TOK! TOK! TOK! TOK! TOK!
Shit!
Biglang saglit na dumilim ng paningin ko nang bigla akong napa-bangon dahil sa gulat. Geez! Anemic na ata ako.
TOK! TOK! TOK!
Argh!
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok ulit.
Ay mali!
Hindi ko alam kung katok ba talaga ang tawag don dahil halos mawasak 'to sa sobrang lakas ng kalampag.
Maingat akong lumapit para buksan 'to pero....
TOK! TOK—
Lintik!
*Binuksan ang pinto*
"ANO BA NGAYON KA LANG BA NAKAHAWAK NG PINTO AT GRABE KA KUMATOK?!" Sigaw ko sa kung sino mang poncho pilato ang may balak wumasak sa pinto ko.
"Ay bes! Sorryyyyy"
"KAYONG DALAWA?!" Anak ng pusa! Kaya naman pala walang pakundangan ang pagkatok sa pinto ko dahil si Barbara At Clarisse ang nagsanib-pwersa.
"Sorry Sasha,na istorbo ka ba namin? Di bale kasalanan mo naman. Hindi mo sinasagot ang calls and texts namin ni Barbs kaya sumugod kami dito"
Please lang Sasha pigilan mong pektusan si Clarisse,bagong gising ka lang kaya ikalma mo ang sarili mo,kaibigan mo 'yan.
Huminga ako ng malalim at kalmadong ngumiti sa kanila.
"Syempre hindi niyo ako na-istorbo,tamang tama ang dating niyo... MAKAKA-ALIS NA KAYO!" bulyaw ko sa mga 'to.
Balak kong isarang muli ang pinto pero agad nila akong pinigilan.
"Teka Sasha nagbibiro lang si Clarisse ano ka ba! Alam mo namang pasmado ang bibig nito." Sabi ni Barbs.
"Hoy anong pasmado? Totoo kayang—"
"SIGURADONG HINDI TAYO PAGBUBUKSAN NI SASHA NG PINTO KUNG ITUTULOY MO YANG SASABIHIN MO CLARISSE MERCADO!" Rinig kong sigaw ni Barbs habang pareho nilang pilit na binubuksan ang pinto na pilit ko naman isinasara.
"Sabi ko nga sorry na Sasha papasukin mo na kami! May chismis kami sayo!"
Kumalma ako at saka binuksan ang pinto.
"Hayyy salamat naman." Sabi ni Barbs at inunat ang braso niya.
"Sabi ko na chismosa ka talaga eh."
"Ah talaga?"
Hihilahin ko sana si Clarisse palabas sa kwarto ko pero mabilis siyang tumakbo papasok at itinapon ang sarili sa malambot kong kama.
Sira-ulo talaga!
"Bakit ba kayo nandito? Ang aga aga binubulabog niyo ko!" Asik ko sa mga 'to.
Hayyy grabe,ang sakit ng ulo ko. Lumapit ako sa mini refrigerator sa kwarto ko at kumuha ng isang boteng tubig.
"Anong maaga? Alas tres na po ng hapon señorita!"
Halos ma-ibuga ko ang tubig sa bibig ko ng marinig ko ang sinabi ni Barbs.
Ano? Alas tres na?