Chapter 14

6 2 0
                                    

Nasa loob na kami ng Audi ni Astro. Tahimik lang ako at halos mapako ako sa kinauupuan 'ko.

Ikaw ba naman may makatabinh sobrang gwapong lalaki! Ewan ko lang 'kung hindi ka manigas!


Hindi ko alam na may iga-gwapo pa pala siya.I mean—oo gwapo na nga siya! Peroooo mamsh! Makalaglag panty swear!



Nang makita 'ko siya kanina sa sala na nag-aantay ay parang biglang nawala lahat ng kaba at pag-aalala 'ko. Wala akong ibang naramdaman kung hindi ang pag-kabog ng puso 'ko. Mabuti nalang kahit ganito ako kataba ay wala akong sakit sa puso,kung nagkataon ay baka inatake na ako.



"Did I surprised you?"


Napa-kurap kurap ako nang magsalita si Astro. A-ano daw? I-ibig sabihin... sinadya niyang hindi mag-paramdam sa akin para ma-surprise ako na siya ang mag-susundo?? OMG!!!!!


"Ha— ahm! Oo... akala 'ko nga ay iindian-nin mo'ko eh."


Oo kaya! sobrang hindi ko ine-expect na susunduin niya ako! Kaya sobrang na-sorpresa talaga ako!!


"Iindian-nin?"

Napatingin ako sa kanya. Naku po! Ano ba tong bibig 'ko! Bat ko ba sinabi 'yon!


"Ha? —ah wala 'yon! Hehe." Palusot 'ko nalang.



"I have my words Sasha... I won't let you expect for nothing." Seryoso niyang sabi.



Napatango-tango naman ako sa kanya at umiwas na ng tingin.


Kahit sobrang lamig sa sasakyan niya ay pakiramdam 'ko ano mang oras ay pag papawisan ako.


Nararamdaman 'kong palapit na kami sa Rio academy. Kaya bumalik sa akin ang kaba na nararamdaman 'ko kanina.


Inaaalala ko kasi ang magiging reaksyon ng mga batchmates namin. Siguradong wala silang alam na si Astro ang magiging date 'ko. Alam 'ko namang lalaitin pa din ako ng mga 'yon at handa naman ako doon. Kinakabahan lang ako sa hindi ko malamang dahilan.


Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Si Astro ay wala ding kibo at seryoso lang sa pagmamaneho.


Bigla tuloy pumasok sa isip ko si Andrea... ang Fiancé niya!

Ohmyghad! Pakiramdam 'ko tuloy ay isa akong kiridang kabit! Kapag nagkataon ay baka maka-sira pa ako ng relasyon huhu!

Ano ba naman 'tong pinasok ko!

Pero kasi malay ko bang may fiancé na ang lalaking to??

Wala ba siyang balak sabihin sa akin ang bagay na'yon?


"Nandito na tayo."


Nabalik ang atensyon ko sa reyalidad. Naunang bumaba si Astro at mabilis na pumunta sa side ng pinto ng sasakyan na kinauupuan 'ko at pinag-buksan ako. Ang gentleman!


Huminga ako ng malalim at bumaba na.


Mukhang madami na ang tao sa loob,sobrang dami na ang mga sasakyan sa paligid eh.


"Keep calm and just hold me."


Pagkasabi niya non ay kinuha niya ang kamay 'ko at isinabit sa braso niya. GEEEZZZZ!!! MUSCLES!!!! KYAAAAAAAAAAHHHH!!!!

Hindi ko na nagawang sumagot dahil nag-umpisa na kaming mag-lakad at pumasok sa venue.

Okay THIS IS IT SISIG!


Date with a strangerWhere stories live. Discover now