Chapter 36

18 8 0
                                    

"Hello,Math. Nandyan ba si Kael?" I asked him. He cleared his throat and sighed heavily.

"Wala siya rito. Sorry,Acia. Busy ako" with that,he immediately hang up.

Bumuntong hininga ako bago tumayo mula sa pagkaka-upo sa kama.

It's been 1 week. Hindi ko siya nakikita at hindi rin siya nagpaparamdam. Wala siya lagi sa condo niya. And the only thing I can do for now is to check him kay Math. Kung hindi kay Math,kila Lore o sa iba pa. But I ended up getting ignored by them. I don't even know,what's up with them. Hindi rin ako pinupuntahan ni Aya rito. Mas gusto ko pa na mag-ayang uminom si Ali kesa ganito.

I'm feeling a little nervous by their sudden acts and treatments. Are they hiding something to me? Bakit pakiramdam ko ay nahuhuli ako kapag ang pinag-uusapan ay tungol na sa mga kaibigan?

Kaibigan pa ba nila ako?

"Aya,come on. Punta ka naman dito" malambing kong sabi. Ilang linggo nilang hindi sinasagot ang mga tawag ko. Kaya naman sinusulit ko na dahil nasagot niya.

"Hindi kasi pwede. May date kami ni Lore" I smiled out of nowhere.

If only I could choose Lore..sana ay ginawa ko na noon pa.

The only thing he did was to have time for me,to show how I mean to him,to let me feel how lucky he was for having me by his side. Even if he's not a vocal person he finds way to at least show what he's feeling.

Pero mahal ko si Kael. At yun ang pinagkakapitan ko.

"Lore? Nagkaka-usap ba kayo?" Tanong ko sa kabilang linya. Ngayon na lamang ulit ako nakatawag sa kaibigan. Tinigilan ko kasi noon simula nang maka-usap ko si Aya.

"Hindi,Acia. I'm sorry" mapati akong ngumiti sa sinabi niya. Sasagot sana ako ngunit tinatawag na siya ni Aya.

"I need to go,Acia. Take care" pinatay niya na ang tawag.

I tried to call him. Pero hindi talaga sinasagot.

Balak ko sanang i-chat sila sa gc kaso ang tahimik masyado, nakakahiya naman kung ako lang ang magmumukhang interesado ro'n.

Lumipas ang mga araw at pasukan na naman. Malapit na rin ang birthday ko. Sa June 15. How I wish this is just a prank. How I wish that they were just planning for my birthday that's why they were ignoring me.

Suot ang kulay puting uniporme at itim na sapatos,kinuka ko na ang maliit na kulay itim na backpack.

Dumating na rin ang kotse ko kaya naman ay less hassle.

Pagkababa ko ng carpark ay agad kong hinanap ang itim na Bugatti. Nagtaka pa ako kung bakit gano'n ang binili. Pwede naman ako sa simpleng Nissan o kaya naman ay Ford. Napa-iling na lang ako.



Mabilis akong nakarating sa Silvester. 'Di hamak talaga na mas mabilis kesa noon.

Kinuha ko na sa bag ang schedule ko para sa araw na ito. Ang unang papasukan ko ay anatomy. Sa main building iyon kaya naman tumulak na ako paroon.

"Omg,antomy din first sub mo?" Bati ng isang kakilala. Si Eli.


Tumango ako at ngumiti. "Oo. Sana hindi si Ms. Bendilla ang prof ngayon" natatawang sabi ko. Terror siya masyado. Palibhasa,tumandang dalaga.


Tumawa siya at umiling. "Baliw ka" natatawang sabi niya.

Sabay naming tinungo ang room. Pagdating namin ay wala pa ang prof. Umupo kami sa badang likuran.

Medyo maingay ang iba dahil magkakakilala na. Ang iba ay nag babasa ukol sa maaring pag-aralan ngayon. Ang iba ay busy sa pag-aayos ng gamit at karamihan ay tahimik lang.

Nang dumating ang prof ay laking ginhawa ko dahil hindi iyon ang terror teacher.

"Good morning. I am Nathan Castro. Marahil ang iba sa inyo ay kilala na'ko" panimula niya.

Nakinig lang ako buong oras. Importante ang lecture dahil may 100 items na quiz bukas. Mas masaya talaga kapag elementary ka. Unang pasok ay magpapakilala lang. Dito ay pahirapan,quiz agad.



Nang matapos ang klase ay mayroon akong 30 minutes bago pumasok sa biology class ko. Kaya naman pumunta muna ako sa cafeteria.

Mas malaki at mas tahimik ang cafeteria ng college. May dalawang palapag 'to. Kumpara sa cafeteria namin no'n,may konting kalakihan ngunit maingay.

Bumili lang ako ng sandwich at juice. Hindi ako nakakain masyado sa condo. Dahil baka malate ako.

Since I have plenty of time,humanap muna ako nang mauupuaan.

Mahabang metal na mesa iyon at may metal din na upuan. Inilapag ko ang juice at sinimulang buksan ang wrapper ng sandwich.

Habang kumakain ay may mga kalalakihan na pumasok. Katulad iyon ng uniform ni Kael. Pang engineer.

Tumatawa sila habang papunta sa counter. Ngunit halos dumagundong ang puso ko nang pumasok siya.

Magulo ang buhok,maayos ang uniporme. Nakapamulsa siyang tumungo sa mga nauna.

Ilang linggo siyang hindi nagparamdam. I wonder if he remembers to get some time of thinking that he has a girlfriend.

Tumawa siya nang bahagya dahil sa sinabi ng kasamahan. Hindi nila ako pansin sa pwesto ko dahil medyo gilid ito.

Tumayo ako at kinuha ang bag,lalapit na sana ako ngunit may babaeng pumasok.

Si Kolie.

Ikaw na naman? Agad siyang nginitian ng lalaking mahal ko. Halos madurog ang puso ko sa tanawing niyayakap siya ni Kolie.

Ramdam ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Sumisikip ang puso ko.

Hindi ko alam na ganito ang bubungad sa'kin sa unang pasukan.

Ang kaninang sabik kong puso at pagnanasang maka-usap at mayakap siya ay mabilis na naglaho.

Agad akong yumuko at naglakad sa harap nila. Itinabing ko ang mahabang buhok nang sa ganoon ay mahirapan silang mamukaan ako.

The wind numb my entire body. Hindi inalintana ang init ng hangin na sinasalubong. Nang makakita ng isang upuang bato,agad akong tumungo ro'n.

Yumuko ako at hinayaang bumagsak ang mga luha.

Sana ay hiniwalayan niya ako ng pormal man lang bago siya naghanap ng iba. Sana ay sinabi niya na ayaw niya na sa'kin bago siya yumakap ng iba.

Sana ay pinaalam niya sa'kin. So I could prepare myself. So I could ease the pain by being ready for his sudden moves, by his sudden hurtful acts.

Wala e, my chest will just suddenly tightened by just seeing them together. I am here but it seems like he forgot it.

Our Priceless OdysseyWhere stories live. Discover now