Chapter 16

5 2 0
                                    

"Move on na girl,almost one week na nung ma-chupachups ni Astro ang lips mo."


Tinignan ko agad ng masama si Clarisse. Bigla naman niyang tinakpan ang labi niya nang marealized ang sinabi.



Nako tong babaeng 'toh! Kung ano anong words na ang natututunan.



"Bakit ba laging malalim ang iniisip mo? Care to share?" Tanong pa ni Barbs.



"Duh... first kissed niya kaya 'yon sis! And take note,si Astro Lenderson!"




Napansin ko naman na sinamaan din ni Barbs ng tingin si Clarisse. Agad naman ulit na natahimik ang babaeng may pasmadong ngala ngala.



"Hindi ko alam eh... siguro dahil lang 'to sa mga nangyayari ngayon. Akala 'ko kasi pagkatapos ng highschool ay graduate na din ako sa mga bullies. I didn't expect this scenarios.. hindi ko akalain na may pahabol pa palang mga panglalait ngayong college life ko." Sabi ko habang nakatulala sa kung saan.



Matapos kasi ng nangyari sa event ay inulan na ako ng bashers. Karamihan puro babae.
Masyadong kumalat 'yung balita tungkol sa nangyari doon sa event. Lalo na 'yung paghalik sa akin ni Astro.
Halos kaliwat kanan ang naririnig kong masasakit na salita tuwing  maglalakad ako sa kahit saang sulok ng campus. Pati ibang blockmates ko ay pinag-uusapan at pinag-tatawanan ako.



Kalat na 'yon. Yung may naging date at hinalikan si Astro na babaeng pangit na mataba at ako 'yon. Kaya halos wala na akong mukhang maiharap.



Kung nung highschool kasi ako ay panglalait lang mula sa classmates at ibang nakakakilala sa akin ang naranasan ko. Pero ngayon ay iba,mas mabigat ngayon eh. Halos buong college students ata ay ako ang laman ng usapan. Ako at ang pisikal na anyo na meron ako. Haysss...



"Sis naman,alam mo namang na andito lang kami eh. Hindi ba at sabi ko na sayo na magsabi ka lang sa amin ni Barbs at uupakan namin kung sino mang manakit sayo."


Bahagya kong nginitian si Clarisse.



Alam na din kasi nila na usap usapan ako dito sa buong campus dahil nga sa kalat na ang nangyari.


"Hindi bale, kasalanan ko din naman eh. Dapat kasi una palang hindi na ako sumali sa event at challenge date na'yan. Dapat una palang tinanggap ko na na loser talaga ako. Edi sana hindi ko na nakilala si Astro. Ang tanga ko din kasi eh. Hindi ko naisip na sikat nga pala siya at madami ang mati-triggered na mga babae kapag nalamang may naging date siya at hinalikan na gaya ko. Siguro karma na 'to sa akin dahil hindi ako nanahimik. At pinilit ko pang patunayan na may papatol sa akin." Paliwanag ko.



Totoo naman,ako naman ang may kasalanan ng lahat ng 'toh. Kung una palang hindi ko na tinanggap ang alok ni Astro lalo na ang pagdesisyunan na pumunta sa event. Siguradong walang mangyayari na ganito.




"Sshh... don't say that Sha. Wala ka namang kasalanan. Sa totoo niyan kami ni Clarisse ang may kasala—"



Hindi natuloy ni Barbs ang sasabihin niya,kaya naman napatingin ako dito.



Nakita ko na napakagat siya sa labi niya habang parang gulat na nakatingin kay Clarisse. Lumipat naman ang atensyon ko kay Clarisse. Mukha ding nagulat siya at nakatingin lang din kay Barbs.



So parang nagkakatitigan sila at parehong gulat. Pero hindi ko alam kung bat sila nagkaganoon.


Huminga ako ng malalim.

"Paano niyo naman nasabing kayo ang may kasalanan?" Takhang tanong ko sa mga 'to.


"Ha? Ah..eh sinabi ko yon kasi..."


"Kasi diba..ano—pinilit ka namin ni Barbs na makipag-date sa strangers. Kaya nasabi ni Barbs na kami ang may kasalanan,diba Barbs?" Pagpapatuloy ni Clarisse,dahil nauutal utal si Barbs sa pagsasalita.


Agad ko namang binalingan ng tingin si Barbs.


"Ah—o-oo.. tama si Clarisse..'yun nga ang gusto kong sabihin. Na kasalanan namin dahil pinilit ka namin."



Ngumuso naman ako at nangalumbaba.

"Ano ba kayo,wala kayong kasalanan na dalawa. Oo nga at pinilit niyo ako na pumunta sa event at maghanap ng stranger na pwedeng i-date. Pero hindi niyo naman ako pinilit na si Astro ang i-date ko eh. Labas kayong dalawa sa eksenang 'yon. Kaya wag niyong sisihin ang sarili niyo,dahil ang totoo ako naman talaga ang may kasalanan." Paliwanag ko sa kanilang dalawa.


Hindi naman sila kumibo at nanatili lang na tahimik.


Hayss... hindi ko alam pero kung kakayanin ko ang halos mahigit isang buwan na natitirang klase. Pipilitin 'kong hindi intindihin 'yung mga panlalait na sinasabi sa akin ng mga schoolmates ko sa abot ng makakaya ko.

More than a month nalang naman ang titiisin ko eh. After nito ay graduate nadin naman ako. Kaya kailangan wag nalang akong mag-pa apekto sa kanila. Kung kakailanganin ay iiwas nalang ako.


"Actually kinausap kami ni Astro kanina sis. Hinahanap ka niya sa amin. Buti don't worry dahil tapos naman na ang event,hindi namin sinabi ni Clarisse kung nasaan ka. At isa pa,alam naming iniiwasan mo na siya after nung nangyari. And mabuti na din 'yon. Siguradong lalo ka pang ma-iissue kung magsasama pa kayo."



Ngumiti ako at agad ko silang niyakap ni Clarisse.



"Kayong dalawa talaga,hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala akong kasangga na katulad niyo! Ang swerte swerte ko talaga sa inyo. Imagine? College students na tayo pero hanggang ngayon ay nandyan pa din kayo para ipagtanggol at protektahan ako sa mga ganitong bagay. Hayss." Sabi ko dito.


Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang dahilan 'kung bakit hinahanap pa din ako ni Astro. Tapos na ang event,kaya ibig sabihin tapos na din dapat ang communication namin. Yun naman talaga dapat eh. Para lang sa event kaya inaya niya akong maging date...dahil ....dahil naaawa siya sa akin. Ewan ko sa kanya kung bakit gusto niya pa din akong makausap at makita.


After nung mangyari ang nangyari doon sa Rio Academy ay hinila na niya ako paalis sa event. Masyado akong shookt that time. Sobrang gulo ng isip ko,naghalo halo na 'yung thoughts about sa mga intriga ng tao dahil sa paghalik na ginawa ni Astro sa akin,naghalo din 'yung pag-iisip ko kung bakit niya ako hinalikan at kung bakit niya nagawa 'yon,ganoong may fiance siya.


Agad akong nagpahatid non sa kanya sa bahay. Hanggang sa makauwi ako ay hindi na kami nakapag-usap. Pareho lang kaming tahimik nung mga huling sandali na magkasama kami eh. No wonder,maging siya siguro ay nabigla sa ginawa niya kaya wala na din siyang naging imik.



Pagtapos non ay magdamag at buong araw ng linggo pa din ako wala sa sarili,hanggang sa naisipan kong mag browse sa social media accounts ko. And dun ko nalaman na sobrang kalat na ng nangyari.



Sobrang daming tags sa akin na walang ibang laman kung hindi ang mga panlalait. Kaya naman napagdesisyunan ko na i-deactivate lahat ng accounts ko.



Tapos may times na nasa room lang ako at pumupunta doon si Astro,pinapasabi ko nalang sa ibang blockmates ko na sabihing wala ako sa loob. May pagkakataon pa na hindi na ako lumalabas sa room at kapag uwian naman ay nagpapalate ako na maiwan sa room,sinisiguro ko na wala ng students. At para na din maiwasan ko  na si Astro. Gaya nang sinabi ni Barbs. Mas lalong lalala ang issue kapag may nakakitang magkasama pa kami ni Astro.




Ang sama man pakinggan na pagkatapos akong samahan ni Astro sa event ay bigla ko nalang siya iiwasan,pero tingin ko ito ang pinaka mabuting paraan para naman ma-protektahan ko din ang sarili ko.



Hindi ko alam kung bat hinahanap pa niya ako,pero kung ano man ang dahilan niya.

Mabuti ng wag ko nalang alamin at iwasan nalang siya.

Date with a strangerWhere stories live. Discover now