Bakasyonista
Hindi ako isang ordinaryong tao. Pinipilahan ako ng halos lahat na tao. Masasabi kong nabiyayaan ako ng maraming bagay.
Beauty, fame, and money. Wala na kong ibang hiling. Pero may bagay talaga na bigla na lang makakapagpabago sa pananaw ng isang tao. Siguro gano'n naman talaga kapag naramdaman mo ang bagay na iyon. Hindi lang iyon basta mababaw na kasiyahin na kahit sakit ang kapalit kakayanin mo.
"Ang nag iisang reyna ng mga artista—Pilley "Piper" Perouzé Roshan!" aniya ng TV host na nag i-interview sa akin.
Ilang beses kong pinag isipan kung sasalang ba ko sa ganitong interview. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga Q and A dahil sa ganitong show ay puro personal ang mga tanong.
"Matatak ang pangalan mo lalo na sa industriyang ito. May gusto ka pa bang subukan bukod sa pag arte?"
Ilang segundo akong nag-isip bago sumagot.
"Siguro yung sumali sa International pageant. Yun ang gusto ng fans ko na dapat kong subukan." natatawa kong sabi.
Madalas nilang kumento iyon sa instagram post ko lalo na kung naka bikini ako sa picture.
"You're aware that the question is about social issues right? Ngayon, ang isyu ay about sa kakulangan ng suplay ng bigas sa ating bansa. Sa tingin mo paano matutuganan ito?"
I was like 'are you serious?' Bagamat madali lang naman ang tanong.
"Dapat maglatag ng programa tungkol don. Paigtingin ang irigasyon para sa magandang pagpapatubig kasi iyon ang pinaka unang kailangan. Dapat bigyan ng libreng makinarya ang bawat magsasaka sa isang pamilya. We should educate everyone that the backbone of our economy is the agriculture sector." iyon ang turo sa akin ng isa sa mga naging propesor ko nu'ng kolehiyo ako. May malaking epekto iyon sa akin dahil ang pamilya ko ay may malaking lupain na may kinalaman sa ganong bagay.
"Pang pageant nga ang sagot nitong si Piper. Dumako naman tayo sa gustong malaman ng mga fans!" tinuro niya ang mga manonood na halos magwala sa kanilang kinauupuan. Panay silang may hawak na tarpaulin, o hindi kaya naman ay T-shirt na kung saan ay naka balandra ang aking mukha.
"Are you dating someone? Particularly, Latrelle Aurelius." lumakas ang hiyawan at mas lalong nagwala sila parang mga nakawala sa hawla ang mga iyon. But I'm happy that they want to know about what's happening to me. They're here through the ups and downs of my life. Kahit pa minsan masakit dahil ang iba sa kanila ay hindi na ko sinusuportahan.
Si Pixie na aking manager ay nakaupo kahelera ng ilang personalidad na kilala. He's one of those people who's looking forward sa dating issue namin ni Latrelle.
"Actually, Latrelle and I are good friends." not really. Gusto kong matawa sa sinabi ko. But for the sake of the fans ay iyon na lang ang aking sinagot. Pinaka maingat iyon — pang intriga nga raw.
Hindi naman kami magkaibigan. Hindi rin magkaaway. Sapat lang para masabing magkakilala.
"Hindi ba't may upcoming kayo'ng movie? It's Paper Rings?"
"Uhm. Yes. Pero matatagalan pa iyon ng labas may mga bagay kasi na dapat asikasuhin"
Inuna kasi ni Latrelle yung teleserye niya at ayaw niyang isabay sa taping itong bagong pelikula. Dahil do'n nakapagdesisyon ako na magbakasyon muna. Sinabi ko na kay Aria ang tungkol dito pero wala akong balak ipaalam kay Pixie.
"You're still NBSB. A brave woman!" palagi naman silang ganito sa akin. Ang linyang ito ay hindi na bago sa pandinig ko.
"Nagpapayaman pa rin! Kahit mayaman na!" dagdag pa ng host sa sinabi nito. Hindi naman gano'n ang nasa isip ko. Wala lang talaga kong magustuhan.
Marami pa siyang tinanong na mabilis kong sinagot. Nakahinga naman akong maluwag nang natapos iyon. Ito namang si Pixie na kahit nasa van ay hindi matigil sa pagdaldal.
"Dapat sinabi mong dating kayo!"
"I don't want to talk about it. Pwede bang magpahinga muna ako?"
Hindi naman siya umimik. Kaya naging mahimbing ang pagtulog ko. Kinagabihan ay hinanda ko ang mga gamit na dadalhin ko sa El Preve.
Ang mga kasambahay ko ay panandalian muna'ng umuwi sa kanila dahil wala rin naman silang gagawin dito.
Madaling araw palang ay umalis na kami ni Mang Ben. Mahaba-haba kasing biyahe ang tatahakin namin ayoko naman na abutin kami ng gabi. Masyadong delikado lalo na't matanda na itong kasama ko. Nag earphones ako habang dinadama ang magandang tanawin sa bawat dinadaanan. Ilang taon din na hindi ako nakakadalaw doon.
It's time to relax kumbaga.
Nag drive thru na lang kami para sa pananghalian. Tinawagan ko naman si Pixie habang nagpapatunaw ng pagkain.
"Aalis ka without my permission!" ang tulili ko yata sa tenga ay halos matanggal dahil sa pagtaas ng boses nito.
"Nasa biyahe na ko, Pixie. I'm sorry I didn't inform you", sabi ko. Pero 'yun naman talaga ang plano ko dahil alam kong pipigilan niya ko.
"Sorry! Sorry! Ewan ko sayo'ng bata ka!" binaba niyang bigla ang tawag.
Nagkatinginan kami ni Mang Ben na nagsimulang mag maneho.
Hindi ko maiwasan mapangiti kapag nakakakita ako ng billboard ko sa daan. Ang iba naman ay tarpaulin lamang pero minsan ay nadidismaya ako. Nilalagyan kasi nilang drawing na hindi maganda ang mukha ko.
Hindi ko alam kung hater , o kung trip lang nilang gawan ng gano'n ang mukha ko.
Umayos ako nang pagkakaupo dahil alam kong malapit na kami sa mansyon. Ang bungad ng El Preve ay purong palayan pero hindi na iyon kasing lawak katulad ng dati. Ang iba doon ay tinayuan ng building o hindi kaya naman ay bakanteng lote na.
May isang lalaking muntik pang mahagip ng sasakyan namin dahil sa paghaharutan nilang magkaibigan.
Binuksan ni Mang Ben ang bintana ng sandali siyang tumigil.
"Puro kulitan sa daan. Mababangga kayo niyan!" sermon ni Mang Ben sa mga binata. Hindi ko makita ang mukha ng isa sa mga lalaki dahil may saklob itong katulad ng sa magsasaka. Masyadong malaki iyon para masilayan ko ang mukha niya.
"Pasensya na po, Mang Ben!" pamilyar ang lalaking 'yun na nakauniporme.
"Nako! Kayo talaga, Cazue. Sa susunod mag-ingat kayo." ani Mang Ben saka nagsimula ulit mag maneho.
Pinagmasdan ko sa rear view ang dalawang lalaki parang kilala ko ang kasama nito.
Pagkababa ko ng sasakyan ay bumungad si Sandra— ang isa sa mga kasambahay namin.
"Ang gandang bakasyonista naman ni Senyorita!" bati niya sa akin bago ako tulungan sa aking mga gamit.
"Salamat, Sandra. Hindi ka pa rin nagba-bago! Mabola ka pa rin." ngumiti ako.
----ESTA GUERRA----
BINABASA MO ANG
Esta Guerra (COMPLETED)
RomanceSi Pilley "Piper" Perouzé Roshan, isang sikat na artista. Kaisa-isang anak ng gobernador ng kanilang bayan na si Don Emilio Roshan at ni Donya Leonora Roshan na dating sikat na aktres. Masasabing mayaman sila dahil bukod sa dating artista ang kanya...