Chapter 1

14 4 0
                                    

"Hi! I'm Luis Medina,here's my full identity."

Kinuha ko ang folder na ini-aabot niya sa akin. At binuksan 'yon para basahin ang naka-sulat sa loob.

Luis Medina,21years old and 5'9 height. Hobbies are baskteball and playing guitars.

Teka,bakit pati hobbies kailangang ilagay?

Tinignan ko ang katabi kong si Barbara.

"Kailangan ba talagang ilagay pati ang hilig? Eh isang beses sa isang event ko lang naman kailangang mag-karoon ng ka date ah? After that ay tapos na din ang kalokohang 'to." Bulong ko sa kanya.

"Sshh... just focus on their identity at siguraduhin mong compatible kayo ng makaka-date mo para walang hassle kapag nasa event na tayo. Kailangan realistic ang dating niyong dalawa! Gets?" Sagot naman niya sa akin at nag-patuloy na sa ginagawa niya.

Tsk! Ang daming pa keme.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa lalaking nakatayo sa harap ko.

Gwapo siya at may dating gaya ng mga napapanood ko sa k-drama. Maganda din ang pangangatawan niya,mukha naman siyang healthy living person kumpara sa mga naunang naging applicants kanina.

Nang makapag-desisyon ako ay ibinigay ko ang folder kay Barbara.

"Okay Luis tanggap kana!" Tuwang tuwa na sabi ni Barbs at nakipag-kamay sa lalaki.

"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong pa nito.

"Oo naman! Gwapo ka at mukhang malaki ang pangangailangan." Sagot ni Clarisse dito.

Pasmado talaga ang ngala ngala nito. Bakit ba bigla bigla siyang sumisingit sa usapan eh parang kanina lang ay busy siya sa pag-pindot sa phone niya.

"Ganon na nga,pero pangako hinding hindi ka magsisisi na ako ang naging date mo!"

Teka..Ano?

Sabay kaming napa-lingon ni Clarisse ng marinig ang sinabi ni Luis kay Barbs.

Nakita ko naman ang agad na pag-bawi ni Barbs sa kamay niya dahil bigla nalang itong hinawakan ni Luis.

"Sandali mali ka,may ka date na ako. Hindi ako ang may kailangan non. Yung kaibigan ko hehe." Barbs said and smiled awkwardly.

Agad namang itinuon ni Luis ang tingin kay Clarisse.

"Ah pasensya na,hindi mo agad sinabi eh. So siya pala?" Naka-ngiti nitong tanong habang nakatingin kay Clarisse.

Tinaasan naman ito ni Clarisse ng kilay. "Hindi ako,siya." Sabay turo sa akin.

Agad akong ngumiti dito at ini-abot ang kamay ko para makipag-shakehands pero mukhang mangangalay lang ako dahil hindi nito tinanggap ang kamay ko,kaya binawi ko nalang.

"Siya si Sasha Calderon,ang bestfriend namin at ang magiging date ka."  Pagpapakilala sa akin ni Barbs kay Luis.

Wala pa ding response si Luis at nanatili lang siyang nakatitig sa akin at mukhang gulat na gulat siya.

Bahagya akong napa-ngisi. Huh! Alam kong maganda ako,hindi na niya kailangang ma amaze ng ganyan.

"Oh heto,mag sign kana sa contract." Inabot ni Barbs ang papel sa kanya at ballpen.

Date with a strangerWhere stories live. Discover now