Chapter 32

22 8 7
                                    


Hanggang sa makarating sa condo ko ay tahimik pa rin siya. Kaya naman nang hindi nakayanan...

"Love,what's the problem?" Tanong ko. Naka upo na siya ngayon sa couch,tahimik na hinihilot ang sentido.


"Hey..anong problema?" lumapit ako sa kaniya,tahimik na tumabi gilid niya.

I caressed his arm. I held his chin and lifted it a bit.

"Si mommy ba? Gano'n lang 'yon" nakangiti kong sabi.

He looked at me sadly. I saw the rain pours out of his eyes. The undeniably drowning feels ate me by seeing his tears falling. He is my sunshine. He lights up my dark world. He's the lamp in my chaotic room. I don't want to see him like this.

I held his face. "I'm sorry about what happened,baby. Please don't cry" I said.

"It's not about what happened earlier,Acia. It is all about the thought of your mom, the thought of not having trust on me" malungkot na sabi niya.

"Kael,please don't mind her. Ako na ang bahala" I assured him. Malungkot ko siyang niyakap nang mahigpit.

I smiled when he hugged me back.

"Acia, I will be there for you. Always. I won't leave. I will prove to your mom that I am trust worthy. That I can take care of you. I can love you despite of  many problems. Acia, I will prove her wrong" tumango ako at mas lalo siyang niyakap.

"Let's prove to her. I love you" malambing kong sabi. Humiwalay siya sa pagkakayakap namin at seryosong hinawakan ang mukha ko.

"I love you" I calmy closed my eyes. Hinalikan niya ang aking noo,ilong hanggang sa marating ang labi kong tuyot.

He licked it. Napangiti ako. Napasimangot na lang ako nang itigil niya ang ginagawa.

"Why?" Nakasimangot kong sabi.

"Spoiled ka na masyado" natatawang sabi niya.

Pinagkrus ko ang mga braso at tumuwid ng upo.

"Go cook. I'm hungry" mataray kong sabi.

Tumawa siya "No problem, ma'am!" Masigla niyang sabi.

Masaya siyang pumasok sa kusina,ani mo'y walang pinagdaanan kanina.

We ate our dinner so fast. Tumawag ang daddy niya habang naghuhugas ako ng mga pinggan. Ang sabi raw ay ayos na ang lahat ng gulo sa Batangas. Pinasalamatan niya si Kael dahil siya ang nangasiwa nito.

Pagkatapos naming manood ay umalis na rin siya para makapag pahinga. Ako naman ay itinuloy ang panonood hanggang sa makaramdam ng antok.

"Ikaw ang ikakasal,sis?" Maarteng sabi ni Aya. Kasunod niyang pumasok sina Ali at Sofie. They already wearing their gowns. Habang ako ay nakasuot pa ng roba.

Ngayon ang kasal ng ate ko. And I'm super excited to see the things we had been preparing for almost 3 months and now this is it! I wanna see that outcome. From the church,motif,gowns,flowers,the venue and even the foods!

"Baliw. Fini-feel ko lang " natatawang sabi ko. Binatukan naman nila 'ko isa-isa.

Isang make-up artist ang pumasok para ayusan ako. Ang tatlo naman ay kumukuha na ng mga litrato nila. Napasimangot ako nang inggitin pa nila ako.

Medyo tumagal ang pag-aayos sa'kin dahil inayusan din ang buhok ko.

I put my diamond earrings and also the necklace that has a diamond pendant attached on it.

Suot ang kulay champagne na off shoulder gown ay lumabas na ako ng kwarto.

Sabay sabay  kaming bumaba sa enggrandeng staircase na ngayon ay may red carpet.

Our Priceless OdysseyWhere stories live. Discover now