Chapter 11

1.8K 76 2
                                    

Chapter 11 (Naging Sila Kahit Kami Pa)
_____

Bea's POV:

It's another day!

Medyo okay na rin ang sugat ko dahil hindi naman masyadong malaki.

At yung kahapon, nasabi ko na rin sa bestfriend ang tungkol kay Nico, kung bakit ako napunta at naging katulong sa bahay ng binata.

Buti na lang at naintindihan agad ito ni Claire. Kaya kahit papano, napigilan niya ang pagiging madaldal.
___

Bumangon na ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto.

Hindi pa alas-singko ng umaga pero may umuudyok sa dibdib ko na tumungo sa kusina.
Siguro dahil kumakalam ang aking sikmura at kailangan kong uminom ng kape.

And guess what? Pagkarating ko do'n, nakita ko agad na maraming gulay ang nakapatong sa mesa.

Nagtataka nga ako dahil ang ibang gulay na nasilayan ko ay mismong paborito ni Mark.

"Oh, gising ka na pala. Tamang-tama, tulungan mo ako sa pagluluto.", bigkas ni Nico na sumulpot bigla sa unahan ko.

Lalo tuloy akong nacurious, sa pagiging maaga niya.

"Himala! 4:00 a.m palang, pero gising ka na. Anong nangyari sa'yo?", balik na sambit ko.

"Napaaga ang gising ko dahil mamaya, bibisita si Fiona kasama ang asawa't anak niya.", ngiting sabi nito na animo'y may kasiglahan sa boses.

"H-huh? P-pupunta sila dito?", pagsasaad ko.

Hindi ko kasi inaasahan ang sinabi niya, kaya medyo nagulat ako.

"Yap. Pupunta sila.", mabilis na tugon ng binata.

Wala tuloy na lumabas sa bibig ko, sa halip, napatalikod ako para kumuha ng tasa.

Kung pupunta sila dito mamaya, malamang makikita nila ako.

"Nga pala, day-off ngayon ng ibang kasamahan mo. At ikaw ang tutulong sa akin sa pag-asikaso.", he said again.

Muntik ko namang malaglag ang tasa dahil sa kaba na umapaw sa damdamin ko.

Hindi pwede 'to. Hindi pa ako handa na makaharap sila.
Wala pa akong alas na hawak, kaya masisira lamang ang plano ko.

"Hey Minion, natahimik ka yata? May masakit ba sayo?", pagtatanong ng lalaki.

"Ahh w-wala.", iling na tugon ko.

"Kung gano'n, pakatapos mong mag-almusal, tulungan mo akong magluto. Wala kasi akong alam pagdating sa mga ulam.", wika niya ulit sa akin.

Kaya pilit akong ngumiti at tumango.

"Sure. Akong bahala. Magkakape muna ako.", tanging sambit ko kasabay ng pagbalik ko ulit sa kwarto habang bitbit ang tasa na may laman na kape.

Napasanday naman ako sa may pinto at marahan kong hinigop ang mainit na kapeng tinimpla ko.

Kailangan kong makaisip ng paraan para maiwasan ko 'to.
____

Matapos kong magkape, agad kong sinimulan ang pagluluto.

Buong akala ko, magtutulungan kami ni Nico, pero sa huli, ako rin ang gumawa.

Nakakainis lang dahil limang putahe ng ulam ang niluto ko.

And after I cooked, narinig ko ang pagpalakpak ng binata sa akin.

"Good job, Minion. Pwede ka ng mag-asawa.", pagkokomento nito nang tikman ang pinakbet na ginawa ko.

"Salamat po Sir ha? Ang galing mong kumain.", sakrastikong saad ko.

Halos maubos niya kasi ang isang mangkok dahil sa pagiging matakaw niya.

Halatang sarap na sarap ito sa niluto ko.

"Then, thank you. Matagal ko ng alam 'yan.", ngiting turan niya.

At saktong alas-otso ng umaga, narinig ko ang door bell, hudyat na may tao sa labas.

Kumabog na ang puso ko, dahil natitiyak ko na sila Fiona at Mark na 'yon.

"Minion, buksan mo na ang pinto.", pag-uutos ni Nico.

"Bakit ako? Ikaw ang malapit dyan, kaya 'wag mo akong utusan.", matigas na sambit ko.

"Seryoso ka ba? Boss mo ako dito kaya malamang uutusan kita.", inis na pahayag niya.

"Bakit? Bisita ko ba ang pupunta? Diba, hindi naman? So ikaw ang bumukas, natatae ako!", pagsisigaw ko at biglang tumunog ang aking pwet.

"Pambihira! Kaya pala kanina pa ako nakakaamoy ng baho. Umutot ka pala!",

"Ang arte nito! Nakiki-amoy ka na nga lang, ang dami mo pang satsat.", huling bigkas ko at kumaripas ng takbo sa C.R.

Mukhang tinutulungan yata ako ni Tadhana na malampasan ang problema ko.

Akalain mo, biglang sumakit ang tiyan ko sa hindi malamang dahilan.
____

Nang ibuhos ko ang sama ng loob sa mismong toilet, inayos ko muna ang sarili. Akma na sana akong lalabas, pero narinig ko ang boses ni Mark. Ang boses ng ex-boyfriend ko.

"Uy dude, long time no see.", saad nito kay Nico.

Bahagya akong sumilip para tingnan sila, at hindi nga ako nagkamali sa aking hula.

Nando'n ang ex ko, habang dala nito ang anak nila ni Fiona.

Mapakla akong napangiti dahil kung hindi sana namatay ang baby ko, siguro ganito na rin siya kalaki.

"Pasok kayo, at tatawagin ko lang si lola.", tugon ng binata sa kanila bago umalis para puntahan ang matanda.

Nakita ko naman ang paglibot ni Mark ng kanyang mata na animo'y sinusuri ang bawat sulok.

"Wala pa ring pinagbago. Akala ko pa naman, pagpunta natin dito, magka-girlfriend na ang pinsan mo.", natatawang sabi nito kay Fiona.

"Oo nga eh. Akala ko din.", turan ng babae sa kanyang asawa.

The way they look each other, nasasaktan ako. Pero kaakibat no'n ang galit ko sa kanila.

©Binibining_Timoji

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon