Tanghali na ako nagising dahil sa sobrang pagod sa ginawa namin nila Barbs at Clarisse,gabing gabi na din kaming naka-uwi dahil na-traffic kami.
Tuesday palang ngayon pero holiday naman kaya walang pasok,timing din ang araw na'to,dahil siguradong absent ako ngayong araw kung may pasok man.
Tinignan ko ang wall clock sa kwarto ko,lunch time na pala.
Tumayo ako at dimiretso sa cr.
*Naligo
*Nagbihis
*Nag-ayosPagkatapos ko ay lumabas na ako sa kwarto dahil nagugutom na'ko. Actually may usapan pa pala kami nila Barbs na magkikita ulit kami mamaya.
Papunta palang ako sa kitchen ay amoy na amoy ko na ang adobo kaya mas binilisan ko pa ang lakad.
Akala ko si manang Pearl lang aabutan ko dito pero nagulat ako ng makita ang kasama niya sa kusina.
"MOMMY?!" Gulat kong tanong at agad akong tumakbo dito para yakapin ito.
"Mommy naman! Bakit hindi ka nag-pasabi na uuwi ka pala? Edi sana mas inagahan ko ang gising at sinundo ka sa airport." Sabi ko ng matapos ko itong yakapin.
"Hay nako,eh sa gusto kitang sorpresahin eh. Bakit ba." Sabi niya at tumawa.
Ngumiti naman ako sa kanya.
Grabe namiss ko si Mommy! Halos isang buwan din kasi siyang wala dito sa pinas,dahil umattend siya sa birthdays ng mga kapatid niya na nasa U.S. hindi naman ako nakasama dahil may pasok ako.
"Tamang tama ang gising mo,mabuti pa at gisingin mo na ang ate at kuya mo sa mga kwarto nila."
WHAT?!
"Nandito din silaaaa??" Gulat kong tanong.
"Oo anak,actually sabay sabay kaming umuwi kaninang madaling araw,iisa lang din kasi kami ng pinanggalingan. Sakto na may inasikasong business trip ang kuya mo sa U.S at nagka-contract ang ate mo doon sa modelling,at etong araw ang uwi nila kaya nagsabay sabay na kami. Ang dad mo lang ang wala,dahil nasa Europe pa siya." Paliwanag ni Mommy.
Wow! Grabe naman,ang perfect ng araw na'to,tapos holiday pa at wala akong pasok! Nice!
Agad akong umakyat sa taas at isa isang ginising ang kapatid ko.
*sa hapag kainan...
"Kamusta pala ang studies mo anak?" Tanong ni mommy sakin.
"Ayos lang naman po mom,gusto ko naman po ang course na kinuha ko kaya hindi ako nahihirapan."
"How 'bout your health?"
Natuon ang atensyon naming lahat kay kuya Gab.
"Ow,Don't get me wrong 'lil sis,I'm just asking cause look at you,mukhang hindi mo naba-balance ang pagda-diet mo. Concern lang ako sayo,okay?" Paliwanag niya.
I know right. Alam ko namang lahat sila concern sa health ko but ofcourse I'm healthy.
"Nursing ang kinuha ng kapatid mo Gabriel,kaya siguradong alam niya ang lagay ng kalusugan niya,right sweetheart?" Sabi naman ni Mommy. Agad naman akong tumango dito.
"You know what little sis,if ever you found your will to be fit. Don't hesitate to call me,okay? May mga friends akong may fitness organisations,I can refer you to them if you want.k?" Sabi naman ni ate Paula sakin.
Tumango-tango naman ako dito at ipinag-patuloy na ang pagkain.
——