Chapter 7

8 3 0
                                    

"Heeey! Bakit wala manlang kayong comments or any reactions?? Hindi ba kayo naniniwala?" Tanong ko kala Barbs at Clarisse.

Nandito kami sa kwarto ko ngayon and yes! Na-contact ko na silang dalawa at last. After naming mag-usap ni Astro ay umalis na agad siya,tapos ay agad agad 'kong tinawagan ang dalawa and sakto namang pareho silang available na kaya napa-punta ko sila dito.

Kakatapos ko lang ikwento sa kanila ang magandang pangyayari na naganap kanina at hinihintay ko silang magsalita about don pero naka-tingin lang sila sa akin.

"Teka bakit parang hindi kayo nagulat?" Tanong ko pa sa kanila.

Hindi ba talaga sila nagulat o hindi lang talaga nag si sink in sa kanila ang sinabi ko at hindi pa din sila makapaniwala?

"Ha? Ah—eh... syempre naman nagulat kami! It's just that...hindi lang talaga kami makapaniwala hehe di-diba Clarisse?"

"Ah—o-oo naman! Tama,hindi lang kami makapaniwala! Ta-talaga bang si Astro Lenderson 'yon?"

Sabi ko na nga ba at hindi sila makapaniwala eh! Haaaay.

"Don't worry girls!  I feel you! Kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala! Kasi totoo namang sobrang imposible non! Pero yeah! I witnessed it with my two pretty eyes! Si Astro Lenderson nga 'yon!"

Halos makagat ko ang labi ko dahil sa sobrang kilig sa tuwing maiisip ko ang bagay na'yon. Kung hindi niyo naitatanong ay buong araw nako kinikilig shems!

"So as what you've told us,pumayag kana na pupunta ka sa event?"

"Yes! Hehe."

"Talaga sis?? Sure na?? Walang bawian?" Tuwang tuwa na sabi ni Barbs.

"Walang bawian! At saka nakakahiya kung hindi ko tutupadin eh pumayag nako sa alok ni Astro! Isa pa,nag-abala siya para puntahan ako dito para lang mag-offer na maging date niya sa event! Sino ba ang hindi papayag dun!"

Takte! Pakiramdam ko talaga ang ganda ganda ko sa lagay na'yon,myghaaaad! I can't still believe!

"Yes! Successful ang plano!!"

Napatingin ako kay Barbs,plano?

"Anong plano?"

"Ha? I mean,yung date with a stranger na mission natin! Diba? Fortunately ay nagkaroon ka ng ka-date para umattend sa event at ipamukha sa kanila na hindi ka loser!"

Yeah! Tama si Barbs successful nga ang plano!

"Grabe sobrang saya ko! Biruin niyo 'yon? Parang sobra sobra pa ang nangyari! Siguradong magugulat ang highschool batchmates natin kapag nalaman nilang ako ang ka-date ng highschool heartthrob na si Astron! Kyaaaaahhhh~"

Excited nako sa event!

Kung hindi niyo naitatanong,isa din ako sa mga babaeng nabaliw kay Astro Lenderson noong highschool! Pero hindi naman ako ganoon ka ambisyosa para mangarap na magiging friends niya or mapalapit sa kanya.

Halos puro gwapo at magagandang tao lang ang naka-paligid sa kanya nung highschool! Isa pa,may grupo din siya ng banda noon kaya every may event sa school namin dati ay lagi silang guest,at syempre lagi naman kaming audience nila Barbs at Clarisse!

Date with a strangerWhere stories live. Discover now