Continuation of 31

1.3K 48 4
                                    

Continuation of Chapter 31 (NAGING SILA KAHIT KAMI PA)
_____

Bea's POV:

"TUNGKOL ba saan ang pupuntahan mo, Nico? I mean, agad-agad, aalis ka?", I asked him.

Nasa may kotse kami at kasalukuyan niya akong hinahatid pauwi sa bahay nito.

Nagpaiwan daw muna si lola para kausapin si Fiona.
Hindi raw kasi nagustuhan ng matanda ang inasta ng babae kanina.

Well, she deserves it. Dapat lang siya pagsabihan ni lola. Maling tao yata ang nagpalaki sa kanya.

"Uuyy, tinatanong kita. Ano ba kasi ang aayusin mo? Bakit kailangan pa tumagal ng ilang araw?", muli kong saad.

Hindi niya sinasagot ang tanong ko at patuloy lang siya sa pagmaneho.

"Babe, tungkol sa trabaho ko 'to. Alam mo naman ang pulis diba? Kahit saan naka-assign para lang magampanan ang tungkulin.", pagwiwika niya.

Sa totoo lang, hindi ako kumbinsido kay Nico. Parang palusot niya lang ito para hindi na ako magtanong pa.
Pero kagaya ng sinabi niya sa akin, 'all I need to do is to trust him'.
Kaya ito ang ibibigay ko sa binata.
Basta 'wag niya lang sirain ang tiwala ko.

"Sige na, babe. Bumaba ka na. Malayo pa kasi ang pupuntahan ko, kaya kailangan kong magmadali.", turan niya nang huminto kami sa tapat ng bahay.

Base sa kilos ng binata, halatang hinahabol nito ang oras.

Kaya sinunod ko ang sinabi niya na bumaba.
So after that, I just waved my hands and gave him a flying kiss.

Pinagpatuloy niya na ang pagdrive habang ako ay tinatanaw siya palayo.

Masyadong mabilis ang pagmaneho niya na tila may nangyayaring karera sa daan.

"What's wrong with him?", bigkas ko sa sarili.

Napailing naman ako na pumasok sa loob. Kaso laking gulat ko nung makita ko si Ashley na nakaupo sa sofa. Naka-dekwatro pa talaga ito na parang pagmamay-ari niya ang bahay.

"Sino bang may sabi na pwede kang umupo dyan?", mataray kong turan.

"Si Nico ang hinihintay ko at hindi ikaw. And don't act as if you owned this house. Hello, yaya ka lang dito.", bigkas niya na binalik sa akin ang katarayan.

"Correction, I'm Nico's girlfriend. Hindi ako basta yaya lang.", tugon ko sa dalaga.

Tumayo ito at ngumisi habang tinitingnan ako sa mukha.

"I don't care. Wala akong pakialam kung boyfriend mo siya. Kasi sa totoo lang, alam kong hindi kayo magtatagal.", pagwiwika nito.

"Hindi 'yon mangyayari. We love each other. Mahal ako ni Nico at hindi niya ako hihiwalayan. Kaya huwag mo akong gayahin sayo na sinukuan agad.", matapang na saad ko.

Pero tumawa siya na may pang-iinsulto kasabay no'n, tinapik niya ang pisngi ko.

"Kawawa ka naman. Pinaglalaruan ka na, kilig na kilig ka pa.", she said while laughing.

"Anong sabi mo?", bigkas ko sa kanya.

"Hindi mo alam? Kung sabagay, uto-uto ka. Hindi mo kasi ginagamit ang utak mo, kaya hindi mo nakikita ang totoo. Sorry ha? Mas updated yata ako sa buhay mo. Iba talaga kapag may pera.", mayabang na pahayag ni Ash.

Sa kayabangan na 'yon, may gusto siyang ipuntirya.

Kaya marahas kong hinawakan ang braso nito na halos idiin ko pa ang aking kuko.

"Sabihin mo nga kasi sa akin, may nalalaman ka ba na hindi ko pa alam?", turan ko rito.

"What if I said 'yes'? May magagawa ka ba? But sorry, hindi ko muna sasabihin 'yon. Dahil mas maganda, kapag nandito mismo si Nico.", sambit niya bago kinuha ang bag.

Umalis ito sa harapan ko, habang ako muling napaisip.

Shit! My curiousity killing me right now!

END OF CHAPTER 31
©Binibining_Timoji

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon