Continuation 10

1.8K 71 2
                                    

Continuation of Chapter 10 (Naging Sila kahit Kami Pa)
______

Nico's POV:

Pinili kong magpahangin muna, kaya sumanday ako sa may pinto habang hinihintay ko na matapos ang pag-uusap ng dalawa.

Nagawa ko na ring kumuha ng malamig na tubig para inumin ito.

To be honest, palaisipan pa rin sa akin ngayon ang tungkol sa ex-girlfriend ni Mark.
Kahit ilang taon na ang nakalipas, may umuudyok sa damdamin ko na hanapin at kilalanin ang dalaga.

Actually, I never met her.
Masyadong mysterious ang tungkol sa pagkatao ng babaeng 'yon. Kahit pangalan at picture nito, hindi ko alam at nakita.
At tanging si Fiona at Mark lang ang nakakakilala sa kanya.

Kaya hindi ko maiwasan na magtaka, lalo na sa kakaibang kondisyon ng pinsan ko.

Fiona suffering from mental illness.
May problema siya sa pag-iisip dahilan para makagawa siya ng mali.

And I guess, nagsimula ito nung maghiwalay sila ni Mark at nakahanap ng bagong girlfriend ang lalaki.

This is the reason, kung bakit natatakot ako. Natatakot ako dahil alam naming lahat na napilitan lang si Mark na pakasalan at panagutan ang anak nila ni Fiona. Kaya kahit bali-baliktarin ang mundo, hindi magbabago na mahal pa rin ni Mark ang dating nobya niya.

Sa sobrang pag-iisip ko, napahinga ako ng malalim, dahilan para mapansin ito ni lola.

"Apo, ayos ka lang ba?", pagtatanong nito sa akin.

"Ahm opo.", tanging tugon ko.

Pinilit kong isantabi ang lahat, para hindi na mag-alala si lola.

"Kung gano'n, bakit nakatulala ka yata? May problema ba, hijo?", bigkas niya muli.

"Wala naman po, La.", iling na saad ko.

Saktong nagring naman ang aking cellphone mula sa bulsa.
Kaya agad ko itong dinukot para tingnan kung sino ang tumawag.

And it's Fiona.
Tumatawag siya ngayon.

"Sino ba 'yan? Ba't parang ayaw mong sagutin?", wika ni lola na animo'y nakatingin na rin pala sa phone na hawak ko.

"Ah si Fiona, lola. Sandali lang at kakausapin ko.", paalam na bigkas ko, sabay labas ng bahay.

Inaccept ko na nga ang call at bumungad sa tenga ko ang boses ng babae na may kainisan.

"My ghad, Nico! Bakit ang tagal mong sagutin?", inis nitong sambit sa kabilang linya.

"Marami lang ako na ginagawa, Fiona. Bakit ka pala napatawag?", pagbabalik na saad ko.

"Well, namiss ko lang kayo ni lola. Besides, gusto kong itanong yung kaso tungkol sa babae na balak kaming nakawan. Hindi ba, nangako ka sa akin na hahanapin mo ang taong 'yon?", wika nito na tila pinapaalala ang ginawa ni Minion.

Kitang-kita kasi sa CCTV nila ang tungkol dito, kaya hindi rin mapakali ang pinsan ko hanggat hindi ito nadadakip.

"Sa tingin ko, mas mabuti kung hayaan na lang natin siya, Fiona. Kasi kung tutuusin, hindi naman natuloy ang pagnanakaw sa bahay niyo diba? Kaya 'wag mo na lang siguro problemahin 'yon.", pahayag ko naman sa kanya.

Hindi ko pa nabanggit ang tungkol dito kay Minion dahil tiyak sasampa at sasampa ito ng kaso.

"Pero Nico, gusto kong makita at malaman kung sino siya. Ang lakas kasi ng kutob ko na baka siya yung ex-girlfriend ni Mark.", mahinang sabi ng pinsan ko.

Awtomatikong nailayo ko ang cellphone sa aking tenga, dahil sa binitawan nitong kataga.

"It's impossible, Fiona. Napaparanoid ka lang.", pagtutugon ko muli.

"Hays. Siguro nga. Nasobrahan lang yata ako sa gamot.", bigkas nito at maya-maya ay bigla s'yang nagsalita ulit.

"Nga pala, bibisita kami bukas ng anak ko d'yan. Gusto ko lang isurprise si lola. Kaya, sabihan mo mga maids niyo na maghandang pagkain ha? Kasi baka sumama na rin si Mark sa pagpunta dyan.", she continue saying.

Medyo na-excite at natuwa naman ako, dahil namiss ko na ring asarin ang pamangkin ko.

Halos isang buwan na rin kasi na hindi sila nakakadalaw sa amin.

"Sure. Lahat ng paborito niyo, ipapaluto ko sa bagong maid ko dito.", ngiting saad ko.

Kalokohan na naman ang sumagi sa utak ko, na tiyak, ikakagalit ito ni Minion.

Siya kasi ang gusto kong magluto ng ulam para bukas.

____
END OF CHAPTER 10
©Binibining_Timoji

Dedicated to: Mark John, Jessie, and Marianne.

NAGING SILA KAHIT KAMI PA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon