Stellar POV
Ako nga pala si Stellar Marie Castro! Philippines! Charottt!
Ako lang naman ang nag iisang anak ni Steff Castro. Yes CASTRO. Surname ni mom ang dala ko dahil Hindi naman sila kasal ng dad ko.
Wala akong masyadong alam kay Dad. Basta ang sabi sakin ni mom noon, matagal ng patay ang dad ko..Ang Mom ko ang may ari nang ELMARI hotel and restaurant here in quezon city. At my iba pang branch ito sa cebu at taguig.
.....
"Good morning tita!!" Nagbeso na ko bago maupo.
"Goodmorning din iha. Sakto ang dating mo, ready na ang almusal"
"Nakoo nakakahiya naman po.. Hahaha"
"Wushuu nakakahiya daw, sabihin mo sinakto mo talaga na nakahain na. Makikikain ka nanaman dito pangit. Wala ba kayong pagkain sa bahay nyo?" Umupo na din sya sa tabi ko at kumuha ng pagkain.
" Aba! Himala yata. Maaga ka nagising?"
"Paki mo?"
"Tse!!! Epal ka talaga. Ang aga aga sinisira mo ang umaga ko" kumuha na ko ng sinangag at tocino.
"Ohh itlog." Nanlaki ang mata ko nung nilagyan ni andrew ng itlog ang plato ko at dinurog ito sa kanin ko.
"Andrew!!" Sabay kami ni tita. Loko loko tlaga tong si andrew. Alam naman nyang ayaw na ayaw ko sa lasa ng itlog. Napaka sama talaga ng ugali.
"Why? " Natatawang sagot ni andrew.
"Why why kapa dyan napaka mo!" Ibinaba ko na ang kutsara at tinidor ko. Kabwiset!!.
"Napaka ano? Gwapo? Sus maliit na bagay. Hindi kapa nasanay. Tsk" sabay kindat ng loko.
"Andrew that enough. Masamang nag tatalo sa harap ng pagkain."
"Tatalikod nalang po kami"aba't pilosopo talaga to. Pati si tita Hindi pinapalagpas.
"Arayyy!!! Ano ba pangit nagbibiro lang ako."
"Ayusin mo pananalita mong bata ka. Ilugar mo ang pagbibiro mo." Lagot na. Ang aga aga pinainit ang ulo ni tita.
Hinawakan ko ang tenga ni andrew at agad pinilipit. Hindi naman nagulat si tita. Sanay na sya na ako ang katulong nya dumisiplina sa anak nya
"Mag sorry ka kay tita" seryosong sabi ko. Habang pilit nyang inaalis ay mas pinipilipit ko ito
"Arayyy ano ba stellar masakit!!! Bitiwan mo!!"
"Mas lalo kang masasaktan. Bilisan mo hanggat nagtitimpi pa ko."
"Aray ko mommy tulungan mo ko!!!" Napangiti naman si tita sa inasta ng anak. Parang bata. Ako din ay natatawa pero pinipigilan ko.
"Andrew mahina ako sa math hanggang tatlo lang kaya ko bilangin. Kaya bilisan mo ha, kasi hindi mo magugustuhan yung gagawin ko kapag hindi kapa nag sorry"
"Nababaliw kana ba?" Pag pumiglas nya
"Isa" banta ko
"Ano ba stellar hindi na ko natutuwa ha."
"Aba sino bang natutuwa? Diba ikaw ang nagsimula mag biro?
"Bitiwan mo na ko!"
"Dalawa"
"Humanda ka sakin sinasabe ko sayo kapag nakawala ako"
"Subukan mo. Magsisimba kang may bulak sa ilong" ngisi ko
"Stellar ano ba!"
"Tat---"
"Sorry na Mommy hindi na ko uulit promise. Sorry na. Patigilin mo na tong babae na to mommy"
"Stellar" pagkatawag sakin ni tita ay bumitaw na ko. at ngumiti kay tita. Pulang pula ang tenga ng mokong. Ansama ng tingin. Buti nga sa kanya.
"Stellar iha kumain kana. Tatangalin ko nalang yung itlog." Pero pinigilan ko si tita bago pa nya makuha Yung itlog
Agad kong pinagpalit ang plano namin ni andrew. Sabay ngiti
"Hoyy plato ko yan"
"Wala naman akong nakikitang pangalan mo sa plato. pano mo nasabing sayo?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"Subukan mo lang!! Magsisimba ka talaga ng may bulak sa ilong." Pagbabanta ko nung sinubukan nyang kunin ang plato ko.
Wala naman syang nagawa, lalo na at nandito si tita. Nagpipigil nalang ako ng tawa.
"Iha, bakit hindi mo pa sinama si manang ng nakasabay sa pagkain?"
"Nakoo tita busy pa yun. Nandun si mommy sa bahay" napangisi nalang ako.
"Ohh buti naman at nandyan pala ang mommy mo. Hindi pa din ba kayo naguusap?" Ayoko talaga na napaguusapan si mommy. After ko mag celebrate ng 7th birthday ko, nag iba na sya.
"Iha, intindihin mo nalang ang mommy mo. Para din naman sayo kaya sya nagpapakabusy sa trabaho. Magisa ka nyang tinaguyod." ngumiti nalang ako kay tita. Ayokong isipin si mommy. Mas mabuti ng ganito nalang kami. Magiwasan para walang gulo.
"Tita, si andrew na daw po ang maghuhugas ng pinagkainan" nanlaki naman ang mata ni andrew sa sinabe ko. Aangal pa sana sya ng inapakan ko ang paa nya
"Ara---" bago pa nya masabi ang aray ay agad ko ng kinuha ang natira kalahating itlog sa plato nya at sinumpak ito sa bibig nya.
"Talaga anak? Sige mauuna na ko sa taas mag aayos lang ako. Hintayin nyo nalang ako."
"Sige po tita"
Nang tingnan ko si andrew mukang aangal pa kaya sinubuan ko ulit ng isang tocino.
"Sarap ba?" Asar ko sa kanya
Mukang nasamid ang loko loko kaya inabutan ko na ng tubig.
"Wala naman kasing aagaw sa pakain mo." Ngisi ko sa kanya
Agad naman nyang naibuga yung tubig. Malamang nilagyan ko ng suka.
"STELLAR MARIE CASTRO!!!!! IKAW!!! HALIKA DITO!!!"
BINABASA MO ANG
Waves Of Memories
RomanceWaves... Mayroong alon na magbibigay sayo ng makabuluhang karanasan. Alon na susubok sayo, kung hanggang dulo ay nakatayo ka at sasalubungin ang bawat hampas gaano man ito kataas o kahirap. Paano mo nga ba sasalubungin ang alon ng buhay? kung...