Chapter 5

9 3 0
                                    

"Sis sorry na,huhu tatampo ka pa din ba?"  Clarisse said while shrugging my shoulder.

"Sha naman,please forgive us na. Hindi talaga namin alam na malambot pala 'yung si Kyle. Oo nga at ang sabi ko sa blockmates ko ay kailangan 'ko ng lalaking willing makipag-date sayo in exchange of money,pero hindi ko naman ine-expect na lalaki nga 'yung i rerefer niya,pero babae naman ang kalooban." Paliwanag pa ni Barbs.

Ewan ko ba sa tuwing maaalala ko na may muntik akong maka-date na gay ay parang mas bumaba ang level ko bilang babae.

I mean,hindi ako against sa lgbt but it looks like I have no choice in life para magkaroon ng totoong lalaking ka-date at mapunta nalang sa isang gay.  Hindi naman ako papayag na mangyari ang bagay na'yon noh! Parang sinabi ko na din sa sarili ko na,wala talagang papatol na lalaki sa akin. I mean,oo meron nga pero gay naman? At ang masaklap pumatol lang dahil sa contract. Myghad!

"Huhuhu Sashaaaa! Panisinin mo na kami!"

Humarap ako sa kanila at kumagat ng malaki sa kinakain 'kong pizza.

"Okay fine! Palalampasin ko ang kalokohang 'yon,but I swear! Pagbubuhulin ko na kayong dalawa if you try to convince me again to date with a stranger,ayoko na! Understood?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Sabay naman  silang nag nod.

"Okay,good."

Sagot ko at bumalik na sa pagkain.

Haysss! As usual dito ko nanaman lahat ibubuhos ang nararamdaman ko. Ang pagkain ng pagkain.

Three days na ang naka-lipas mag-mula noong maka-meet ko ang huling stranger na ipinakilala nila Barbs sa akin. At three days ko na ding hindi maka-limutan ang pangyayaring 'yon.

Grabe! Sobrang asang-asa na ako non! Kulang nalang pati ang bilbil ko umalog sa tuwa noong sinabihan niya ako ng maganda! Tapos doon lang pala siya nagandahan sa mga kolorete sa mukha ko?! Myghad!

Huhuhu nakakainis!

Akala ko pa naman ay may naka-appreciate na ng gandang meron ako maliban sa pamilya ko at dito sa dalawa kong kaibigan.

But I was wrong! Akala ko lang pala 'yon,huhuhu!

——

Mabilis lang lumipas at nag dismissal na kami. Inaasahan kong nasa labas na ng room ko sila Barbs at Clarisse dahil inaantay nila ako,pero paglabas ko sa room ay wala sila.

Chineck ko din ang phone ko pero wala naman silang message sa akin.

Di bale na nga,pupuntahan ko nalang sila sa building nila.

Naglalakad ako sa hallway ng may pamilyar na mukha akong makasalunong.

"Ahm hi! Blockmates ka ni Barbs diba?" Tanong ko sa babae.

Tumango naman ito.

"Nandon pa ba siya sa room niyo?"

"One hour ago pa kami nagdismissal miss. Kaya kanina pa siya wala sa room ang huling kita ko ay kasama niya si Clarisse." Sagot naman nito.

"Ah ganon ba,sige thankyou."

Pagkatapos non ay umalis na ang babae. At ako? Naiwan akong nakatayo at nagtatakha.

Kapag ganitong pagkakataon siguradong magsasabi sila sa akin na maaga ang dismissal nila at mag seset sila ng place dito sa campus kung saan pwede kaming magkita-kita para magsabay sa pag-uwi.

Pero kakaiba ngayong araw,ni hindi manlang sila nagsabi sa akin.

Nauna na kaya silang umuwi?

Pero imposible! Never pa naman nilang ginawa ang iwan ako.

Date with a strangerWhere stories live. Discover now