Chapter 18

16 2 0
                                    

*achuuuuu!!!*

Nako namaann! Paepal ang sipon na'to!

Hindi ko tuloy ma enjoy ang pagkain ko! Hays..ang dami ko pa namang binili na pagkain. Na miss ko kasi ang kumain ng kumain eh. Nitong mga nakaraang araw pansin ko ay lumalayo na ang atensyon ko sa pagkain. Naisip ko na baka magtampo sa akin ang grasya kapag ipinagpatuloy ko 'yon. Kaya naman eto bumili ako ng mga pabo— aacchuuuu!



Aish!! Banamanyaaan!



"Uy sis! Dalawang araw na 'yang sipon mo ah? Ano ba kasing nangyari sayo?" Tanong ni Barbs.



Kasama ko sila at nasa garden kami ngayon. Umiiwas na kaming pumunta sa canteen o sa kahit saang crowded na lugar para iwas na din sa mga panlalait ng mga students.



"Oo nga,tsaka hindi mo pa pinapaliwanag sa amin ng maayos kung bakit ka maagang umuwi nung isang araw." Dagdag pa ni Clarisse.




Ang totoo niyan hindi ko talaga sinabi sa kanila ang totoong nangyari. At wala din naman akong balak ipaalam sa kanila ang bagay na'yon. Sigurado akong ha-huntingin nila si Andrea. At saka kilala ko ang kaibigan ko lalo na si Clarisse. Kahit imposible ay baka magawa niyang posible na ipa-inom kay Andrea lahat ng tubig sa pool. Exaggerate na kung exaggerate pero ganon talaga ka brutal 'yang si Clarisse,lalo na sa mga taong umaaway sa amin ni Barbs. Kumbaga sa aming lahat siya 'yung pinaka knight in shining armor!




"Di ba nga sinabi ko na sa inyo na sumama ang pakiramdam ko." Sagot ko sa mga 'toh.



"Sinabi mo nga sa amin na sumama ang pakiramdam mo pero hindi mo sinabi ang dahilan kung bakit. Eh parang magkakasama lang tayo nun dito sa garden,tapos malaman laman namin sa blockmates mo na hindi kana pumasok sa next class mo after nung breaktime." Grabe napaka mausisa naman nitong si Barbs.




"Hindi ko din alam eh. Pero isa lang naman ang hinala ko. Baka kasi dahil nitong mga nakaraang araw ay hindi ako nagkaka-kain at masyadong distracted ang isip ko sa mga nangyayari,kaya bigla nalang sumama ang pakiramdam ko. Kaya nga as you can see,bumabawi na ako ng kain ngayon." Paliwang ko sa kanila.


Saglit naman nila akong tinitigan pati ang mga pagkain na binili ko. Hindi na sila nag-react at itinuloy na din ang pagkain nila.




Hay nakoo,mabuti naman at kahit papano ay napaniwala ko agad sila. Ang hirap kayang mag-isip ng reasons sa dalawang 'toh! Isa pa kilalang kilala namin ang isat isa kaya alam namin kung sino ang hind nagsasabi ng totoo. Kaya mabuti at tumalab ang sinabi ko sa kanila dahil di na sila nag tanong pa.

——

"Okay class. So next week na gaganapin ang ating University week,inaasahan ang lahat na magkakaroon ng kanya kanyang participations sa iba't ibang activities na inihanda ng  councils,mostly sa mga sports. You can now register to any sports you want to join just proceed at room 227. And you can claim your university shirt also just proceed at the faculty. Gaya ng nakagawian ay magkakaroon ng iba't ibang booths,at dahil graduating students na kayo. Kayo ang mga inaasahan para manguna sa mga ganoong bagay. If you have talents in singing,dancing and so on. Ofcourse you can be a guest in our upcoming binge. So if you have some concerns,you may stay and ask me about it. And if none,then you can go. And one last time before I forget. Attendance is still a must even tho we have no classes during our U-week.Class dismissed."

Mukhang wala ng concerns ang halos lahat sa blockmates ko dahil sa nagsitayuan na sila at nag-umpisa ng lumabas sa classroom.

At syempre kagaya ng lagi kong ginagawa ay pinapa-una ko na muna silang lahat.

Hayy nako naman...siguradong dating gawi nanaman kami nila Barbs nito every University week. Magpapalakad lakad lang kami at magchi-cheer lang sa mga players. Wala naman kasi kaming mga special talents eh. Well ako meron,pero yun ay ang pagiging malakas sa pagkain.

Date with a strangerWhere stories live. Discover now