Chapter 35

16 8 0
                                    

"Baby, where are you going?" I asked,rubbing my eyes.

When I saw him perpecuity, he is fixing his hair in the mirror. Napatingin siya sa'kin nang umupo ako galing sa pagkakahiga.



"Kila, Math lang ako" I shivered when I felt his sudden coldness.

It's like you're in somewhere that could make you feel the unwanted coldnss. I just found myself here,finding the old one,finding him in darkness, longing for his fiery love again. I didn't know that loving him would make me feel this kind of pain. I thought we were okay like last night. But then again, I just thought it.

I cleared my throat,trying not to sound frustrated,hurt and pathetic.

I smiled. "Really? Can I join you,wait I'll change lang" tatayo na sana ako ngunit lumabas na siya ng kwarto.


Sinundan ko siya at nakita kong hawak niya na ang susi ng sasakyan.


"Kael? Sasama ako" nakangiti kong sabi.


"H'wag na,Acia. Saglit lang naman ako" he said in a baritone way.


"May problema, diba?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa'kin.



"Are you hiding something or someone? May iba kaba? Ano?" Tanong ko. Pinipigilan ang sariling h'wag umiyak.



"Sino, si Kolie ba? May iba pa?" Halos mayanig ang mundo ko sa pag-iisip nang gano'n.



"Kael,sabihin mo naman sa'kin. Kung problema 'yan,ayusin natin" halos manlambot ang tuhod ko nang maramdaman ang unang patak ng luha.



Nanatili lang siyang walang imik. Umiling siya at lalabas na sana ngunit hinabol ko siya at niyakap patalikod.

I hugged him very tight. I want to hold you Kael. I want to secure every day that in the end of the day, you are mine. Only mine. I want you to endure your problems with me. So please..let me know.



"Anong problema?" Tanong ko habang umiiyak.

Ramdam ko ang pagtaas-baba nang kaniyang likuran. Nanatili pa siyang tahimik bago lumayo nang kaunti.

"Ikaw" mahina ngunit nakabibinging salita. Tinanggal niya ang pagkakayap ko sa kaniya. Lumabas siya at iniwan akong nag-iisa sa apat na sulok ng kwartong ito.



In just a snap... I felt like I'm alone. Na sa dinarami ng pwedeng mag-isa sa mundo,bakit ako?

The silence envelope the whole place. Tanging ingay lamang galing sa abalang syudad ang bumabasag paminsan-minsan.

Napa upo ako at ipinahinga ang likod sa pinto. Umaasang babalik siya at babawiin ang sinabi.

Ako ang problema? But last time I checked, there's nothing wrong with me or even us. Walang problema sa'min. He was the one who acted like this in the very beginning. I've been received cold treatments from him and then I realized that he became distant.

Kahit na sabihin kong nagka-ayos o 'di kaya'y nag kalinawan kami kagabi.. hindi ko pwedeng itanggi na baka palabas niya lamang iyon para manahimik ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sa buong araw na iyon, I waited him to come back. I even called him for so many times. Pero hindi niya sinasagot. He's with Math. I'm sure they were just playing the whole day but was that hard to find way to answer my phone calls,even once?

Hindi siya sa condo ko umuwi kinagabihan. Pumunta ako sa condo niya pero wala rin siya. Tinawagan ko si Math pero naka-uwi na raw.

I convinced myself, sa bahay nila siya umuwi.


Kinaumagahan,maaga akong nag-ayos dahil pupunta pa'ko ng Silvester para sa registration. Malapit na rin ang pasukan.


Sila Aya ay bukas pa raw. Ang iba ay next week na dahil hindi pa nakaka-uwi. Naka patay ang phone ni Kael magdamag hanggang ngayon. Kaya naman inayos ko na lang ang sarili at tumungo ro'n.


Maraming estudyante ang bumabati sa'kin. Karamihan ay mga stem students no'n.

Pagkatapos kong mag paregister ay pumunta na lang ako sa isang coffee shop.

I ordered. Habang hinihintay ang in-order ay tumingin-tingin muna ako sa mga paintings na nakasabit. It's all about harvesting the coffee beans. Coffee cup. At marami pang iba.

Kulay kape rin ang tema ng interiors nila.

Nang dumating ang order ko ay inilabas ko ang phone ko para ilagay sa story sa IG.

'Kapengi attention' and I put laughing emoji on it.

Habang humihigop ng kape, isang babae ang nakita ko. Agad niya akong inirapan nang mahuli ang palihim kong pagsulyap sa kaniya.

Agad kong inubos ang kape na iniinom at lumabas na. Ayokong makipagtalo ngayon.

Ngunit nalaglag ang panga ko nang sa pagliko ko ay nakita ko ang sasakyan ni Kael na pumarada sa harap ng coffee shop.

Bigla namang lumabas si Kolie na may dala-dalang cup. Pinagbuksan siya ni Kael.

Habang umaatras ang sasakyan niya ay siya ring pag-atras ko. Natatakot na baka makita. Natatakot na baka makita nila kung paano ako nasasaktan ngayon. Kung paano nila 'ko sinasaktan ngayon.

I know, I shouldn't give any meaning yet. Because I didn't really have any idea why they were together. I know, I know. But I couldn't help myself from over thinking. Bakit sila magkasama, bakit sila sumakay sa iisang kotse, bakit ganoon?


Agad akong binalot ng matinding kalungkutan habang naglalakad pabalik sa Silvester.

Halos hindi ko na pinansin ang iilang bumabati at ngumingiti sa'kin.

Nang makuha ko na ang listahan ng mga kailangan ko sa pasukan,agad na 'kong umalis.

Balak ko nang bilhin ang mga ito.

When I get in the bookstore, halos sampalin ako ng ala-ala namin dito.

Nandoon ang imahe ko na umaatras sa posible niyang paglapit. Na sana pala ay noon pa lang ginawa ko na at ipinagpatuloy ko. Ang lapit namin na halos maamoy ko ang kaibuturan niya.

Lahat naalala ko. Sana ako ang kasama niya ngayon at hindi si Kolie. Ako ang girlfriend niya 'di ba? Ako ang pinili niya. Pero bakit sila ang magkasama?

Malungkot akong nagbayad. Inabot ko ang card na noon ay tinitignan ni Kael. 'Yon ang unang beses na narinig ko kung gaano pala kaganda ang pangalan ko kapag saiya ang bumigkas.


I never knew that would be great to be with him. But this one, I've never been prepared for this.

Tahimik kong binuksan ang pinto ng condo at inilapag ang pinamili sa couch.


Ang gabing hangin ay malamig. Nilulukob ang kwartong madilim. Tanging ihip ng hangin ang nagbibigay ingay.

I closed my eyes and just let my tears fell.

It hurts like hell when you realized,you are not important to someone anymore as you thought you were.

Our Priceless OdysseyWhere stories live. Discover now