Chapter 2

66 14 0
                                    

"Oh dika ba muna kakain?" Tanong ni Aya habang kumukuha ng toast sa plato.

"Uhm hindi na may bibilin pako"

Nag-lagay sya ng mainit na tubig sa tasa nya at nagtimpla ng kape.

Parang nagutom ako.

"Osige na nga baka magutom ako bigla" umupo na ako at kumuha ng toast.

Nag lagay na rin ako ng bacon and ham sa plato ko.

"Uy bakla kilala na namin yung gusto kumandong sa'yo" natatawa sya.

Natigilan ako sa pag-kain.

Huh?

"Joke nga yon Aya. Kasi naman eh" I pouted and crossed my arms.

"HAHA wari kapa kinilig ka nga eh" sabay kagat nya sa bacon.

"Bakit ba big deal sa inyo?"

"Uy hindi ah curious lang arte neto" tumayo sya para kunin yung phone nya.

May ipapakita siguro.

"Well alam mo naman si Ali hindi yon titigil so hinanap niya yon"

Sabay pakita sakin.

Nagulat ako kasi parang nabasa ko na yon.

Kael Mendoza.

"Kael?" I said habang kagat parin yung ham.

"Yep Kael. Engineering student sya. Ang mommy nya ay isang Lawyer at ang daddy nya ay Doctor."

Woah so college na pala sya?

"Nako baka boto sayo ang tatay HAHA"

"Baliw" sabay kuha ng iniinom nyang kape.

"Kaso mukhang may girlfriend ata" Sabi na eh! Siguro yun yung nag-abot sa kanya ng tubig kahapon.

"Ah" maikling sabi ko.

Hindi ko na sya inisip kasi hindi ko mahanap yung pake ko para sa kanya.

Nang matapos ako ay nag-paalam nako kay Aya. Sabi ko na before lunch ay uuwi nako.

Pumunta na ko sa bookstore para mag- hanap ng box and colored paper. Inutusan kasi ako ng student council president namin. Siguro gagamitin sa program.

Habang nag hahanap may nahagip ang mata ko.

Wtf yun na ata ang pinakamagandang pen na nakita ko.

Naka box sya and nasa black na kahon na may gold sa gilid.

May nakalagay sa baba na cursive writing na "Own it"

Feeling ko naka tadhana sya sakin.

Kukuhanin ko na sana yon pero naunahan ako ng isang kamay.

"Oops" natatawang sabi niya.

Now, he's wearing a white shirt with a rose design sa gilid yung parang sa Lany. Matching with a gold necklace and a black jeans.

Ngumiti sya sakin. Nakita ko na naman ang ka gwapuhan nya.

"Kukunin mo?" Nakangiti sya sakin.

OMG mamamatay ata ako.

Tumango ako.

"Oo Sana?"

"Gusto mo ba?" Ikaw?oo?medyo?charot

"Uhm oo?" Sagot ko. Tinikom ko ang bibig ko baka masabi ko pa ang dapat hindi sabihin.

"I own it eh" parang malungkot nyang sabi.

Nalaglag ang panga ko.

Bakit mo pa tinatanong?

"Ah really you own it na pala edi go"minwestra ko yung daan papuntang cashier.

Nag lakad nako paalis doon dahil baka masapak ko sya. Grabe may patanong tanong pa sya kung gusto ko ba yon tapos hindi naman pala niya ibibigay grabe! Naubos yata yung gentleman trial card.

Boset  I want to purchase pa ulit non.

"I can own you too" napatigil ako sa sinabi niya.

Ako ba kausap niya?

Nang lingunin ko sya nakatinging sya sa ibang mga pens.

"I can own you too and you and you" natatawa sya habang kinukuha yung mga pens.

Kumunot ang noo ko. What's your problem?

"And also you" nakangiti syang humarap sakin.

Tinuro ko ang sarili ko.

Ako?

"Huh?"

"Ako?"

Tumawa sya at unti-unting lumapit sa akin.

Kinabahan ako kaya na pa-atras ako.
Hindi sya tumigil hanggang sa isang ruler nalang ang lapit namin.

"No HAHA" ngumisi sya at kinuha ang isang pen.

"Eto oh" habang winagayway sa harap ko.

"Wtf?" Yun lang at iniwan ko na sya.

Ano yon?joke?. Bwiset kikiligin na'ko tapos ganon lang? Babawiin nya lang?

Inis kong hinanap ang  mga pinapabili ni leina na president namin.

Secretary kasi ako at wala syang nautusan kung hindi ako. Malapit na kasi ang foundation kaya siguro gagamitin ito.

Nasa counter na'ko nang alukin ako ng cashier kung gusto ko kumuha ng card nila for discount.

Dahil gusto ko madagdagan ang collection ko ng mga cards kumuha ako.

"Ma'am fill out the form nalang po"

sabay abot ng ballpen at papel kung san ako mag-sasagot.

Sinulat ko ang name ko and my age and my school.

Habang sinusulat ang number ko may naramdaman akong nasa likod ko.

"Ammara Lucia Santos huh" nagulat ako sa nag salita.

Oh edi syempre sino pa ba?edi si Kael na naman.

"Really Kael" tinaasan ko sya ng kilay.

"Don't say my name masyadong mahal yon para sabihin mo lang" naka ngisi sya habang nakatingin sakin.

"Wow yabang"

"Ah ma'am excuse me po tapos na po sila?" Putol ng cashier sa akin.

Sinulyapan niya si Kael at nakita kong nag papa-cute ito.

Umirap ako.

Humarang ako sa paningin niya para hindi makita si Kael na walang malay.

Napatingin tuloy sya sakin. Ano ka ha?!

tumikhim ako at inabot sa kanya yung form.

Minutes lang ang itinagal at ibigay nya na sakin ang card para pirmahan iyon sa likod.

Habang nag lalakad palabas narinig kong tumawa pa yung cashier dahil kausap niya si Kael.

"May girlfriend na maharot pa" bulong ko.

Nagutom ako bigla kaya naman dumaan muna ko sa Milk tea shop.

Nag order ako at habang umiinom palabas nakita ko si Kael kasama yung babaeng nakita ko kahapon.

Nakita kong tumingin sya sa direksyon ko at ngumiti sakin.

Sumenyas ako ng what at umirap.

Umiling lang sya at inaya na sya ng babaeng pumasok sa loob ng book store.

Tinawagan ko si Leina para sabihin na nabili ko na lahat.

"Pumunta ka dito sa dorm ko dito natin aayusin" Sabi niya sa  kabilang linya.

Ay wow ako na pinabili ako pa papapuntahin.

"Okay" binaba ko na ang tawag at nag book ng grab.

Hanggang sa makarating sa dorm ni Leina iniisip ko yung mga ginawa ni Kael.





Our Priceless OdysseyWhere stories live. Discover now