Chapter 14

2K 84 6
                                    

Chapter 14 (Naging Sila Kahit Kami Pa)
______

Bea's POV:

MADIIN kong pinunasan ang aking labi para maalis ang halik ni Nico.

Nagawa ko na rin silang palabasin para makapagbihis na ako.

Ang lalaking 'yon, iba-ibang ugali ang pinapakita niya.
Mukhang nasasapian yata siya.

"Minion! Maglaro tayo!", pagsisigaw na tawag nito mula sa labas.

Oo, kinukulit niya rin ako na makipaglaro sa bata.

Hays!

"Minion, yuhooo! Naghihintay na kami dito ni Anna!", muling sigaw ni Nico.

Potah!

Monggoloyd yata ang pulis na 'to.

"Mama!", rinig kong sambit ng bata na ngayon ay siya na rin ang tumatawag sa akin.

Tiyak, pinasunod siya ng lalaki para tawagin akong ganon.

"I hate it.", iling na saad ko.

Kaya kahit labag sa kalooban ko ang lumabas, lumabas pa rin ako dahil nakakairita ang boses nilang dalawa.

"Oh ayan, lumabas na ang maganda mong mama.", ngising sabi ng binata.

"Isip-bata.", mahinang sambit ko sa sarili.

Nilapitan ako ni Anna at hinawakan ang kamay ko.

"Mama, sabi ni papa, laro po tayo.", magalang na saad nito.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako ang mama mo. So stop calling me like that.", wika ko sa kanya na animo'y pinapagalitan ko ang bata.

"Minion, 'wag mo namang sigawan si Anna. She's just a kid.", pagsasaway ni Nico.

Bumuntong-hininga ako at pinilit kong maging plastik kahit sa araw na 'to.

"Sorry. Nareregla kasi ako. Kaya lagi akong galit.", pagdadahilan ko na lamang at muling binalingan ng tingin si Anna.

"Lalaro tayo, baby. Ano bang gusto mo?", kalmadong saad ko.

"Kahit ano po. Pero gusto ko po yung bahay-bahayan. Gaya ng nilalaro namin nila daddy Mark.", excited na sabi niya.

Kinakalma ko na nga ang sarili ko, pero nagawa n'ya pang i-mention si Mark.

"Anna, ibang laro na lang.", sambit ni Nico.

"P-pero yun po ang gusto ko tito--ay papa pala.", tugon ng bata.

"Okay, kung 'yan talaga ang gusto mong laruin. Then fine. Let's play it.", pagsasang-ayon na lamang ng binata.

Nanatili akong nakatingin kay Nico na ngayon ay nagsisimula ng gumawa ng bahay, gamit ang mga upuan.

"Oh honey, baby, pasok na kayo.", pahayag ng lalaki na animo'y inaaya na kami ni Anna.

Tumakbo agad ang bata sa loob habang tumatalon.
Kitang-kita ko sa mata niya ang pagiging masaya.

Kaso nang tumabi na ako sa kanya, bigla itong napa-upo at tila nagbago ang mood.

"Bakit ka natahimik? May problema ba?", I asked her.

"Wala naman po. Naalala ko lang kasi yung pag-aaway nila mommy at daddy.", malungkot na sambit niya.

Napa-upo ng maayos si Nico at naging interesado ito sa sinasabi ng bata.

"Nag-away sila? Teka, sinaktan ba ni daddy Mark mo, yung mommy Fiona mo?", tanong nito.

Halata sa pananalita niya na concern siya sa kanyang pinsan.

"Hindi po. Nagsigawan lang po silang dalawa. Galit na galit nga po si Mommy kasi lagi pong umaalis si Daddy.", wika ulit ni Anna na tila nagpapaliwanag na.

Sa edad na three years old, madaldal na rin siya.

"Tapos po, nabanggit ni mommy na baka hinahanap ni daddy ang babae niya dati. Hindi ko po alam kung sino kasi pinapasok na ako ni yaya sa kwarto ko. Naiiyak po ako kapag ganon ang nangyayari sa kanila.", pagpapatuloy na kwento ng bata.

Nasilayan ko ang pagkuyom ng kamao ni Nico na tila alam ko na ang tumatakbo sa kanyang utak.

Hindi sa pagiging assumera, pero ramdam ko na ako ang babaeng hinahanap ni Mark.

Matapos n'ya kasi akong iwan at ipagpalit kay Fiona, lumipat ako ng bahay.
Lumayo ako para hindi niya na ako makita pa.

"Tsk. Malaman ko lang talaga na sinaktan niya ang pinsan ko, malakas na suntok talaga ang abot niya sa akin.", wika ng binata na sobrang dinig na dinig ko kahit na mahina n'ya itong binigkas.

"Tama! Bugbugin mo na rin diretso! Masyadong mapanakit ang mga Mark.", wala sa sariling bigkas ko.

Tinapunan tuloy ako ng titig ni Nico na may kunot-noo.

"What?",

"W-wala.", tanging sabi ko na lamang at umiwas ako ng tingin.

Bakit ba kasi kapag siya ang nagiging topic, ganito kabilis ang emosyon ko.

Hayss! Ang gulo! Mukhang affected pa rin yata ako hanggang ngayon.

©Binibining_Timoji
To be continue...

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon