Chapter 29

20 9 0
                                    

"Just check the venue,Acia. Pupunta pa kaming Cathedral"  she said. She convinced me na pumunta sa venue ng reception.

"Okay,ate. Bye" I said.

It's been one month since we started preparing for the wedding. Next next month ang wedding nila. And I am super excited!

"Kael? Where are you?" Bungad ko nang sagutin niya ang tawag.


"Nasa puso mo" natatawang sagot nito.

"Baliw,saan nga? Can you drive me?" Tanong ko habang nag lalagay ng gatas sa cereal ko.


"Magkano kota ko riyan?" Napataas ang kilay ko.


"H'wag na nga. Kay Lore na lang" sabi ko.

"Tae ka! I'm just joking. I'm on my way diyan"

"Yey! Make it quick" sabi ko bago ibaba ang tawag.

Minadali ko ang pagkain para makaligo na. Hindi pa'ko nakakapasok sa banyo ay pumasok na siya.

"Good morning" bungad niya.


"I'll just take a shower. Upo ka muna" turo ko sa couch.


"Where are we going?" He asked,naupo na.

"Basta...wait lang"

Mabilis akong naligo at nag-ayos. Kulay itim na bestida at puting sandals ang isinuot ko.

"Let's go" sabi ko sa nakahigang Kael.

"Tara,madame" kinuha niya ang susi sa ibabaw ng lamesa.

He stood up and snaked his arm around my waist.

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Sa Versailles Palace tayo" sabi ko nang makapasok siya sa driver's seat.


"No problem!" Pinaandar niya na ang sasakyan.

"Do'n ba ang reception?" He asked. I nodded.

"Oo. Pupunta pa kasi silang Cathedral. Kaya ako na ang pinapunta. We'll just check the foods that they will serve,the ballroom,the designs tsaka kung anu-ano pa" tumango siya.

"Matagal na sila,'no?" Tanong niya.

"I think 5 years? 6?. I don't know. Pero 3 years na silang engaged"

"Paano yung love story nila?" He asked,still looking at the road.

" Si mommy and Tita Masha decided to engage the both. They were both in the same med school. And also amigas sila. Noong una ayaw nila ate pareho,pero they both knew the struggles and problems that they were having. Kaya naman nagkamabutihan. Kuya Adler is responsible and passionate,kaya nagustuhan din ni ate"

Tumango siya. Hindi ko namalayan na nasa designated place na kami. Agad siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto.


"Ms.Santos"  I said to the receptionist.


"This way, Ma'am" turo niya sa kanang bulwagan.

"So kayo ang couple? Welcome,welcome" isang matandang gay ang sumalubong sa'min. May scarf na pink sa leeg.


"No..pinadala po kami--" he cutted me off or should I say,she?the heck.

"Come on. Pasok kayo. I'll teach you the steps sa sayaw niyo,by the way I'm Levis. Bongga 'to!" Hinila niya ako kaya napatingin ako kay Kael.

Our Priceless OdysseyWhere stories live. Discover now