iyon ay malapit sa kanya.

"Mamaya na lang ulit. May pupuntahan lang kami ni Inay", sabi nito saka pinatay ang tawag ng ngumiti ako.

Binanggit niyang pupunta sila sa bayan ng Gurabo pero hindi niya naman sinabi kung ano ang dahilan. Naalala kong may matandang lumapit sa akin doon para humingi ng pang bili ng pagkain. Nagtaka ako dahil nakilala niya ko kahit na may taklob ang mukha ko.

Pumunta ako sa balkonahe inabot pala kami ng pag uusap ni Cade hanggang hapon. Sandali akong nag half bath saka tinanaw ang mga tauhan ng pamilya namin. Wala talaga kong takas. Parehas na may bantay ang gate sa harap at likod ng bahay.

Birthday ngayon ni Mang Ben pero napagpasyahan niyang hindi mag day off. Kaya naman nakaisip ako ng magandang plano.

Halos madapa ko dahil sa mabilis kong pagpulas para salubungin ang deliver ng pagkain. Tinulungan naman ako ni Letty sa dalahin ng pagkain pati ang family chef namin ay taka dahil sa pag order ko pero sa huli ay hindi naman siya tumututol.

Nagbake naman siya ng cake tulad ng sinabi ko.

"Kain po kayo!", tawag ko sa guards sa labas. Pero parang wala silang naririnig.

Dumating ang ilang case ng alak na pinasok ko sa loob.

"Konting inom lang tayo! Pang pa-relax ho!", iinom naman ako kasama sila at iyon ang plano.

"Happy Birthday! Happy Birthday to you!", sabay-sabay naming kanta ng hinipan ni Mang Ben ang cake nito.

Ang matandang lalaki ay hinalikan ang asawa nito sa pisngi. Nagkantyawan pa kami dahil dito.

"Kain na po tayo! Mag iinom na!", una akong tumagay dahil nagdadalawanh isip pa ang mga ito.

Hindi naman siguro magagalit sila Mama at Papa dahil sa pagdiriwang na ito. Saka baka gabihin sila at hindi rin maabutan ang kasiyahing ito.

Nang lumalim ang tumagal ang inuman ay sakto naman ang pagtext sa akin ni Cade.

Umakyat siya sa gate ng likod bahay at doon ko siya sinalubong. Ang hagikhikan ng mga nasa loob ay rinig sa pool area.

"Happy Monthsary", hindi ko naalala na ngayon pala iyon kaya nahiya pa kong tanggapin ang lumang kahon.

Hinawakan ko ang kamay niya at pumunta kami sa kubo. Bubuksan ko sana ang binigay niya pero pinigilan niya ko.

"Wala akong regalo. Sorry hindi ko naalala", kinagat ko ang ibaba kong labi.

Natatawa siyang tinignan ako saka dampi na hinalikan ang aking labi.

Esta Guerra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon