Chapter 10

41 13 2
                                    


"Mamaya pa naman tutugtog diba?"

I asked Leina because, I want to spend some time kay Kael. He wants to talk about what happened earlier.

"Ah oo why?mamaya pa naman. Awarding pa lang"

"Sige thank you ha?" She nodded and gave me a smile.


"Tara na?" Kael went to me when he saw me done talking with Leina.

"Tara!" I said full of excitement.

Habang naglalakad kami ay hinawakan niya ako sa kamay.

Pinasadahan ko siya nang tingin bago bumaba sa kamay naming mag kahawak.

"Why?ayaw mo?" Para tuloy na offend siya sa ginawa ko.

"Uhm, I'm not comfortable with what"

Nginitian ko siya at ganoon din ang ginawa niya.

Umupo kami sa ilalim ng Narra.

May mga upuan dito at tanaw mo ang malawak na field.

Tanging kami lang ang nandito.Dahil halos lahat ay inaabangan kung,mananalo ang napiling kandidata sa Center S.

"About kanina" panimula niya.

Nag-iinit nanaman ang mga mata ko dahil na-iisip ko nanaman ang pang-iiwan niya sakin.

"Kolie had a problem,and ako lang ang matatakbuhan niya"

Tumingala ako nang sa ganoon ay hindi tumulo ang mga luha ko.

"Ayos lang" nakatingin parin ako sa itaas. Pumukit ako at dinama ang preskong hangin.

"Ayokong paghintayin ka don,kaya pinauna na kita."

"But.. I can wait for you Kael"

Handa akong hintayin siya. I mean,kasi siya yung kasama ko kanina diba?

"What?"

Napadilat ako sa sinabi ko!

"I mean,kaya ko namang maghintay kanina. Kasi ala pa naman akong gagawin non"

"Really huh?"

"Oo naman 'no!kaibigan kaya kita"

Alam ko namang hanggang doon lang 'yon,dahil hindi siya ang tipo ko.

"I'm sorry kung iniwan kita kanina. Hindi ko na uulitin"

I saw in his eyes,how sorry he was.

"It's nothing, Kael" I gave him a smile para naman gumaan ang loob niya.

"So,ano pala ginawa niyo kanina?"

Sumandal ako sa inu-upuan ko at tumingin sa mga nagta-taasang buildings.

"Pinakwento ko sa kaniya kung ano ba yung problema"

"So what's the problem daw ba?"

"Bawal sabihin sa pangit e" natatawa niyang sabi, kaya nilingon ko siya't hinampas.

"Ang gwapo mo ha?!"

"Salamat!Alam ko naman 'yon"

Ngumisi pa siya at nilagay ang kamay sa sandalan ko.

"Ang yabang mo!"

"Ang gwapo ko" sabay pogi sign niya.

Naiinis ako pero natutuwa ako. Kasi andito siya. Boring kapag wala siya.

Our Priceless OdysseyWhere stories live. Discover now