Wednesday na ngayon at nandito ako sa garden ng campus. Nag-text na ako kala Barbs at Clarisse na dito nila ako puntahan,nag reply naman sila at nagulat dahil kadalasan ay sa canteen naman talaga ako naghihintay kapag breaktime. Hindi ko na sila ni-replyan kung bakit at itinago ko na ang phone sa pocket ng skirt ko. Haaaayyy.
Parang gusto ko tuloy magkaroon ng super powers na kayang pabagalin ang oras. Pakiramdam ko kasi ang bilis bilis ng mga naging pangyayari at maging ang pagdaan ng araw ay ang bilis din. Ni hindi ko nga napansin na tatlong araw nalang ay sabado na.
Kung nung araw na malaman kong inaya ako ni Astro na maging date niya sa event,aaminin 'kong sobrang natuwa at na excite ako non. Kaya nga wala akong pagdadalawang isip na pumayag eh. Pero habang papalapit ang event ay feeling ko ayoko ng tumuloy. Hays,ewan ko ba.
"Sis!"
Natuon ang atensyon ko sa papalapit kong mga kaibigan.
"Anong hangin ba ang sumapi sayo at dito mo naisipang dumiretso?" Agad na tanong ni Barbs.
"Oo nga! Kinakabag ka ba? Oh hindi kaya naghihirap na kayo,kaya iniiwasan mong pumunta sa canteen dahil siguradong mapapa-gastos ka?"
Hay nako,kung nasa mood lang ako baka nasakal ko pa 'tong si Clarisse.
Pero wala kasi akong panahon na makipag-asaran sa kanila ngayon eh. Ewan ko,pakiramdam ko ay wala akong gana sa lahat.
"Gaga ka,sa yaman ng angkan nila Sasha siguradong hindi siya maghihirap kahit factory ng mga pagkain pa ang bilhin niya." Sabi naman ni Barbs.
"I know right." -Clarisse.
"Hoy Sasha,bakit ba parang wala ka sa mood? Ano bang nangyari? Pwede bang mag-kwento kana sa amin this time kung ano ang nangyari doon sa so-called-hang out niyo ni Astro."
Nangalumbaba ako sa table na nasa harap ko.
Oo nga pala,absent kasi ako kahapon eh kaya ngayon lang ulit kami naka-pagkita nila Barbs at Clarisse,hindi rin ako nag-abalang mag-open ng accounts sa social media. Maging ang phone ko ay in-off ko,kaya hindi din nila ako ma-contact.
After kasi naming mag-usap ni Astro ay hinatid niya na agad ako pauwi. Hindi na kami nakapag-usap sa sasakyan. Tapos non,masyado akong na-apektuhan sa sinabi niyang naaawa siya sa akin kaya niya ginagawa ang bagay na'yon.
Wala akong ibang inisip kung hindi ang tungkol doon. Hindi ko nga din alam eh. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit sobrang affected ako sa sinabi niya. Siguro masyado akong nag-expect na gusto niya lang talagang gawin ang bagay na'yon para ipag-tanggol ako. Tho,yun naman talaga ang ginagawa niya. Kaya lang,ginagawa niya lang din 'yon dahil kinaka-awaan niya ako.
Napuyat ako kaka-overthink sa bagay na'yon. Alam kong ang impokrita ko para pag-puyatan 'yon sa kakaisip. Pero wala eh,hindi ko talaga maiwasan. Ayon tuloy,hindi ako nakapasok kahapon dahil late na ako nagising. Mabuti nalang at wala kaming tests at puro discussion lang ang ginawa sabi ng mga blockmates ko.
"Huuuyyy Sashaaaaaa!"
Nagulat ako sa boses ni Barbs. Kasi naman! Nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko.
"What??" Tanong ko dito.
"Anong what? Tinatanong ka kaya ni Clarisse kung bakit ka nagkaka-ganyan and anong nangyari doon hang out niyo ni Astro."
![](https://img.wattpad.com/cover/224513270-288-k80233.jpg)