36

1.4K 51 0
                                    

CHAPTER 36 (NAGING SILA KAHIT KAMI PA)
____

BEA's POV:

"WALA KA NG MALOLOKO PA, NICO! HINDI MO NA AKO MAPAPAIKOT PA! KAYA ITO ANG TANDAAN MO, IPAKUKULONG KITA!", sigaw ko na halos umigting ang aking panga sa galit.

Kahit anong paliwanag pa ang sabihin niya, hindi na ako maniniwala pa.

Sinungaling siya! At higit sa lahat, mamamatay tao!

Wala siyang puso! Kaya nagtataka ako kung bakit naging pulis ang tulad niya!

"Oo, Bea. Makukulong ako. Ako mismo ang papasok sa kulungan para mapatawad mo ako. Pero mahal kita. At totoo ang pagmamahal na pinakita ko sayo--",

I slapped him.
Malakas na sampal ang binitawan ko sa kanyang pisngi.

Ang kapal ng mukha niya para sabihin na minahal niya ako?

"Gustong-gusto kita patayin. Pero naalala ko, hindi ako demonyo para gawin 'yan sayo!", bigkas ko muli na may madiin pa rin sa pananalita.

Humakbang na ako palayo sa pwesto ni Nico at umalis na sa bahay niya.

Mabigat ang pakiramdam ko ngayon.
Punong-puno ito ng poot dahil hindi ko pa rin matanggap ang nalaman ko ngayon.

Minahal ko si Nico, pero siya pala ang punot-dulo kung bakit nawala ang anak ko.

Halos inggit na inggit ako sa mga nanay na kasama at nahahawakan ang anak nila.
Samantalang ako, sa maling paraan kinuha ang bata.

Lutang na lutang ang isipan ko na naglalakad sa kalsada.
Bumalik tuloy sa aking ala-ala, kung paano ako nagdurusa.

Napabayaan ko ang sarili ko no'n.
Minu-minuto, umiiyak ako.
Oras-oras, ini-imagine ko kung anong itsura ng anak ko.
Siguro, kung nabuhay ito, sobrang kulit nito at sobrang cute ng mukha niya.

Napahinto naman ako dahil sa isang kotse na muntik ng makasagasa sa akin.

Sa kakalakad ko pala, hindi ko namalayan na nasa gitna na ako ng kalsada.

"Bakit hindi mo pa tinuloy?! Sana sinagasaan mo na lang ako!", sigaw ko sa taong nasa loob ng sasakyan.

Mabilis itong bumaba at do'n ko nakilala kung sino ang taong 'yon.

"M-mark?", sambit ko sa pangalan niya.

Siya yung ex-boyfriend ko na inakala kong pumatay sa mismong anak namin.

But I was wrong, dahil walang kinalaman si Mark sa nangyari sa akin.
Pero hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit niya ako pinagpalit kay Fiona. Kung bakit siya nagpakasal sa babaeng 'yon?

"Bea, anong nangyari sayo?", tanong nito na may pag-aalala.

"S-sorry.", naluluhang bigkas ko at niyakap ang lalaki.

Kinamuhian ko si Mark dahil naniwala ako sa doctor.

"You're not okay, Bea. Halika at ihahatid kita sa bahay ng kaibigan mo. Sabihin mo lang sa akin ang address kung saan siya nakatira.", saad nito na talagang inalalayan pa ako.

Pumasok ako sa kanyang kotse at sinabi nga kung saan ang bahay ni Claire.

Doon niya ako pinunta at dinala.

"Besssyy, bakit ganyan ang itsura mo? May ginawa ba sayo ang lalaking 'yon? Sinaktan ka ba? Tell me.", turan nito sa akin.

Binigyan niya pa ako ng malamig na tubig para maging magaan ang kalooban ko.

Ayokong magsalita. Dahil nahihiya ako sa pagdududa ko kay Mark.

"Pero maiba tayo ng usapan, bakit mo ba kasama ang hinayupak na 'to?", inis na sambit muli ni Claire.

Akma sana nitong haharapin si Mark para sermonan, kaso pinigilan ko ang kamay niya.

"Wala siyang kinalaman sa lahat.", mahinahon na sabi ko.

"Huh? Anong---",

"H-hindi niya pinatay ang anak namin. Nagkamali ako, Claire.", yukong wika ko sa dalaga.

Hindi ko makita ang reaksyon nilang dalawa, pero si Mark, biglang lumuhod sa harapan ko.

Siya mismo ang umangat ng mukha ko para makita ang aking mata.

At ganito nga ang nangyari, nagtama ang paningin namin sa isat-isa.

Puno pa rin ito ng pagmamahal na tila walang nagbago sa bawat titig niya.

"Bea, pasensya na. Kung tinago ko sayo ang katotohanan. Hindi kita naipaglaban. Naipit ako sa sitwasyon. Pero hindi ko pinatay ang anak natin.", he explained.

"A-alam ko, Mark. Alam ko na ang totoo. Si Nico na pinsan ni Fiona, yung boyfriend ko ngayon, siya ang pumatay sa anak natin. P-pinatay niya.", nauutal kong sabi habang umaagos ang luha.

"What?! Yung pulis?! Tangina! Paano niya nagawa 'yon? Akala ko pa naman mabuti siyang tao!", malakas na bigkas ni Claire.

Maging siya ay hindi makapaniwala.
Halata ko sa boses niya ang pagkagulat.

Pero gano'n talaga, kung sino pa ang iniisip natin na mabuti, sila pa pala ang may tinatagong kasalanan.

"Ako ang dapat na magsorry sa'yo, Mark. Dahil pinag-isipan kita ng masama. I'm sorry. I'm sorry.", pahayag ko sa lalaking nasa harap ko.

"Ayos lang Bea. May kasalanan din naman ako dahil naging duwag ako.", turan niya nang punasan nito ang aking luha.

"--Pero ngayon, hindi ko na hahayaan na saktan ka nila. Handa akong talikuran si Fiona at kunin ang anak namin. Tatalikuran ko ang babae at ipapadala ko siya sa mental.", he continue.

"Alam kong baliw si Fiona, pero b-bakit mo siya pinakasalan? Bakit mas pinili mo siya kaysa sa akin?", tanong ko sa kanya.

Gusto kong masagot niya ito ng diretso dahil naguguluhan na talaga ako.

I don't know his reason.

"Mahabang kwento, Bea. Pero isa na do'n si mama, baon na baon siya sa utang at si Fiona ang tumulong sa kanya para malabas siya sa kulungan.", saad ni Mark at tumabi sa upuan ko.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin dahil alam kong nagsisimula na ito magkwento.

"Kaso may kapalit ang bawat tulong niya. Nabuntis ko siya dahil lasing ako no'n. Ayoko sanang panagutan dahil hindi ko naman talaga ginusto na may mangyari sa amin. Pero si Nico, kinausap niya ako. Nakiusap siya sa akin na panagutan si Fiona dahil gabi-gabi raw umiiyak ang babae. That time, gulong-gulo ako.", malungkot na wika niya.

Hindi pa rin sa akin malinaw ang lahat pero alam kong nagsasabi siya ng totoo.

Kaya yung galit ko kay Nico, mas nadagdagan dahil sa nalaman ko ngayon.

I hate him! I really hate him!

Hindi ko na yata makakaya pang makita ang binata.

END OF CHAPTER 36
©Binibining_Timoji

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon