"Sasha namaaaaan! Ngayon ka pa ba aatras eh two days nalang gaganapin na 'yung event sa Rio Academy!"
Uwian na at naglalakad na kami nila Barbs papunta sa parking lot. Sinabi ko kasi sa kanila na parang hindi ko na feel ang pumunta sa event.
"You promised! Sabi mo wala ng bawian diba??? At saka paano na 'yung set up niyo ni Astro??" Clarisse added.
Yun na nga eh! Hindi ko akalain na dahil din kay Astro kaya gusto kong mag-back out sa event. Paano ako makikipag-date sa kanya eh MAY FIANCÉ NA NGA SIYA.
Gusto kong isigaw kala Barbs and Clarisse ang bagay na 'yan kanina pa,dahil paulit ulit nila akong kinukulit na ituloy na ang pag-punta sa event. Sinabi pa ni Clarisse na pupunta kami sa shop ng Auntie niya para pasukatan nako ng damit.
Ewan ko ba! Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin kala Barbs,siguradong pati sila ay magugulat kapag nalaman nila ang nalaman ko.
"Bakit ka ba kasi nagkaka-ganyan? Akala ko ba okay na ang lahat? Sabi mo naman naging maayos 'yung usapan niyo ni Astro nung nag buffet kayo?"
Tinignan ko sa Barbs pero agad din akong umiwas. Haysss.. kung alam lang talaga nila. Kaso ayokong ipaalam eh. Hindi naman sa ayaw pakiramdam ko lang talaga ay may kung anong pumipigil sa akin.
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanilang dalawa.
"Nagbibiro lang ako." Sabi ko nalang at bahagyang ngumiti.
Para namang nakahinga ng maluwag ang dalawang babae sa harap ko ng sabihin ko 'yon.
"Ikaw talagang babae ka! Ang lakas ng topak mo noh??"
"Pinagod mo pa kaming kulit kulitin ka! Walangya!" Sabi nila.
Tumawa naman ako ng bahagya.
Haaaaayyy nakoooo! Mabuti nalang siguro 'to! Para hindi magtanong ng magtanong at mangulit ng mangulit ang dalawang 'to.
Bahala na! Bahala na si peppa pig!
——
*saturday...event day!*
It's almost five in the afternoon and I'm still on my bed.
Sa pagkakaalam 'ko ay eight pm pa naman ang start ng event.
Grabe hindi ko alam 'kung ano bang nangyayari sa akin,ilang araw na akong ganito. Pabago bago ang desisyon. At madalas wala ako sa mood. Lalo na kapag naiisip 'ko si Andrea. Yung babaeng bitch na Fiancé ni Astro.
Narinig 'kong kumakatok si manang Pearl kaya agad akong tumayo para buksan ang pinto.
"Delivery daw para sayo hija." Sabi niya at ini-abot sa akin ang dark blue dress na nakalagay sa garment's bag.
Nag-thankyou ako kay manang at saka isinara na ang pinto.
Inilagay 'ko ang dress sa kama ko. Naku po,wala na talagang atrasan 'to.
Ito kasi ang dress na pinatahi namin sa Auntie ni Clarisse noong thursday eh.
Kasi naman eh,walangya din 'tong dalawa 'kong kaibigan. Sinabi ba namang doon nalang kami magkita kita sa event! Kasabay daw kasi nila 'yung mga dates nila na sa Rio Academy din nag-aral before. Abat mag-pahatid nalang daw ako sa driver namin.
Kinakabahan tuloy akong pumunta ng mag-isa. Kung pwede lang wag na pumunta ay gagawin ko eh. Kaya lang,siguradong makukutusan ako ng dalawa kong kaibigan kapag ginawa ko 'yon. At isa pa nangako na din ako kay Astro.
Speaking of Astro.
Isa pa ang lalaking 'yon pino-problema ko din! Simula kasi noong kumain kami sa buffet ay wala na siyang naging paramdam. Kahit sa chats manlang ay wala,kung hindi ko lang naalala na nagsabi siya na magiging busy siya baka isipin kong ni-indian na ako non.