Wala na akong nagawa kung hindi ang harapin nalang sila. Mukha namang hindi nila ako tatantanan eh.
Masyado namang superior ang tingin nilang dalawa sa sarili nila! Kung maka-tingin sila sa akin ay hindi makatarungan..haysss.
"Poor Sasha... where did you get your toughness to went here? Sinasabi ko na nga ba,walang papatol sayo. Awww loser piggy." Nang-aasar na sabi ni Kate. Psh! Para siyang bata. ABNORMAL NA BATA.
Ilang taon na ang nakakalipas pero wala pa ding nagbabago sa ugali ng mga 'toh,hanggang kailan ba sila magiging ganyan.
"Alam mo dapat kasi hindi kana pumupunta dito,masyado mo lang nasasakop ang space ng venue. At isa pa,tignan mo nga ang itsura mo. Graduating kana ng college pero hindi pa din uso ang diet sayo?hahahaha!"
Isa pa 'tong hudas na James na'toh! Ang sarap ilaglag sa crater ng bulkan! Kung makapag-salita akala mo sinong gwapo!
"Pwede ba...kung lalaitin niyo lang akong dalawa,umalis nalang kayo kase wala naman akong pake sa mga sinasabi niyo." Kalmado kong sabi.
"Wow are you serious? At kami pa talaga ang pinapaalis mo? Hindi ba dapat ikaw ang umalis? Nakakasura ang mukha mo!"
Aba at! Ang talas ng dila ng babaeng 'toh!
Inaano ba siya ng pagmumukha ko? At saka ano daw? Ako ang aalis? Eh ako nga ang nauna sa pwesto dito eh. Hayyy nako naman,humihithit ata ng baygon ang babaeng 'toh eh.
Naramdaman ko na may mga nagtitinginan na sa amin. Paano ba naman kasi ang lakas ng boses ni Kate,akala mo talaga nakikipag-away ako sa kanya kung umasta siya.
Ano ba kasing ginawa ko sa mga 'to at galit na galit sa akin? Ni hindi ko nga sila pinapake-alaman eh.
Hay ,wala naman akong mapapala sa kanila eh. At saka,baka dumami pa ang mga mag-tinginan sa amin at akalaing nag eeskandalo kami dito nakakahiya. Mabuti pang hindi ko nalang sila kausapin.
Tumalikod na ako sa kanila at wala nang balak pang pansinin ang mga 'to nang bigla ulit mag-salita si Kate.
"Hoy dambuhala! Kinakausa—"
"Touch her and I'm not gonna hesitate to break that arm of yours."
Hindi na naituloy ni Kate ang sasabihin niya ng may lalaking nagsalita. And yes... it was Astro!
"OH MY GHAD ASTRO?!" Shookt na sabi ni Kate.
Muli akong lumingon sa kanila, nakita ko agad si Astro sa likod nila Kate at James.
Pakiramdam ko ay nanlamig ang kamay ko nang makita ko ang mukha nito. His face is back again to its dark aura.
Last time I saw him with that aura was when a girl blocked our way in hallway. Yung sinabihan niya ng piece of shit.
Napansin ko naman si Kate at James na nakatingin kay Astro,bumaba ang tingin ko nang makita ang kamay ni Kate na malapit sa braso ko. Mukhang balak niya akong hawakan kanina.
"Move that damn hand away from her." Kalmado pero mababakas ang authority sa boses nito at malamig ang mga matang nakatitig sa gulat na gulat na si Kate.
"But—but Astro..."
No wonder kung bakit kilala ni Kate si Astro. As what I've said,campus crush siya noong highschool kami at may band din siya...kaya sigurado ako na lahat ng tao dito ay kilala si Astro Lenderson. At kung hindi ako nagkakamali... deads na deads si Kate kay Astro.