Chapter 2

7 4 0
                                    

Breaktime ngayon at naka-upo ako sa isang lugar dito sa canteen,ang dami ko ng na-order at naubos na pagkain dahil sobrang tagal dumating nung dalawa kong kaibigan.

Kanina ko pa din napapansing tumitingin ang ibang college students sa table ko kada mapapadaan sila.

Tsk! Kung maka-tingin akala mo tao ang nilalapa ko sa lamesang 'to. Wala ba silang pambili ng ganito kadaming pagkain kaya hanggang tingin nalang sila? Kawawa naman sila kung ganon.

"Look,siya lang ba ang umubos ng lahat ng 'yan? Grabe ang lakas niya kumain."-Girl 1

"Siguro? Siya lang ang mag-isa dyan eh,hindi ba siya nabubusog? May monster ata sa tyan niya." -Girl 2

"Ano ba kayong dalawa,malay niyo culinary student siya kaya nasanay na kumakain. At saka halata naman sa kanya dahil mataba siya." -Girl 3

Rinig ko ang usapan ng mga paparazzing babae sa kalapit kong table.

Siguradong ako ang pinag-uusapan nila, mas nauna pang pansinin ang pangagatawan ko kesa sa suot ko.Nursing ang course ko at hindi culinary,halata naman 'yon sa uniform na suot ko. pinanganak ba sila para maging tanga? Kung ganon,sayang ang pinapa-aral sa kanila ng magulang nila.

"Ohmyghad Sasha! What are you doing?!" Bungad ni Barbs habang gulat na nakatingin sa lamesang puro pagkain.

"Isa ka din,pinangak ka din bang tanga? Kumakain ako,hindi ba obvious." Sabi ko dito.

"Grabe sungit naman nito."  Umirap ito at umupo sa tabi ko.

"Stressed eating ka ba ngayon sis? Grabe ang dami nito at UBOS LAHAT?" Komento naman ni Clarisse.

Ang oa ng dalawang 'to! Hindi na sila nasanay sakin!

"Eating lang wag kang oa,hindi ako stressed! Kayo naman kasing dalawa ang tagal niyong dumating,kaya nauna na akong kumain." Dahilan ko dito.

Pareho naman silang tumingin sa akin at binigyan ako ng ARE YOU SERIOUS look.

"We're just late for about fifteen goddam minutes Sasha! Tapos isang katerba na ng pagkain ang naubos mo like... what the fudge?!" Barbs said.

*burp*

Argh! Ang oa ha!

"Nahiya ka pa,sana binili mo nalang 'tong buong Cafeteria."

Yuyupiin ko sana ang bibig ni Clarisse nang biglang umawat si Barbs.

"Joke lang sis ano ba! Hindi ka mabiro!" Natatawang sabi ng may pasmadong ngala ngala.

Inirapan ko lang ito.

"Ano nanaman ba kasi yung tine-text niyo saking plano niyo??" Iritang tanong ko sa mga 'to.

Pareho namang nag-aliwalas ang mga mukha nila. Ano nanaman bang kalokohan ang na-imbento ng mga 'to?

"Sis! May great great great idea kaming naisip ni Clarisse! All you need to do is,listen and do whatever we say okay?!" Excite na sabi ni Barbs.

"AYOKO!" Agad na sagot ko dito.

Sa itsura niya ay siguradong tungkol nanaman ito doon sa keme na date at stupid event. Ayoko ng pumunta doon! Bahala na sila.

"Eto naman,wala pa nga eh!" Said Clarisse.

"Kung pipilitin niyo akong mag-hanap ulit ng ka-date sa stupid event na'yon,I'm sorry but I won't! Nakita niyo na ngang walang may gusto ang makipag-date sa akin dahil sa pang—"

"Op op oooop! Don't ever say that! Wag na wag mong sasabihing pangit ka!" Pigil ni Clarisse sa sinasabi ko.

Agad ko itong binatukan.

"Hindi ko nga sinabi pero sinabi mo naman? Haayyy! Sira ka din eh." Sabi ko dito.

"Ay sorryyyy hehe."

Pasmado talaga ang ngala ngala nito.

"Well Sasha my friend,nagkakamali ka! Hindi tungkol don ang pakay namin ni Clarisse."

"Eh saan naman?" Takhang tanong ko dito.

"About sa transformation! TADAH!" Barbs said as she open her arms widely.

"We will do a make over to youu my friend!" Dagdag pa niya.

Walang emosyon akong tumingin dito at dahan dahang pumalakpak.

"Waw... ang galeng,yun lang ba? Sige na mag-order na kayo,gutom lang yan." Sabi ko at kinuha ang phone ko para sana mag-browse nalang sa fb. Pero agad namang hinablot ni Barbs sa akin.

"Ihhhh! Sasha naman,makisama ka naman! We will do this for youuu! Tapos after that hahanap ulit tayo ng lalaking makaka-date mo,and mas tataasan pa natin 'yung payment sa kanila para wala ng takas!" -Barbs.

"Akala ko ba hindi tungkol sa date and event ang pakay niyo? Eh connected pa din 'yun sa sinabi mo ah?"

"Uhh... sabi ko nga hehe."

"Pero kasi Sasha sige na pleaaaase! Pumayag kana kahit ngayon nalang! Last na talaga 'to! Final mission na'to,at kapag failed pa din. Hindi kana namin kukulitin swear!" Dagdag pa ni Barbs habang nagpa-puppy eyes.

"No."

"Sasha naman,edi parang pinatunayan mo lang din 'yung sinabi ni Kate na talo kana sa challenge dahil walang papatol sayo?" Rinig kong sabi ni Clarisse.

"Wala akong papatunayan dahil wala naman akong balak pumunta sa stupid event na'yon so technically,out ako sa challenge na yan." Paliwanag ko dito.

"Kahit na! Siguradong mas lalo ka nilang lalaitin at ida-down. If you will not come it means you don't have a date. Kumbaga,hindi kana nakipag kompitensya sa challenge dahil inamin mo na mismo sa sarili mo na talo ka. Gusto mo ba 'yon? Atleast nga kahit itong pagkakataon lang na'to ay mapatunayan mo at maisampal mo sa bawat isa sa kanila na may ka-date ka at may pumatol sayo. Na hindi ka talo." Seryosong sabi ni Clarisse.

Agad namang nag-agree si Barbs sa kanya.

Ilang minuto kong pinag-isipan ang sinabi ni Clarisse until I made my decision.

"Okay fine! But let's have a deal,after ng make over na sinasabi niyo,isang lalaki lang ang kukunin niyo bilang date ko. And if hindi pa din,then this game should be stop. Gets?"  Sabi ko sa kanila.

Pareho naman silang umagree sa sinabi ko.

"Okay! LET'S DO THIS!" Sabay nilang sabi.

Hayyy nakooo, mga may sapi talaga.

Date with a strangerWhere stories live. Discover now