Continuation of Chapter 9

1.8K 78 5
                                    

Continuation of Chapter 9 (Naging Sila Kahit Kami Pa)
____

Bea's POV:

"Lola, nasobrahan ba sa injection ang apo niyo?", tanong ko sa matanda nang pabalik na kami sa loob ng bahay nila.

Kung hindi lang ito pulis at walang pinag-aralan na tao, mapagkakamalan ko talaga siya na sobra sa bakuna.

"Hija, gano'n talaga si Nico. Pero malambot ang puso no'n.", sagot ni lola na medyo natatawa pa.

Halos matapilok naman ako sa sinabi niya, dahil kung tutuusin, kasing tigas ng bato ang damdamin nito.

"Hindi yata ako maniniwala sa'yo, lola. Kitang-kita mo naman kanina ang ginawa niya sa akin. Nakakainis!", saad ko at malakas kong tinulak ang wheelchair, kaya muntikan ng mahulog ang matanda.

"Ay sorry ho. Hindi ko sinasadya.", mabilis kong sambit at chineck ko kung nasaktan ito.

"Mga kabataan talaga ngayon, nagsisimula sa pagiging aso't pusa ang pagmamahal. Pati tuloy ako nadadamay.", wika niya dahilan para mapailing ako.

Pinili kong manahimik na lang, dahil baka saan pa mapunta ang usapan namin.

Allergy pa naman ako pagdating sa love, lalo na kung si Nico pa ang nagiging topic.

"Manang Ester, timplahan mo nga ako ng juice.", utos ni lola sa isang katulong.

Nakarating na kami ngayon sa bahay habang inaalalayan ko siya na maka-upo sa sofa.

Nauhaw yata ang matanda sa paglalakad namin. Kaya gusto nito ng maiinom.

"Lola, ako na po ang magtitimpla. Ano ba ang iniinom n'yong juice?", tanong ko sa kanya, bilang pag-iinsist.

"Naku hija, pagod ka na rin. Hayaan mo na sila na ang gumawa ng utos ko.", wika nito para pigilan ako.

"Tama si Madam, ako na lang.", sulpot ni Manang Ester kaya tumango na lamang ako.

"Sige po, salamat.", nakangiti kong tugon, pero hindi niya 'yon pinansin.

Ang sungit ng kasamahan ko.

Nagmemenoupos na yata si Manang.

"Nga pala hija, kwentuhan mo naman ako tungkol sa buhay mo. Para meron din akong alam at makilala pa kita ng husto.", pagsa-suggest ni lola na ikinabigla ko.

"P-po? Ako? Magkekwento?", pag-uulit ko muli.

"Oo. Kung okay lang sayo. Mahilig kasi akong makinig sa kwento ng iba.", turan nito kaya napalunok-laway na lamang ako.

"Okay po lola. Pero yung b-buhay ko kasi, puro kalungkutan eh. Baka maiyak lang kayo kapag nalaman mo.", saad ko sa matanda.

"Ayos lang 'yon. Handa akong makinig.", wika niya, kasabay ng paghawak nito sa aking palad.

Magsisimula na sana akong magkwento, kaso malakas na tunog ang nagpatigil sa akin.

Yung tunog na ito ay galing mismo sa baso na animo'y nabasag mula sa kusina.

"Manang, ano bang problema?", tanong ni lola na maging siya ay nagulat din.

"Ahm, wait lang po lola. Titingnan ko lang.", baling na sambit ko sa matanda para ako na mismo ang tumingin do'n.

Kaya tumayo na ako at agad na tumungo sa kusina kung saan, hindi lang pala baso ang nabasag.

"Manang Ester, 'wag. Ako na ang maglilinis. Baka mabubog pa kayo.", sambit ko sa kapwa ko katulong.

Akma na kasi nitong pupulutin ang mga basag na baso at plato na magdudulot sa kanya ng sugat.

"Hala sige. Dahil makulit ka, edi ikaw na.", wika nito at iniwan ako.

Kaya heto, ako na mismo ang pupulot ng mga bubog. Yung malalaking piraso ang pinulot ko muna para sa gano'n, wawalisin ko na lamang ang maliliit.

Pero dahil sa pagmamadali ko, natusok ang isa kong daliri dahilan para umagos ang aking dugo sa kamay.

"Ouch! Aray!", daing na bigkas ko.

"OMG, Bea! Halika at gagamutin na kita.", sulpot na sabi ni Sophie.

Kakatapos lang yata nito na maglaba dahil halata ko agad sa itsura niya.

"Ahm, ako na lang. K-kaya ko 'to. Punta muna ako sa kwarto.", turan ko sa dalaga.

Hindi ako sanay na pinapagamot sa iba ang sugat ko.
Gusto ko, ako mismo ang gumamot sa aking sarili.

Kaya nang makapasok ako sa room, saktong nagring naman ang cellphone ko.

Nacurious naman ako dahil unknown number ang tumawag sa akin.

At sa halip na gamutin ko ang sugat, pinili ko munang sagutin ang tawag.

"Sino 'to?", agad na tanong ko sa kabilang linya.

Hindi ko na pinakinggan ang sagot ng tao, dahil medyo humapdi na ang daliri ko.
Kaya inilapag ko muna saglit ang phone sa kama at kumuha na ako ng cotton at alcohol.
Sinimulan ko ng gamutin ang daliri, dahilan para mapahiyaw ako sa sakit.

"Ahh shit! Fuckkk! Ugghhh.", pag-uungol ko sa sobrang hapdi.

Sa puntong ito, napapapikit na rin ako.

"Ohhh! Ahh!", muli kong ungol.

Kaso sa kalagitnaan ng pag-aray ko, biglang sumigaw ang tao na tumatawag sa phone. And guess what? Si Nico pala 'yon!

"MINION, KUNG MAGSASARILI KA, PWEDE BA, H'WAG MONG LAKASAN ANG UNGOL MO?! BAKA MARINIG KA PA NI LOLA!"

T----tangina!

END OF CHAPTER 9
©Binibining_Timoji

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon