33

1.3K 48 0
                                    

CHAPTER 33 (NAGING SILA KAHIT KAMI PA)
____

ASH POV:

HINDI ko mahanap ang butas ng dalaga.

Masyado kasing palpak ang tauhan na inutusan ko para imbestigahan ang babaeng 'yon.

Kahit tuloy isa wala siyang nakuha.

Pero dahil matalino ako mag-isip, si Nico na lang ang pinuntirya ko.
Alam ko kasi na merong mali sa binata.
Kaya ako mismo ang gumawa ng paraan para malaman kung may tinatago ba siya.

And because of the investigation that I did, marami akong natuklasan.

Isa na dito ang baliw niyang pinsan na si Fiona. Wala ito sa tamang pag-iisip na naging hudyat para makaisip siya ng kasalanan. At sa kasalanan na 'yon, si Nico ang pinagawa niya.

Habang patuloy kong inaalam ang tungkol sa ginawa nila, tsaka ko nalaman ang nangyari sa babae. Her name is Bea.
It was four years ago and she was pregnant that day. At ang boyfriend niya pala noon ay ang asawa ngayon ni Fiona.

Nakakaloka diba?

All this time, halos may koneksyon sila sa isat-isa.

Pero hindi agad 'yon nabulgar dahil magaling umarte si Bea.

Kaya sa palagay ko, pinagtagpo ang landas nila para magulo ang buhay nilang lahat.

But sad to say, ako ang unang nakaalam ng lihim ni Nico.
Ang lihim na 'yon ay tungkol sa pagpatay sa anak ni Bea.

More exciting, right?

May alas na ako para paghiwalayin ang dalawa.

Kaso nga lang, magiging kawawa si Bea kapag binunyag ko ang sekreto ng lalaking minamahal niya ngayon.

Akalain mo, sa kakahanap niya ng hustisya, hindi nito alam, nasa harapan niya na pala ang pumatay.

"HAHAHAHAHAHA.", malakas kong tawa bago ko pinaandar ang kotse paalis ng bahay ni Nico.

Sayang. Wala pala ang binata. Hindi niya kasama na umuwi.
Dala ko pa sana ang ebidensya na nagpapatunay kung gaano kasahol ang ugali ni Nico.

NAPATIGIL ako sa pagtawa nang tumunog ang cellphone ko.
Tiningnan ko kung sino ang tumawag, at nabasa ko na si Fred ito.
Siya yung lalaki na binabayaran ko para bantayan ang Nurse na kinidnap namin.

"Oh bakit ka napatawag ha?", inis kong tanong sa kabilang linya.

"Ma'am, nakatakas ho ang Nurse.", kinakabahan na saad nito.

"WHAT?! PAANO NANGYARI 'YON?! ANG BOBO NIYO!", sigaw ko sa binata.

He was about to explain pero hindi ko na ito pinakinggan pa.

Doon din naman kasi ang tungo ko.
Mabuti ng makausap ko sila ng harapan para matadyakan dahil sa pagiging palpak.

Drinive ko ang kotse ng mabilis hanggang sa makarating ako sa bodega.

"MGA GAGO! ANG BILIN KO SAINYO AY BANTAYAN NIYO NG MABUTI ANG NURSE NA 'YON!", pagalit kong bulyaw nang bumaba ako.

Isa-isa ko rin silang binatukan at tinadyakan.

Halos apat sila, tapos nagawa silang takasan ng isang babae.

"Pasensya na ho Ma'am. Ang bilis kasi ng pangyayari.", bigkas nito kaya muli ko siyang sinampal.

"Mabilis ha? Mabilis ba?! ANG TATANGA NIYO! SIMPLENG PAGBANTAY LANG, HINDI NIYO PA MAGAWA?! PAANO KUNG MAGSUMBONG 'YON SA PULIS, EDI PATI AKO DAMAY!", muli kong saad.

"Huwag ho kayong mag-alala Ma'am, hindi ka po namin idadamay.",

"DAPAT LANG! DAHIL MALAKING PERA ANG BINIGAY KO SAINYO!", usal ko sa kanila.

Napasapo ako sa aking noo habang iniisip ang panibagong plano.

Ang gusto ko lang naman ay mabawi si Nico.
Gusto ko maging akin siya.

Pero dahil sa mga pesteng tauhan ko, nagkaleche-leche ang lahat!

Kaya dapat unahan ko na si Nico.
Baka makarating sa kanya ang pagdukot na naganap sa nurse na inutusan nito.

Tama! Hindi ko na siya hihintayin pa na bumalik sa bahay.

I need to give the documents and evidence to Bea.
Dapat niya ng malaman ang katotohanan.

Para kapag nagkita sila ng binata, puno na siya ng galit.
And that will be a success for me, once na maghiwalay sila.

"Fred, halika dito.", tawag ko sa lalaki.

"Bakit ho Ma'am?", agad na tugon niya.

"May ipapagawa ako. So make sure, you do it well. Dahil kapag pumalpak ka ulit, dadamayin ko ang pamilya mo.", pagbabanta ko rito.

"Hindi na ho Ma'am. Gagawin ko ng malinis kung ano ang gusto niyo. Kahit ano pa 'yan.", wika niya dahilan para mapangisi ako.

"Good. Nasa kotse ko ang papeles. May mahalagang pictures din do'n na dapat mong ibigay sa kanya.",

"Sino pong kanya?", sambit nito.

"Ito ang address ng bahay. Kaya ayusin mo ang trabaho mo. Huwag mo ring kakalimutan yung video ng nurse kung paano siya umamin sa atin. Ibigay mo 'yon sa babae.", paliwanag ko para maintindihan niya ang gusto kong iparating.

"Opo Ma'am. Makakaasa po kayo.",

"Huwag ka ng magsalita! Bilisan mo na lang! ALIS!", sigaw ko sa lalaki.

Mabilis itong tumakbo para pumunta sa kotse ko.

Nang makuha niya ang sinasabi ko, sumakay na siya sa kanyang sasakyan.

Natitiyak ko, nasa akin ang huling halakhak.
Kapag nakita 'yon ni Bea, magiging matagumpay ang plano ko.

Mapupunta muli sa akin si Nico.

END OF CHAPTER 33

©Binibining_Timoji

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon