Continuation chapter 15

1.8K 74 0
                                    

Continuation of Chapter 15 (Naging Sila Kahit Kami Pa)
_____

Nico's POV:

"NASA'N ba ang lola mo, Nico? Pwede ko ba s'yang makilala?", bigkas ni Ash habang naglilibot ito sa bahay.

Kanina pa s'ya pabalik-balik na tila sinusuri ang bawat sulok.

Nalilito na rin ako sa dalaga, kaya minabuti kong sulyapan na lamang si Minion.
Nakikipaglaro kasi ang babae sa pamangkin ko.

And yeah, Anna is enjoying right now.
Nakikita ko 'yon sa mata niya.
The way she laugh, ramdam ko na masaya s'ya kay Minion.

"Nico, I'm talking to you. So please, sa akin mo naman ituon ang atensyon mo.", inis na pakiusap nito.

Siguro nga, nahalata nito ang pasulyap-sulyap ko kay Minion.

"Ano ba kasing gusto mo?", turan ko kay Ash.

"Hays. You're not listening. Kakasabi ko lang na gusto kong makilala ang grandma mo. Diba, matagal mo na s'yang kinikwento? So I wanna meet her.", pag-uulit na wika niya.

"Nasa kwarto siya. Nagpapahinga. Next time na lang siguro.", tanging saad ko.

"Next time? At kailan ang next time?", sambit niya muli dahilan para mainis lalo ako.

"Ashley, pwede bang tumahimik ka muna?", kalmado kong sabi.

Tinitimpi ko ang sarili ko dahil babae pa rin siya.

"Bakit ba? Bakit parang ayaw mo na magsalita ako?", mataray na tanong nito.

Pero laking gulat ko nang sumingit sa usapan si Minion.

"Hindi ba obvious? Dahil ang panget ng boses mo.", she said.

"Hindi ikaw ang kausap ko, kaya 'wag kang papansin. Masyado kang asungot.", turan nito kay Minion.

"Sa ating dalawa, ikaw ang asungot. Alam mo kung bakit ha?", matapang na bigkas nito nang tumayo siya at iniwan si Anna para lang lapitan si Ashley.

"W-what do you mean?",

"Bakit 'di mo tanungin si Nico?", ngising saad niya.

Teka, ba't napunta yata sa akin ang usapan?
Ano bang binabalak ni Minion?

"Nico, alam mo ba ang sinasabi niya?", baling na wika ni Ash.

"Oh well, ako na lang ang magsasabi para sayo. Nakakaawa naman kung magmukha kang tanga.", litanya ulit ni Minion.

But this time, nakataas na ang kilay nito at gumuhit ang mapaglarong ngiti sa labi niya.

"Kung hindi ka sana dumating, nangyari na sana ang dapat mangyari sa amin ni Nico. And you know what I mean.", diretsang wika niya at hinawakan pa ang pisngi ng dalaga.

"Don't touch me! We're not even close.", maarteng sabi ni Ash nang alisin nito ang kamay ni Minion.

"Kaya siguro nagsawa si Nico sayo, dahil walang nakaka-excite sa ugali mo. Bakit hindi mo gayahin ako? Innocent but wild.", tugon niya sa babae.

Shit!

Kakaibang salita na ang lumalabas sa bibig ni Minion.

"H'wag mo akong itulad sayo ha? Ibahin mo ako. Dahil ikaw, masyadong easy to get. At hindi na ako magtataka kung ilang lalaki na ang gumalaw sayo. Like eeww, ang panget ng taste ni Nico.", pagsasaad nito.

Hindi ko na kaya 'to.
Below to the belt na ang binabato ni Ashley kay Minion.

"Enough. Tumigil na kayo.", galit ko ng sambit.

Tinapunan ko ng titig si Ash, na ngayon ay hinihikayat ako na kampihan siya.

"At ikaw, umalis ka na. Punong-puno na ako sayo. Nagsisi tuloy ako na niligawan kita.", bigkas ko sa kanya.

Awtomatikong nanliit ang mata nito na tila hindi siya makapaniwala.

"What the hell! I can't believe this! Ako pa talaga ang tinakwil mo!", usal na saad niya.

"You heard it, right? Umalis ka na raw.", muling wika ni Minion.

"Arrghh! I hate you! Hindi pa tayo tapos! I'll make sure, na hahanapin ko ang baho mo!", pananakot nito bago lumabas ng bahay ko.

Medyo namutla naman si Minion dahil sa pagbabanta ni Ashley.

Tsk. I feel like, there's something wrong about her.

Kilala ko na ba talaga si Minion?

____

END OF CHAPTER 15
©Binibining_Timoji

A/N: Please vote and give some feedbacks.

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon