Loel
"Akala ko kung ano ng nangyari sa inyo", niyakap ko kaagad si Letty ng makita silang dalawa ni Abel.
"Walang mangyayari sa aming masama. Nandito ako mala Superman", pagmamayabang ni Abel ng pinakita ang biceps nito. Mas malaki pa rin ang kay Cade.
"Sa loob na kayo ng tricycle. Kami ng dalawa sa labas", sabi ni Cade saka hinaplos ang buhok ko bago kami sumakay.
"Ikaw anong nangyari sayo? Bigla ka na lang nawala sa pwesto mo", tanong ni Letty.
"Tinulungan ko kasi yung mga matatanda don", maikli kong sagot kay Letty at tumango naman siya.
Naging tahimik ang buong biyahe namin pauwi. Siguro pagod din siya kaya wala siyang lakas na makipagkwentuhan. Pagkababa namin ng tricycle ay agad akong niyakap ni Cade. Nakita ko ang mapanuksong ekspresyon ni Letty at si Abel naman ay sumipol.
"Hindi pa rin matanggal yung kaba ko kaya niyakap kita. Pasensya na kung nabigla ka", sabi nito ng bitawan ako sa pagkakayakap.
"Ah... Eh... Okay lang yun", kabado kong sambit dahil sa magkapatid na nakatingin sa amin.
Baka kita nila kung gaanong namumula ang mukha ko. Bakit kasi ganito kabait ang isang ito!?
"Tara na. Bukas na ang pagliligawan niyo", hinigit ako ni Letty paloob ng bahay.
"Teka! Hindi niya naman ako nililigawan pa!", pag angal ko sa kanya.
Tanaw ko naman si Abel na tinapik si Cade sa balikat bago tuluyang sumunod sa amin. Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng di ko manlang nasilayan ang mga mata niya sa huling pagkakataon.
"Bakit may pa? Ano yun may namamagitan agad sa inyo?", natatawang tanong nito habang nagsasalin ng tubig sa baso.
Kita ko ang pag agos ng pawis mula sa kanyang buhok. Siguro ay tumakbo sila ni Abel para makaalis sa party.
"Wala no. Magbibihis na ko at diretso tulog na ko", tinignan ko ang wall clock sa may taas ng TV. Pasado alas onse na ng gabi.
"Ay sus! Senyorita! Ayos lang naman sa akin kung may namamagitan na sa inyo ni Pareng Cade. Type niyo naman ang isa't-isa", humalakhak si Abel at inagaw sa kapatid niya ang baso ng tubig para siya ang uminom.
Ang ugali talaga nito. Gustong-gusto niyang inisin si Letty pati ako.
"Ilang beses ko ng sinabi wag niyo kong tatawaging Senyorita kapag wala tayo sa mansyon. Saka sinong nagsabing type ko yung kaibigan mo?", ngumuso ako habang nilalaro ang mga daliri.
Napapikit ako sa pagkadismaya dahil baka masyado akong nagpahalata.
"Sus! Namumula ka nga kanina", tumwa ulit siya.
"Bahala ka kung anong isipin mo! Good night!", padabog kong sinara ang pinto ng pumasok na ko sa kwarto.
Habang naghahanap ako ng damit na pantulog hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Para siyang light in shining armor!!!
Hinawakan ko ang dibdib ko. Masyadong mabilis ang pagtibok ng puso ko. Ano bang ginawa niya sa akin!?
Naputol ang iniisip ko ng nag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Nang tinignan ko kung sino ang nag message ay walang pangalan na nakalagay. Nawala ang pagkunot ng noo ko ng binasa ko ang mensahe niya. Ayokong mag assume but I can't stop!
Unknown Number...
Matulog ka na, Liyag.Habang nagtitipa ako ng irereply sa kanya ay hindi ko maiwasang manginig ang mga daliri ko. Nakailang bura ako ng message bago ako nakapagsend sa kanya ng kung anong dapat sabihin.
Kailangan kong magkunwari na hindi ko alam kung siya iyon. Baka isipin niyang mabilis akong mag assume.
Sino to'?
-SentNilagay ko ang cellphone sa kama at saka ako mabilis na nagbihis. Ang tagal niya naman mag reply!
Baka wala na siyang load. Pasahan ko kaya ng load?
PIPER! ANO BA!? Wag ka ngang ganyan! Halata ka.
Unknown Number...
Si Cade to'. Mag a-alas dose na kaya matulog ka na. Tutulog na rin ako.Nag aalala ba siya sa akin? Gusto niya bang matulog kami ng sabay tapos magkikita kami sa panaginip!
Nagtaklob ako ng unan upang pigilan ang nararamdaman ko ngunit hindi iyon sapat.
"Uy! Piper, anong ginagawa mo at para kang kinikilig dyan?"
Nang marinig ko si Letty ay agad akong bumalikwas ng bangon. Inayos ko ang aking nagulong buhok.
"Huh? No, I'm not. I'm just practicing. Yung kilig moments sa Paper Rings na movie ko", kinagat ko ang ibaba labi ko habang pinagmamasdan siyang mahiga ng kama.
"Nakalimutan kong buksan yung electric fan. Paki bukas nga"
Dali-dali ko namang sinunod ang sinabi niya saka pinagmasdan siyang magkumot.
"Anong ginagawa mo? Akala ko ba tutulog ka na?", sabi nito.
Pinatay ko rin ang ilaw dahil hindi ako makakatulog kapag bukas iyon.
"Ah. Ito na nga. Tutulog na rin ako", dahan-dahan akong tumabi sa kany.
Hindi ko alam kung nagkukunwari siyang walang alam sa nakita o pagod lang siya kaya ayaw niya ng pag usapan.
Ilang segundo pa lang ng pumikit ako ay narinig ko ang mahinang boses niya.
"May nagtext na ba sayo?", nanlaki ang mga mata ko at bahagyang inangat ko ang kumot sa aking mukha.
"Uh. Oo", act normal Piper. Text lang yun pero bakit ganyan ka. Akala mo naman papakasalan ka na.
"Yun pa rin pala ang number mo", sabi ni Letty.
Hindi ko umimik sa sinabi nito dahil tuluyan na kong dinalaw ng antok. Siguro ay may kalhating oras palang akong natutulog ay bigla akong nilikot ni Letty.
"Shh!! Dyan ka lang sa kwarto wag kang lalabas!", bilin nito bago siya ang lumabas ng kwarto.
May maliit na butas sa pinto kaya kita ko kung sino ang kausap nila. Kung hindi ako nagkakamali ang dalawang iyon ay kabilang sa mga armadong lalaki na nakita ko kanina.
"Hihingi lang sana kaming pang ulam. Wala na kaming maiulam sa bundok. Alam mo naman kaibigan pa rin kita, Abel", sabi nito ng tapikin si Abel sa balikat.
Pinagmasdan nitong maigi si Letty.
"Hugo, pwede bang intayin mo na lang ako sa labas?", tumango naman ang kasama niya saka tuluyang lumabas.
Pinagmasdan kong maigi ang mukha nito. Mahaba ang buhok niyang hanggang balikat. May peklat ang kanang pisngi nito. Ang katawan niya naman ay matipuno.
"Anong nangyari sayo, Loel?", tinutop ko ang aking bibig dahil sa pagkabigla ko sa tanong ni Letty.
----#ESTA GUERRA----
BINABASA MO ANG
Esta Guerra (COMPLETED)
RomanceSi Pilley "Piper" Perouzé Roshan, isang sikat na artista. Kaisa-isang anak ng gobernador ng kanilang bayan na si Don Emilio Roshan at ni Donya Leonora Roshan na dating sikat na aktres. Masasabing mayaman sila dahil bukod sa dating artista ang kanya...