Chapter 17

5 2 0
                                    

Tapos na ang breaktime kaya naghiwa-hiwalay na kami nila Barbs at Clarisse. Magkikita naman ulit kami mamayang uwian eh dahil lagi naman kaming sabay.


Nag-insist pa ang dalawang 'yon na ihatid ako sa room para masigurong walang mag-aargabyado sa akin,pero tinanggihan ko na at pinauna na sila. Masyado na kasi nila akong pino-protektahan. Hindi naman porket kaibigan nila ako ay lulubus lubusin at sasamantalahin ko yung pagiging concern nila sa akin. Malaki na ako at kaya ko naman na'to.



Wala nakong nakakasalubong na masyadong students. Lagpas ten minutes na din kasi nang matapos ang breaktime eh. Alam kong male-late nanaman ako sa next class ko pero hayaan mo na.



Actually may dinadaanan din akong ibang daan papunta sa department namin,kaya din wala talaga akong students na gaanong nakakasalubong. Mula kasi sa garden kung saan palagi na kaming napunta nila Barbs ay mayroon itong shortcut na pwedeng daanan at ang labas nito ay sa may pool area,meron namang daan sa pool area na malapit lang sa department namin. Kaya eto ako ngayon,naglalakad.



Malapit na akong makarating sa pool area...sana naman walang students na nagte-training doon ngayon.



Ilang saglit na paglalakad pa ay nakarating na nga ako. At ang swerte ko dahil wala nga talagang katao tao. Kaya naman kinuha ko na ang opportunity para magmadali sa paglalakad.




"Got yah freakin' pig!"


Hindi ako tumigil sa paglalakad kahit pa alam ko kung kanino nanggaling ang pamilyar na boses na'yon.

Sa lahat naman ng studyante sa campus nato bakit eto pa ang maeencounter ko.



Ilang saglit pa ay natigil nadin ako sa paglalakad ng may tatlong babae ang humarang sa daraanan ko.


Take note,nasa pool area pa din kami at hindi pa ako nakakalampas. Ano bang ginagawa nila sa lugar na'to? Swimmer ba sila?



"Wala ka ng takas taba!" Rinig ko ang heels niya na naglalakad palapit sa direksyon ko.



Agad namang tumawa ang tatlong alipores niya na nakaharang sa akin ngayon.



"Didn't I warned you to stay away from Astro? At ang kapal mo dahil hindi ka manlang nakinig? And worse na mababalitaan kong ikaw ang ni date niya sa event imbis na ako?!"


Halata sa boses niya ang panggagalaiti.



"Hindi ko alam kung anong klaseng hayop ka eh. Kung baboy ba o ahas!" She added.


Hindi ko na natiis ang sinabi niya kaya naman agad akong humarap sa kanya.


"At bakit? Ano sa tingin mo ang gagawin mo? Lalaban ka? Oh c'mon! I can chop those fats of yours if you try to do that."

Huminga lang ako ng malalim at pinigilan ang sarili ko.

Nakita ko naman na nag-snapped siya ng daliri niya,I don't have any idea of what was that meant for,not until I felt something at my back.



"Oh crop! That's disgusting isn't it?? HAHAHHAHA!" Malakas na tawa ni Andrea.

Tumawa din ang mga alipores niya.


At ako? Wala akong magawa... kung hindi ang mag-pigil sa emosyon ko. Unang una ay hindi ko naman ugaling manakit ng tao. I'm not a monster like them!



I can smell those kinds of foods that they threw at my back. Halos lahat ng 'to ay malansa ang amoy.


"Serves you right! Can you smell it? Now you stinks! I've told you,don't mess with me. Sa lahat ng ayoko ay inaagaw ang pag-aari ko. Incase na hindi mo alam,ganyan kabaho ang pagkatao mo! Hindi lang sa paningin ko...maging sa paningin ng lahat ng students sa campus na'to! MALANDI KA!"


Date with a strangerWhere stories live. Discover now