35

1.4K 57 1
                                    

CHAPTER 35 (NAGING SILA KAHIT KAMI PA)
____

NICO's POV:

AFTER ONE HOUR na biyahe, nakarating din ako sa bahay ng kaibigan ko.
He's the doctor, I'm talking about.

Siya ang tumulong sa akin para mapatay ang baby.

Buti na lang at naabutan ko pa siya dahil paalis na sana ang kotse nito.

"Ikaw pala 'yan Nico. Akala ko, kung sino ang humarang sa sasakyan ko.", bigkas nito nang bumaba sa kanyang kotse.

"Ano bang pinunta mo? I mean, ngayon ka lang nagpakita at dumalaw sa bahay ko.", he said again.

"Pwede bang sa loob na lang natin pag-usapan? Importante lang 'to, pare.", turan ko na mabilis niyang pinagbigyan.

"Sure. Let's go inside.", tugon nito.

Pumasok kami sa malaking bahay niya at hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"May sabit kasi, pare.", pagsisimula ko.

"Sabit saan?",

"Tungkol sa pinagawa ko sayo. Naalala mo pa ba ang batang pinatay natin sa tiyan ng babae?", sambit ko na ikinatigil niya.

"Pare naman, kung ano man ang sabit mo dyan, huwag mo na akong idamay pa. Sapat na siguro ang tulong ko sayo diba? I gave you the favor.", saad ng binata na may kaba sa dibdib.

Alam kong iniisip nito ang kanyang trabaho bilang Doctor.
Panigurado, madadawit siya at masisira ang image niya sa maraming tao.

"Hindi ko naman idadamay ang pangalan mo, pre. Ang akin lang kasi, gusto kong linisin ang pagkakamaling ginawa ko.", turan ko para hindi na ito mangamba pa.

"Edi ayos kung gano'n. Pero maiba tayo, bakit mo binabalikan ang nakaraan? Paano nagkaroon ng sabit? May nalalaman na ba ang babae?", sunod-sunod na tanong niya.

"Wala pa. Pero kasi, yung babae na 'yon, siya ang babaeng minamahal ko ngayon.", mahinang sabi ko.

"Ano? Pare, ulitin mo nga. Hindi ko yata narinig ang---",

"Hindi ko alam, pare. Hindi ko naman alam na siya pala 'yon. Naging katulong ko pa siya sa bahay. And shit! I fall inlove with her. Ang bobo ko dahil hindi ko man lang inalam ang background niya.", paninisi ko sa sarili.

Oo, wala talaga akong alam sa pagkatao ni Minion nung nakilala ko siya.

At hindi ko rin alam ang mukha ni Bea na ex-girlfriend ni Mark.
Wala kasi akong oras na kilalanin siya dahil sa araw na 'yon, nililigawan ko si Ashley. Siya yung babae na hinahabol ko at nakatuon sa kanya ang atensyon ko.

Basta sinabi ko lang sa Doctor ang pangalan ng babaeng papatayin niya.

"Tangina pre! Kinakarma ka na!", bulyaw nito na may malutong na mura.

"Kaya nga eh. Gumaganti na si Tadhana. Pero kasalanan ko naman. Kaya aayusin ko 'to ngayon. But please help me.", seryosong turan ko.

"Anong tulong ba, pare? Kasi kung sa kabutihan na 'yan, handa akong tulungan ka.", pahayag ng kaibigan ko.

Napangiti naman ako dahil kahit papa'no, may karamay ako sa oras na 'to.

"Kausapin mo naman ang utol mo, pre. Sabihin mo, kailangan ko siya. Mahusay na abogado ang kapatid mo, kaya may tiwala ako sa kanya.", litanya ko muli.

"Para sa ikabubuti mo, tutulungan kita.", he replied.

Pero kaakibat no'n, biglang tumunog ang kanyang telepono.
Nagpaalam naman ito sa akin para sagutin ang tawag.

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon