Chapter 24

20 9 0
                                    


Katahimikan ang namutawi sa aming dalawa nang marating namin ang dalampasigan. Tahimik akong umiyak at tahimik din siyang nakinig sa pagdadalamhati ng puso ko.

"Lore,Bakit?" Pinalis ko ang mga luha na kanina pa tumutulo.

"Maybe, hindi mo lang naiintindihan yung nangyayari sa kanila" nginitian niya 'ko.

Pinunasan ko ang aking mga luha. Tinignan ko siya. Nakatingin siya sa dagat. Tinapik ang hita niya para maagaw ko ang atensyon niya.

I smiled when he turned his head on me.

"Sorry, I'm really sorry. I don't mean to cry like this" natatawa kong sabi.

Umuling siya at ngumiti. "It's okay,Acia. Just let it all. I'm here for you"

Ngumiti ako sa kaniya.

Ilang minuto pa kaming ganoon nang may maisip ako.

"Gusto niya ba si,Kolie?" Halos mabasag ang puso ko habang sinasabi ko ang mga salitang 'yon.

Tumikhim siya bago umiling. "Hindi ko alam"

"Bakit siya nag bibigay ng motibo? Kung ibang babae naman pala ang gusto niya" tinanaw ko ang dagat na nasa aming harapan. Tinatamaan ito ng sikat ng araw. Kaya naman napaka ganda nitong pagmasdan.

Hindi sumagot si,Lore. The sound of the wind embraced our silence.

"Gusto mo ba 'ko, Lore?" I asked him out of nowhere. His eyes remained in the sea.

He swallowed hard. I think, he felt the awkwardness between us.

Tumawa ako nang bahagya para maibsan ang namumutawing ilangan sa'ming dalawa.

"Joke lang,masyado kang mabait para sa'kin" hinampas ko nang kauinti ang braso niya.

"Hindi ka mahirap magustuhan,Acia. Ang mahirap lang para sa'kin ay 'yung,saktan ka" tinignan ko siya kung nagbibiro ba siya o ano. Pero ang tanging nakita ko sa mga mata niya ay ang pagkaseryoso.

"Joke rin!" Tinulak niya ako dahilan para mapahiga sa buhangin.

"What the fuck,Lore?" Galit akong tumayo.

Tumayo rin siya para takbuhan ako.

"Bagal mo!" Lalo ko siyang hinabol. Naramdaman ko ang tubig na dumadampi sa mga paa ko.

Nang tignan ko kung nasaan na kami,nasa pwesto kami kung saan tumatama ang tubig.

Tumigil ako para hintayin ang tubig na paparating sa buhanginang tinatapakan ko.

I giggled when I felt the water on the tip of my foot.

"Ang ganda" sambit niya nang tignan ang dagat.

The sun is almost setting. The cool breeze of the night wind is almost here.

"Thank you,Lore" I looked at him. I tip toed and gave him a kiss on his cheek.

I rested my head on his chest. I wrapped my arms around his body.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin pabalik.

"Love birds! Tapos na kami mangabayo. Kayo ba?tapos na rin?" Sigaw ni Ali sa'min.

Nag-init bigla ang pisingi ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Lore. Namumula rin ang mga pisngi niya. Gaya ng sa akin.

Hindi na kami sumama ni Lore kanina sa kanila. We chose to stay here. They didn't asked naman kung bakit.

Naglakad sila papunta sa gawi namin.

Our Priceless OdysseyWhere stories live. Discover now