Chapter 6

8 3 0
                                    

Hinintay 'kong bawiin ni manang Pearl ang sinabi niyaat sabihing joke lang pero hindi niya ginawa.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko dahil baka nananaginip lang ako at bigla din akong magising pero WALANG NANGYAYARI!

"Mabuti pa at mag-ayos kana para makita mo sa baba ang lalaking naghihintay sayo."

Palabas na si manang sa kwarto ko nang pigilan ko ito.

"Ahm,na-nakita po ba siya ni mommy?" Tanong ko.

Maaga kasing nagigising si mommy eh,siguradong baka mapag-kamalan niyang boyfriend ko yun!

"Hindi,pag-alis kasi ng mommy mo ilang minuto lang ang nakararaan ay biglang dumating ang bisita mo."

Nakahinga naman ako ng maluwag. WHOOOO! Buti nalang!

"Osige manang,pakisabi pababa na po ako."

Pagka-labas ni manang ay agad kong sinara ang pinto.

Seriously?! Bakit siya nandito? Pano niya nalaman ang bahay ko? Atsaka,HINDI NAMAN NIYA AKO KILALA AH?!

Para akong mababaliw! Ni isa sa mga tanong ko ay wala akong makuhang sagot.

Mabuti pa mag-ayos nako!

Binilisan ko lang ang pagkilos,naghilamos lang ako at nag-toothbrush,nagpalit din ako ng maayos na damit at sinuklay ang buhok ko.

Okay game!

Pagpunta ko sa living room ay naabutan ko ang isang lalaking naka-upo sa sofa. Naka talikod ito sa akin kaya hindi ako nito napansin.

Anak ng pusa SI ASTRO LENDERSON NGA!

Kung alam niyo lang guys! Likod palang niya yummy na!

"E-ehem." Sabi ko dito nang makalapit ako.

Pakshet naman bakit ba ako pinag-papawisaaaan!

Tumayo ito sa pagkaka-upo at humarap sa akin at...

Define PERFECT!

ASTRO LENDERSON PERIOD!

"Nagulat ba kita?"

Woah! Swear! I never imagine in my entire life na makaka-usap ko ang lalaking 'to! Ang macho niya na ang macho pa ng boses niya!

Omg! World what happened?!

Pasimple kong kinukurot ang bilbil ko at umaasang baka panaginip lang talaga 'to,pero nasasaktan lang ako kaya tinigil ko na.

I can hear his chuckles.

"Mukhang nagulat nga kita." He said while giving me his handsome smile!

"Ah..eh..ano kasi.. ahm.. na-nagulat nga ako hehe."

Shit ka Sasha umayos ka!

Alam kong para na akong tanga na hindi mapigilan ang pag-ngiti sa harap ni Astro pero wala akong pake! HINDI TALAGA AKO MAKAPANIWALA!

Okay tama na,kalma muna self! You have to find out why he's here! Kalmaaaa.. inhalee... exhaleeee kalma!

"Ah,u-upo muna tayo." Sabi ko dito.

Tumango naman ito at bumalik sa pagkaka-upo,ako naman ay pumwesto sa kaharap nitong sofa.

"Pa-paano mo pala nalaman ang bahay ko— ay mali! I mean ahm—ki-kilala mo ako? Ahm! A-ano kasi diba...diba kasi ano hindi mo naman ako ki-kilala?"

Anak ng fruit salad naman oh! Parang gusto kong hilahin ang dila ko dahil kusa itong nauutal. Kainis! Nakakahiya!

>_<#

"Definitely,I don't know who you are not until I heard 'bout you from our highschool batchmates."

Ha? Ano daw?

"I'll be straight forward,I came here to offer you something. If you don't mind,I want you to be my date on our upcoming highschool event."

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. At 'yung puso ko...

Nagwawala 'yung puso ko!

Kampon ng lahat ng pagkain TOTOO BA TALAGA TOH?!

Pumunta siya dito para lang ayain akong maging date sa event?!!

Sigurado bang nasa katinuan siya?? Oh di kaya baka na food poison?

Ako?? Sa lahat ng babaeng nagkakandarapa sa kanya AKO TALAGA??

Ako na mataba at pangit?? Ako na hindi niya naman kilala?? AKO ANG GUSTO NIYANG MAKA-DATE?!

"Teka teka sandali... sigurado ka ba sa sinasabi mo?? I mean hello? Ba-baka nabibigla kalang??"

I can see a curve on his lips! Omg! Gwapo mamsh!!!!

"I won't waste my time to come here if I'm not sure in my words. Actually I decided to come here as early as I can,baka kasi maunahan pa ako ng iba." Casual niyang sabi and guess what!

Ang cool cool niya habang sinasabi niya 'yon!

Pero tekaaaa! Ano daw?! Baka maunahan siya ng iba?? So it meansss,PAKSHEEET! Gusto niya talaga akong maging date?!

Jusko po! Kung panaginip man 'to please lang! Wag na sana akong magising! Myghaaaad!

"So...are you gonna say yes or no."

Nanlaki ang mata ko at para akong nanigas sa kina-uupuan ko.

"Ah...ahm Yes! Ofcourse yes.." Walang pagdadalawang isip kong sagot.

Myghad!! Oo na! Tawagin niyo na akong chaka na maharot pero wala akong pake! I bet kung kayo ang nasa katayuan ko ay malalaglag din ang mga panga niyo.

Grabe! Napahawak ako sa dibdib ko.

Yung puso ko ang bilis ng kabog!

This is sooo real! I'm not dreaming or imagining this scenario!

Astro Lenderson

Came here just to offer me to be his date!

WHAT A MIRACLE!

Date with a strangerWhere stories live. Discover now