39

1.5K 54 1
                                    

CHAPTER 39 (NAGING SILA KAHIT KAMI PA)
____

BEA's POV:

IT's BEEN TWO MONTHS, simula nung nalaman kong nakulong si Nico.

Siya mismo ang sumuko sa mga pulis at sinabi ang katotohanan sa lahat.

Ito ang narinig ko na balita mula sa radyo. Nasa bilangguan na siya kasama ang Doctor at nurse.
Kaya kahit papano, nawalan ng tinik ang dibdib ko dahil sa ginawa niya.

But still, I hate him.
Galit pa rin ako sa kanya.

Hindi kasi ako madaling makalimot.
Kapag may atraso sa akin ang tao, matagal bago ko sila mapatawad.

Minsan, inaabutan ito ng ilang taon bago mapawi ang sama ng loob ko.

Kagaya ni Mark, ngayon ko palang siya pinatawad.
Inalis ko ang galit ko at tinanggap ko siya bilang kaibigan na lang.

Yes, we're now friends. Hanggang doon na lang ang kaya kong ibigay sa binata kahit na inamin nito na mahal niya pa rin ako.

Mark is my first love. Kaya nagtataka ako, kung bakit hindi ko na maramdaman ang spark sa pagitan naming dalawa.

Siguro nga kami ang nagpapatunay na kahit first love ang isang tao, mababalewala mo ito kapag natagpuan mo na ang true love mo.

And I guess, I already found him.
Kaso sa maling araw at pagkakataon ko siya nakita.

Oo, si Nico ang tinutukoy ko.
Mahal ko pa rin siya sa kabila ng ginawa niya sa akin.
But this is not the right time, para makipag-ayos sa lalaki.

Gusto ko munang gamutin ang sugat sa puso ko, bago ko muling patawarin si Nico.

"Ta, sa'n ka po punta?", kalabit na saad ng anak ni Mark sa akin.

Nakabihis kasi ako ngayon at handa na sanang lumabas ng bahay.
Pero bigla siyang sumulpot sa likuran ko dahilan para muntik na akong mapahiyaw.

"Baby naman, ginugulat mo si tita eh.", sambit ko kasabay ng pagluhod ko para makapantay siya.

Magkakasama kami sa bahay ni Claire.
Dito muna sila tumuloy habang si Mark naghahanap ng bahay na pwede nilang lipatan.

Naging close ko na ang anak niya at masasabi ko na sobrang kulit at malambing si Anna.

Nagpapasalamat nga ako dahil hindi siya naging katulad ng mama niya.

"Aalis si tita, bibisitahin lang ang tito Nico mo. Gusto mo bang sumama?", nakangiting bigkas ko.

"Toto Nico? Opo, opo!", tumatalon na tugon niya.

She's really cute.
Ang sarap pisilin ng kanyang pisngi tapos nakaka-attract din ang mata nito.

"Okay. Halika, palitan muna kita ng damit.", saad ko sa bata.

Kung nabuhay ang anak ko, ganito siya kakulit.
Sayang lang dahil hindi ko man lang nahawi ang buhok niya kagaya ng ginagawa ko kay Anna.

Pinalitan ko na nga ito ng damit at nilagyan ng powder sa likod.

Matapos no'n, umalis na kami at sumakay sa taxi.

Sinabi ko kay Claire na may pupuntahan kami ng bata. Baka kasi hanapin ni Mark si Anna. Close pa naman ang mag-ama.

Kaya heto, sumakay na kaming dalawa patungo sa kulungan.

Hindi nagtagal, nakarating kami do'n.

Medyo kinakabahan ako na makita si Nico dahil hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nasilayan ko ang sitwasyon niya.

"Toto!", sigaw ni Anna at tumakbo ito para yakapin ang binata.

Pumayat si Nico. At yung mata niya, matamlay.
Hindi ko maiwasan na maawa sa kalagayan ng lalaki.

Sa palagay ko, nagdusa na siya sa kulungan.

"Toto, bakit po kayo nandito? Tsaka, bakit po kayo may sugat sa mukha?", tanong ng bata sa kanya.

Tiningnan ko ang bandang pisngi ni Nico na medyo namamaga.

"Ahh, nauntog lang ako. Ikaw, kumusta ka na? Ang taba mo na ha?", gigil na turan niya.

"Toto naman eh. Sabi ni Tata, ang cute ko po kapag mataba.", natatawang wika nito.

Umupo na si Nico habang naka-kandong sa kanya ang bata.

"Alam mo toto, namiss po kita. Miss ko na po kayo ni mommy. Sabi ni daddy, nagwork lang daw si mommy kaya hindi ko siya nakikita.", pagkekwento ni Anna.

I'm just looking at them, dahil wala akong maisip na sasabihin.

Yung galit ko kay Nico, biglang umurong.

"Oo may work nga si Mommy Fiona mo. Kaya ikaw, maging mabait ka.",

"Opo, mabait po ako, Toto. Kalaro ko nga po si Tata Bea tapos si Daddy Mark. Magkakasama po kami sa bahay.", turan ulit ng pamangkin niya.

Napawi naman ang ngiti sa labi ni Nico nang marinig niya ang sinabi ni Anna.

"Ahh m-mabuti kung gano'n.", yukong wika niya.

Kaya pinili kong sumingit sa usapan nila para wala siyang isipin na iba.

"Sa bahay ni Claire. Pansamantala kaming magkakasama. Pero aalis din sila kapag nakahanap si Mark.", I said.

"You don't need to explain, Bea. Okay lang naman sa akin. Sige, salamat sa pagdalaw niyo, papasok na ako sa loob. Maglilinis pa kasi ako ng CR.", mahinang pahayag niya at binaba si Anna.

Tatayo na sana ito, pero agad ko siyang pinigilan.

"Nico, kumain ka muna. Niluto ko 'yan para sayo.", sambit ko sa binata.

"Salamat Bea, pero busog na ako. Sana hindi ka na nag-abala.", tugon niya na hindi tumitingin sa mata ko.

Huminga muna ako ng malalim para ihanda ang sarili na aminin ang totoong pakay ko.

"Alam mo bang binaba ko ang pride ko? Binaba ko 'yon, dahil gusto kong malaman kung nahihirapan at nagdudusa ka na. At binaba ko 'yon, dahil sa kabila ng ginawa mo, ikaw pa rin ang nasa isip ko. Nico, I still love you.", pahayag ko habang pinipigilan ko na 'wag umiyak.

Nilamon ako ng galit ko no'n kaya nakabitaw ako ng masakit na salita.

But now, I realized that I can't live without him.

Miss na miss ko na siya.

Namiss ko si Nico na tinatawag akong Minion.
Yung Nico na minahal ko.

Kaya tumayo ako at niyakap ang lalaki.

Hindi ko na rin matiis ang luha kaya kusa itong pumatak.

"Mahal pa rin kita, Nico. Kaya handa akong i-urong ang kaso para muli tayong magsama.", bigkas ko muli.

This day, naging okay kami.

Naging maayos ang relasyon namin.

Wala ng poot. Wala ng sama ng loob.

Iba talaga ang epekto ng TRUE LOVE.

I love him, so I forgive him.

END OF CHAPTER 39
©Binibining_Timoji

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon