"Hey, Sasha! Anong nangyari sayo?"
*yaaaaawwnn*
Grabe inaantok pa ko! Huhu! Muntik na akong hindi makapag focus sa prelims namin kanina dahil halos sumuko na ang diwa ko sa sobrang antok. Kasi naman eh!ang lupit din ng prof namin,ang dami daming pwedeng i-surprise 'yung prelim pa! Mabuti nalang talaga ay may stock knowledge ako kahit papano,kaya kahit hindi ako nakapag-review nung weekends ay may-naisagot ako,thank god!
"Hindi ka pa din ba maka-get over sa pag-follow sayo ni Astro sa social media?"
Napa-tingin ako kay Barbs at tumango-tango.
Nagkatinginan naman sila ni Clarisse. Haysss,oo na! Alam kong iniisip nilang nababaliw na ako.
"Ang lakas ng epekto sayo ng Astro na 'yan sis! Biruin mo sa sobrang pag-iisip ay kinalimutan mo ng mag-order ng pagkain? Don't tell me pinagpapalit mo na ang pagkain kay Astro??"
Agad kong binatukan si Clarisse pero mahina lang naman. 'Yung tama lang para matauhan siya.
"Sira ka! Siyempre hindi! Wala lang talaga akong gana,sobrang inaantok pa kasi ako huhu."
*yaaaaaaawwwn*
"ANO?! IKAW MAWAWALAN NG GANANG KUMAIN?!"
Aaaayyyyyy! Napaka-pasmado talaga ng ngala ngala nitong babaeng 'to! Ang dami daming tao sa canteen tapos halos isigaw pa niya 'yon?
"Pwede bang mag-hinay hinay ka sa tono ng boses mo? Yuyupiin ko 'yang vocal chord mo eh!" Saway ko dito.
Agad naman itong nag-peace sign.
"Pero bakit ba kasi parang isang oras lang ang naging tulog mo buong magdamag? Eh halos pareho naman tayong puyat dahil almost twelve midnight na nag-end 'yung call natin ah? Pero mukhang mas malala ka." Sabi ni Barbs.
"Kaya ngaaaa. Eh pano naman kasiiiii! After nung call nating tatlo hindi naman agad ako nakatulog! Nag-open kasi ako mg messenger non after para nga mag thankyou at goodnight sa inyong dalawa,eh kasi si Astroooo ihhhh!"
Nakita ko nanamang nagka-tinginan silang dalawa.
"Ano? Chinat ka???" Tanong ni Barbs.
I nodded.
"Nagulat ako nag-wave siya sakin~ so— nag waved back ako!"
"Abaaa kaya naman pala puyat,may ka-chat." Clarisse said.
Umirap naman ako sa hangin.
Sana nga ganon ang nangyari diba? Sana nga naka-chat ko talaga si Astro magdamag para naman nagkaroon ng hustisya 'yung pag-pupuyat ko kaso hindi eh. Huhu!
"I wish. Eh one hour ago na nung na-seen ko 'yung wave niya eh. Ni-replyan ko naman agad ng wave din,kaso hindi ko naman alam na hindi na ulit siya mag-oonline."
"What do you mean??"
"Hindi naman ako napuyat sa pakikipag-chat kay Astro gaya ng iniisip niyo. Napuyat ako kakahintay na mag-online ulit siya at ma seen 'yung reply ko sa kanya."
"ANO?!" Halos sabay nilang sabi.
Ang oa naman ng mga 'to.
"Nag-puyat ka para maghintay na mag-online siya ulit?! Yung totoo hibang kana ba??" Sabi ni Clarisse.
"Hindi naman sa ganon noh! Malay ko ba kasing hindi na siya mag-oonline ulit! Nag-baka sakali lang naman eh."
Sobrang na-excite kasi ako that time kaya nawala sa isip ko ang matulog. Isa pa,hindi din ako dinalaw ng antok buong mag-damag at para bang umaagree sa akin na hintayin kong mag-online ulit si Astro.