Chapter 24

1.2K 52 0
                                    

Chapter 24 of Naging Sila Kahit Kami Pa
___

Bea's POV:

TINEXT ko ang aking bestfriend na si Claire na 'wag masyadong maingay bukas.

Panigurado kasi na maraming katanungan si Nico kapag hinatid niya ako sa bahay.

Hinahanda ko lang ang lahat para hindi ako sumabit.

Kaya heto, humiga na ako sa kama para matulog.

Ayoko munang pangunahan ang pwedeng mangyari.

Pinikit ko na ang aking mata hanggang sa dalawin ako ng antok.

NANG magising ako, naka-uniporme na ang binata.
Poging-pogi siya sa police uniform niya na talagang umaapaw ang kaastigan nito sa katawan.

Aminado ako, na sobrang attractive siya tingnan. Dumagdag pa sa pagiging gwapo niya ang mapungay nitong mata.

Hindi ko rin maiwasan na titigan ang labi niya dahilan para matulala ako.

"Babe, kumilos ka na. Anong oras na ohh?", sambit ni Nico at piningot pa ako sa ilong.

Napahiyaw tuloy ako dahil sa hapdi na dulot ng kamay niya.

"Hays! Oo na! Eto na nga, maliligo na! Nangwawarshock ka talaga noh?!", bigkas ko at tinarayan siya.

Mabilis akong pumasok sa banyo para maligo agad.
Wala ng sabon-sabon, tamang buhos lang ng tubig.

"I'm done!", sigaw ko nang lumabas.

Basang-basa pa ang buhok ko, kaya yung patak ng tubig, dumadaloy sa dibdib ko.

Nasilayan ko ang biglaang paglunok ni Nico ng laway na tila naakit ko siya sa ganitong paraan.

"Shit Minion, pwede bang magbihis ka na? Kay aga-aga, hindi lang ako ang tumatayo, pati alaga ko, standing-ovation sayo.", saad nito kasabay ng pagtalikod.

Nakapulupot lang kasi ng tuwalya ang katawan ko na abot hanggang tuhod lamang.

"Yes Sir.", tugon ko at dali-daling tumungo sa kwarto.

After thirty minutes, nakadamit na ako at nakapag-ayos ng sarili.
Kaya sabay na kaming pumasok ng kotse para ihatid ako ni Nico sa amin.

"Lumiko ka. Dyan lang sa kanto.", pagtuturo ko ng direksyon.

Kaagad niya itong sinunod at hininto sa lugar na tinuro ko sa kanya.

"Sige babe, salamat. Ingat ka din sa trabaho mo.", turan ko sa binata nang bumaba ako ng sasakyan.

"Hindi mo ba ako aayain na pumasok?", he asked.

"Pwede ka naman pumasok, Nico. Pero baka kasi ma-late ka. Nandito pa naman ang madaldal kong pinsan, tiyak, hindi ka no'n titigilan.", saad ko at palihim na kinakalikot ang kamay sa likod.

Marahan n'yang tiningnan ang relo at napakamot sa batok.

"Actually, late na nga ako. So, I need to go. Basta, babalikan kita dito ha?", bigkas niya bilang tugon.

"Babe, 'wag na. Pakatapos kong bisitahin si lola, babalik din ako sa bahay mo. Ayokong mapagod ka pa. I love you. Promise, hindi ako magtatagal.", muli kong sabi.

"Kung 'yan ang desisyon mo, the okay. Pero yung kiss ko, nasan?", pilyong sambit nito.

Bahagya akong napangiti dahil nasilayan ko ang lubog niyang dimple sa pisngi.

"Mwah.", paghahalik ko na may kasama pang tunog.

Umakting pa ito na parang nahimatay siya dahil sa kiss ko.

Loko-loko din talaga si Nico, kaya aminado ako na masaya din ako sa kanya.

Abot-tanaw ko na lamang siya na tiningnan palayo sa pwesto ko.

Tsaka lang ako natauhan nang hinila ni Claire ang buhok ko.

"Hoyy gorl, nakita ko ang ginawa mong paghalik sa lalaking 'yon ha? Don't tell me, inlove ka na?", bigkas nito na hindi pa rin inaalis ang kamay sa aking buhok.

"Anong inlove ka dyan? Ginagamit ko lang si Nico para mapalapit sa katotohanan.", tugon ko bilang pagtanggi sa pinaparatang niya.

"Talaga ba? Bakit parang iba ang nababasa ko sa mata mo?", sundot na sambit nito.

"Excuse me? Hindi nga ako inlove. Alam mo, buti na lang, hindi pumasok ang taong 'yon, kasi baka ikaw ang bumulgar sa lihim ko.", inis kong turan.

"Eto naman si bessy, masyadong mainit ang ulo. Halika na nga, doon na tayo sa loob mag-usap. I miss you.", saad ni Claire na may kalambingan sa boses.

"Correction, hindi tayo mag-uusap. Sasamahan mo ako magmake-over.", taas-kilay na tugon ko na may kasamang kindat.

Bestfriend ko siya. Kaya sa tinginan palang namin, alam niya na kung ano ang pinaparating ko.

So here we are, sa magandang salon.
Nagpa-rebond ako at nagpakulay ng buhok.
Bumili na din kami ng sexing damit sa mall na magagamit ko sa araw ng pagtutuos.

For almost nine hours, ganyan katagal ang pagsasama namin para ayusan lang ako.

"You look so gorgeous and hot, sissy!", maarteng turan ni Claire.

Natawa lang ako dahil medyo pang-Kris Aquino ang pagkasabi niya.

"Thank you.", tipid na sambit ko.

Pinauwi ko na siya, samantalang ako, nagpaiwan muna sa mall.

Gusto ko din kasi gumala at maglibot muna habang maaga pa.

Well, I just like my hairstyle and my outfit right now. Feeling ko, isa akong prinsesa.

"Hmmmmmmm.", mahina kong wika habang dinadama ang bawat galaw ng buhok ko.

At nang umikot ako, awtomatikong nabitawan ko ang mga binili kong damit dahil sa isang tao na sumamid sa braso ko.

"What the hell---Bea?", bigkas nito sa aking pangalan.

Wala sa oras ay tumingin ako sa kanya.

And guess what? Si Fiona ang nasa harapan ko.

"Akalain mo nga naman, ang laki ng mall, pero nagkita talaga tayo. Kaya pala, biglang uminit ang lugar na 'to, dahil nandito ka. Hindi tuloy tumalab ang aircon.", pahayag nito na tila hinahamon ako ng away.

"Paanong hindi iinit? Diba kapatid mo si Satanas? Malamang, ikaw ang dahilan kung bakit ganito kainit ang loob ng mall. Masyado kasing demonyo ang ugali mo.", nakangising sabi ko.

"Stupid! Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin makamove-on? Bakit 'di mo na lang tanggapin na akin na si Mark. Ako na ang asawa niya.", tugon niya at inipit sa tenga ang hibla ng buhok na humaharang sa mukha nito.

"Hindi si Mark ang pinag-uusapan natin dito. Kundi ang bata na pinatay mo.", giit kong saad.

Tumawa ito ng malakas at tinitigan ulit ako.

"I don't know what you're talking about. Pinagbibintangan mo ba ako?",

"Pa'no kung sabihin kong 'oo'? May magagawa ka ba?", palabang kong wika.

"Kung hindi ka pa na-inform, may pinsan akong pulis. Kaya pigilan mo 'yang bunganga mo. Baka hindi ako magdalawang-isip na idemanda ka.", tugon niya na animo'y hinahain si Nico.

"I don't care. Kahit sinong pontio-pilato pa ang iharap mo sa akin, hindi mo ako mapipigilan. Aalisngaw ang baho mo.", pagsasabi ko na hindi pa rin mawala ng ngisi sa labi.

Pero bago ko siya tinalikuran, may pinaiwan akong kataga.
Na alam kong ikakabaliw niya.

"And by the way, pagsabihan mo si Mark ha? Habol kasi ng habol sa akin. Kapag ako naasar, aagawin ko siya sayo. Magiging kawawa ka, kapag nangyari 'yon.",

END OF CHAPTER 24
©Binibining_Timoji

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon