Chapter 3

11 3 0
                                    

Ilang minuto nalang ay tutunog na ang bell at mag di-dismissal na. Hindi ko alam kung gusto ko ng matapos ang klase o hindi pa.

Gusto ko dahil gutom na ako at ang boring na dito dahil hindi naman nag-lelecture ang professor,nakikipag-kwentuhan lang and out of subject topic pa kaya hindi ako nakikinig.

At ayaw ko naman,dahil siguradong pagka-tapos nito ay kakaladkarin ako ni Barbs at Clarisse sa mall,para gawin ang pangalawang misyon nila.

Hayyyyyy~

Kung bakit ba gustong-gusto ng dalawang 'yon ang pumunta sa event na'yon.

Sa totoo lang,wala naman talaga akong pake sa challenge na pinauso ng mga devil naming classmates dati at wala din akong pake sa sasabihin nila tungkol sa akin,halos lahat ng panlalait ay natamasa ko na sa kanila nung highschool. Ilang taon na ang lumipas at graduating na ako ng college ngayon,kaya sanay na ako sa panglalait ng iba.

Sadyang hindi ko lang talaga matiis ang dalawa kong kaibigan na halos maubos na ang energy makumbinsi lang ako na pumayag.

Kahit naman ganito kaming magkakaibigan kapag nagsasama at madalas nasusungitan ko sila at kung mapapansin niyo ay mahilig mang-realtalk si Clarisse ay ayos lang. Sanay na kami sa isa't isa at 'yon ang pinaka bonding namin pag magkakasama.

At isa pa,hindi man halata pero mahal na mahal ko ang dalawang 'yon. At sure naman akong alam nila 'yon. Sila lang kaya ang naging matalik kong kaibigan simula gradeschool! Sila lang yung tumanggap sa pagkatao ko at laging nag-tatanggol sa akin tuwing na bubully ako,may pagkakataon nga na pati sila ay nadadamay na pero hindi pa din nila ako iniwan. Kaya eto,hanggang mag-college ay hindi kami naghihiwalay. Pareho kami ng university na pinapasukan pero magkaiba nga lang ng courses. BS in Tourism management ang course ni Clarisse dahil pangarap niya ang maging flight attendant. Malakas nga ang tama ng isang 'yon eh. May-ari sila ng isang Airlines pero imbis na maging boss ay pinili niya ang maging empleyado. Lakas ng topak diba. Si Barbara naman ay  BS in Entrepreneurship ang kinuha,only child lang siya kaya walang ibang magmamana ng company nila kundi siya lang,kaya dapat matuto na siya about business.

At ako? BS in Nursing ang course ko. Tho,meron ding company ang family namin pero tatlo naman kaming magkaka-patid kaya bahala na ang kuya ko doon,Tutal isa na siyang entrepreneur. Ang ate ko naman ay graduate na din at busy sa pagiging model. Ako ang bunso at graduating palang.

"Class dismissed."

Salamat naman! Gutom na talaga ako eh.

Tumayo agad ako at inayos ang gamit ko. Kailangan kong dumaan sa canteen para bumili ng snacks bago pa ako abutan nila Barbs. Siguradong pipigilan ako non,dahil wala ng iniisip 'yon kung hindi ang ma-excite na pumunta sa mall para i-make over ako.

Pagka-labas ko sa room ay agad na bumungad sa akin ang mukha ng dalawang lokaret. Nagniningning pa ang mata nila habang nakatingin sakin.

Problema ng mga 'to?

"Oh ayan sis ah! Bumawi na kami sayo,maaga na kaming dumating. Baka kasi mamaya ay sa canteen ka pa namin abutan eh." Sabi ni Clarisse.

Aish! Sinasabi ko na nga ba eh! Bakit ngayon pa sila nag dismissed ng maaga.

"Oo tama ka,aabutan niyo nga ako sa canteenn kung sakali. Actually papunta na ako don. Kita nalang tayo sa parking lot. Bye!"

Hindi pa ako nakaka-hakbang ay iniharang na nila ang katawan nilang dalawa sa dadaanan ko.

"Ooops! Sa ngayon mabusog ka muna sa pag-lunok ng hangin dahil hindi ka namin papayagan."

Sira naba ang ulo nito? Eh kung lapain ko nalang kaya ang babaeng 'to.

Date with a strangerWhere stories live. Discover now